A Blessing in Disguise

January 11, 2010

Dear Diary

January is a busy month. Yung tipong  kelangan mo munang magpaalam bago ka huminga dahil s dami ng requirements. 2 hours of sleep at ubusang pera. Nakakagigil.  And because of this, i think i deserve a treat.

Kaya kahit bumabagyo ng bongga, pinilit kong tahakin yung daan papunta sa paborito kong resto. The place was just like the old times, boring. Then, the waiter approached me.

He looks familiar (although I’ve never seen His face before). Papa ang tawag sa kanya ng mga customers dun. Kaya, naki-papa na rin ako. Napasin Nya atang naiilang ako, kaya tinapik ako sa balikat at inabot yung menu.

  • burger with fries
  • spaghetti with giant meatballs
  • carbonara
  • fried Chicken
  • sisig
  • siomai
  • fried  noodles
  • tapsilog
  • longsilog
  • dasilog
  • tosilog
  • hotsilog
  • longsilog
  • borlog
  • betlog
  • bahaw na kanin
  • fishballs
  • kikiam
  • turon
  • isaw
  • balat
  • balun-balunan
  • atay
  • shake
  • ice cream
  • panis na ham
  • shake na may kasamang kembot
  • makunat na chicharon
  • malutong na tawa
  • sweet smile
  • maasim na mukha
  • gumagaralgal na boses pa
  • saway na prof
  • work mode
  • cutting classes
  • net ( blog, fb)
  • mantrip
  • mary grace muñoz gato

“Papa, anu tong nasa dulo? Bago ba ito?”, sabay tingin sa ibang menu.

“Walang ganyan sa iba, sayo lang. Bago yan. Just give it a try.”

Haynaku, bakit give it a try? Ano ba’to? nakakakain ba to? Parang di naman. Umorder na lang ako iba.

Pero pagdating ni Papa, dala nya pati yung nasa dulo ng menu.

Ang kulit pala ni Papa, sabi ko…

“After mo kumain, try mo ito, maiba naman”, He said.

Langya, eto ba yung Grace after meals?

langya, ang hirap pala mag-isip ng isusulat habang nasa jeep. pati utak ko, umaalog ng bongga. tapos eto ngayon, nagtatype ako. nahihiya na ako kay kuya na may-ari nitong compshop. ako na lang tao.

pero hindi ako makakatulog. binabagabag ako ng utang ko sa isang babaing NAPAKAkulit.

Out of six billion people in the world (tulad ng lagi nyang sinasabi), and out of thousand dates in the calendar, SYA ang nameet ko nung January 11 2010. pakpakpakpakpak. tiktiktiktiktak. panay tipa ko sa keyboard wala namang lumalabas na maganda. ang bantot ng sinusulat ko. pero may nagppm. Gumagawa ako nun ng project ko sa Basic Journalistic Writing, habang sya ay chika ng chika tungkol sa dilang me tongue ring. at sa kakakwento nya, inabot yung renta ko ng singkwenta pesos (ata?) at hindi ko inabutan yung prof ko para magpasa.

E kung siningil ko kaya itong babaing to? sayang din yun ah. O pinagmasahe ng likod ko, pinagluto ko ng meryenda? at pinahunting ang prof ko para magpasa? pero di ko ginawa. ang bait ko eh.

haha.  who would have thought na dito magsisimula ang lahat? Ang grasya sa langit

yung mga first impression ko sa kanya nung nakita ko sya, napahiya lahat. nabastos ba. isa-isahin ko:

akala ko mabait, pero sige, mabait na. akala ko weird, pero matino naman pala kausap. akala mo, mahinhin, wild pala. akala mo weak, pero hindi. akala mo boring kausap, joker pala akala mo, dalagang pilipina, pero…..(Repost this 100 times to read more)

Haha. alam mo yung tipong naglalakad ka, bigla kang may matitisod?

Matindi ang pagkakatalisod ko, hindi naman ako napilayan, pero nagulo ang buong sistema ko, na dati nang magulo.

