Ang Bagong Blog

Matagal-tagal din ata akong hindi nakapag-blog. It’s been a year. Kinalimutan ko na yung blog ko last time. About college life. Wala na akong ikwekwentong kagaguhan sa inyo, mga tao. Kaya para sa mga sumusubay ng blog ko kung paano mag-drop ng subject, o magcut ng klase, mameke ng pirma o gumawa ng project 1 oras bago ang pasahan, sorry to say,pero nag-aaral na ako ng mabuti. For a change.

Pero hindi ibig sabihin nun ay wala nang natirang latak ng pagiging BI ko. Mabait lang ako sa mga mata ng professors, pero sa mata ng sambayanang Pilipino, walang nagbago sa katingerang una ninyong nakilala.

May isang bagay lang na nawawala sa blog ko nung una. Isang bagay na malaking isyu sa akin na hindi ko nasabi noon pa. na dapat ay sinabi ko sa blogssss ko. Bagay na hindi ko nasabi dahil nakasunod ang mga kalasmeyt ko.

I am Lesbian. Period.

Sorry naman, dun sa mga taong umasang akala nila, sadyang pinanganak lang akong pinitik-pitik ang hita ko kaya bukaka ako maglakad, o kinalabit ang vocal chords kaya lumuwag at naging boses lalaki. Sorry. Matagal ko na itong dapat sinabi. Pero natatakot akong masira ang pangalan ng aming angkan sa kanilang lunggaan, ma-showbiz at gisahin ni Boy Abunda.

Sa katukayo ko, sana straight ka. H’wag mo nang dagdagan ang mga jombolits na kapangalan natin ha?

Kung naitatanong nyo kung ba’t bigla akong nag-blog, simple lang: may isang babaing makulit na namimilit sa aking magblog. Pabulong-bulong animo’y konsensya ko, (kaya nga BI. LOL) Magblog ka na… Magblog ka na… (repeat 10 times) dahil gusto nyang me makakasama sa wordpress. haha. Itatago na lang natin sya sa pangalang nyang Juliet. lol. Juliet, if you’re reading this, you won against my brain. (mga kapatid, taga-ibang lupalop sya, at hindi sya  nakakaintindi ng lengguwahe ng mga mortal. lol)

Isang pag-amin, na dito nyo lang narinig. Kay Katingera, mula sa bundok ng Tralala.

Advertisements

One comment

  1. JULIET · Hulyo 13, 2010

    AHAHAHAHAHAHA! Talagang may translation ah. Adik ka talaga. Mwuahhhhhhhhh! Yeey! May kasama nako. Tae kelangan ko ata magupdate ng akin. Nahiya naman daw ako. Hahaha. Umamin na si Romeo. Step 2: hanap ng prospek. Joke!

    katingerahaha. langya. prospek agad! hehe. o basta magblog ka na ulit ha?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s