Kahit umuulan paggising ko (although hindi naman talaga umuulan nun dahil tagtuyot), parang may araw pa rin dahil sa Happy Morning na una mong mababasa sa inbox mo, at buong araw na akong nakangiti. tapos, para kang mag bitbit na alarm clock na hindi tumutunog para gisingin ang absent-minded kong katawang-lupa, kundi para magtanong Kumain ka na? kain ka na ha? (kahit ang totoo, busog na ako sa kwento nya), na sobrang nata-touch ako, hindi dahil sa sinasabi nya yun dahil dapat akong kumain, kundi dahil worried sya (o asyumera lang ako?).

Araw-araw, marami syang yawyaw. Minumura nya boss nya, pati yung isang linggong pag-ibig nya sa stress. Minsan, pati yung heels nya na walang kamalay-malay, nabwibwisit sya. Tambak na sulatin. Projects ad reports. Kung naitatae lang ito lahat, ako na kubeta nya. Pati pagwewelga ng sikmura nya twing alas onse ng gabi (may oras talaga?), niyayawyaw nya. Minsan tuloy, gusto kong bulabugin sa kasarapan ng tulog ng maid namin para magluto at ipahatid kay manong driver. Pero hindi ko ginagawa kasi wala naman talaga kaming katulong at driver.

At mangungulit ng sobra. Siguro, kung tatameme sya ng isang buong araw, eto yung mamimiss ko ng sobra. kasi, to be honest, natutuwa ako pag kinukulit nya ako.

Positive thinker. Kahit bumabagsak na ang lahat ng magagandang bagay na nasa kanya, pinipilit nyang magin matatag. Ayaw nyang sumusuko agad. Duna ko natutuwa sa kanya.

Marunong pati sya magluto. Nalala ko lang, nung minsan nakwento kong hindi pa ako kumakain, dadalhan nya daw ako. (Napansin nyo ba, may koneksyon lagi sa pagkain ang post kong ito kahit malayo sa topic? gets?) Sana pala, nagpagutom na lang ako!

She’s 21 years old. Pero minsan, parang katorse ang kausap ko. Nakakatuwa sya pag nag-iisip bata. Bente uno anyos. Wala pa kaming isang taong magkakilala but it seems that I’ve known her for years. Pakiramdam ko, sabay kaming lumaki, napipicture ko na itsura nya nung bata, at yung mga hilig nyang gawin.

Tapos, habang naglalakad ako sa kakalsadahan ng Maynila, lahat ng tao napapatingin sa akin, hindi dahil sa ng gwapo ko, o anlakas ng sex appeal ko (na puro appeal wala namang sex) o ang ganda g damit ko. Ngumingiti kasi ako mag-isa, nagmumuni-muni parati. Paiyak na ako, pagpasok nya, natatawa na. Minsan tuloy, naisipan kong maglakad ng paluhod sa Quiapo church, magnobena, magpatawas, o magpasuri sa psychiatrist.

But everything was normal, ako lang ang hindi.

Once na makilala mo sya, you would suddenly realize that you’re the best person in the world, not because she’s the worst person you would ever know, but because she would make you feel that you’re the one. kahit yung pinakamaliit mong detalye sa katawan, matatandaan nya. She’ll laugh at your jokes, kahit corny na. She’ll love you at your weakest, and praise your masterpiece kahit nilalait na ng iba. Kahit sa walang kakwenta-kwenta mong achievement, matutuwa sya.

Tinawag nya akong writer, kahit hindi kami magkasundo ng mga letra. Lalo na nung nalaman kong Journalism student din pala sya, sinipag ako mag-aral bigla. Nagprisinta syang maging editor ko. Editor na hindi lalaitin ang gawa mo, tatadtarin hanggang sa hindi mo na makilala ang katauhan ng likha mo. Editor ng buhay kong magulo. I always dream to be a filmmaker someday. Pero naniniwala syang hindi ko na kailangang mangarap, because i’ll be the one. And I know she would love seeing me making my film someday. Kasi, gusto nyang maging artista ko, EH TEH! wala akong balak gumawa ng porn! haha!

Pag may kaaway ako, kulang na lang, awayin nya din. Kahit sa tingin ko’y pangungurot lang ng singit ang alam nyang gawin. Pinag-iingat nya ako palagi, lalo na pag umuulan. Alam nyang junganga kasi ako maglakad: natatapilok, natitisod, nadudulas, sumesemplang, kahit nakapaa.

Kaya minsan, sa buhay ko, naramdaman kong worth akong mahalin. Kahit ano pa ako. At naa-appreciate nya lahat ng effort ko. Na hindi katulad nung iba na sasabihing hindi naman nila sinabing gawin ko yun. sabagay, hindi naman ako nag-eexpect na salamat. Ginagawa ko yun dahil gusto ko.

Nung nadrop ako sa subject ko, andun sya, pinapakalma ang nagbabagyo kong emosyon. Hindi ko kasi alam kung paano ako iiyak, aatungal ba, pahinhin lang, o iyak-sanggol.  Pero di pa man ako umiiyak, pinapatahan na nya ako. Naniwala syang hindi ako pabaya, adik lang. lol.

Ayoko tuloy ng umiiyak sya, o miski nalulungkot. Kasi sya yung nagturo sa akin kung paano ngumiti kahit bumabagyo. Hindi ko alam na sa likod ng mga ngiti nya, may malungkot na nakaraan, na hindi ko na tatawaging bangungot dahil tapos na. Minsan tuloy, naisip ko paano nya pa nakuhang ngumiti?

Kaya one night, while making my report (lagi syang sabit sa pag-aaral ko!), kinakausap ko sya nun. Tinanong nya ako Ikaw, di ka ba napapagod magmahal?. Alam ko hindi sya napapagod magmahal, kasi kung ano man yung bagay na mayaman sya, yun ay ang pagmamahal. Nabwibwisit ako, kasi ayoko ng umiiyak sya, o nararamdaman nyang trinatrato sya na parang isang munting basura. Nafeel ko tuloy na kung katabi kolang sya, niyakap ko na sya nang mahigpit sabay banat: Tae ka! Sa akin the best ka! *teary-eyed. malambot kasi ang puso ko.

Oo, nakakapanlambot ng puso. Lalo na pag ngumingiti sya. haha. Gusto ko kasi, happy sya lagi. Natutuwa kasi ako sa ngiti nya. Ang cute, parang pusa MEOW!

Parang naalala ko lang, nung pinapapunta syang Canada, wala pa syang passport eh gusto ko nang umiyak. Pero, buti na lang hindi ako umiyak, kundi sira ang telenobela. Importante kayo, importante ka. Natouch naman ako. Kaya gusto ko, habang ayos pa ang lahat, iparamdam ko na importante din sya sa akin. Pag dumating yung time na maghihiwalay na kami ng landas, may aalis at may maiiwan, tatanggapin ko. Dahil hindi naman talaga lahat ng magagandang bagay ay nagtatagal. Pero bago yun, iiyak muna ako ng bongga. Malulungkot ang Romeo. Kasi, I’ve made a promise, hindi ko sya iiwan. Romeo can live without Juliet, but he choses not to.

Pag dumating na yung time na wala nang taong nakikihati ng stage nya, yung wala na syang audience, pinatayan na sya ng spotlight at tinabingan na ng telon, gusto ko, ako ulit ang mag-aayos nun, ihahanda ang drama nya, papalakpak sa arte nya, kung kailangan tumawa, tatawa, kungn kailangan umiyak, iiyak. Ipamamalita ko din sa iba how good she is. Para bumalik lahat ng taong minsan syang iniwan. Bawat linya nya, gagawin kong daily quotes para mainspire ang lahat.

Cheerleader ako sa Pep squad ng college namin. Don, kailangan ko pang magpamura sa sarili kong binti, braso at ulo ko bago ako palakpakan ng buong kolehiyo namin na irerepresenta ko twing Intrams. Pero cheerbaby niya ako. Pag dumating yung time na wala na syang suporta, ako ang magchi-cheer sa kanya, kahit anong oras. Teka, anung pinagkaiba ng cheerleader sa cheerbaby? Simple, pag cheerbaby, sa kanya lang yun. yun yung tipong hindi ko na kailangang magbali ng buto para maramdaman nya ang suporta ko. Just the right words to make her feel good.

Sana, sana lang naman, hindi ako basta naging accesory nya lang sa katawan. Sana, minsan sa buhay nya, nasabi nya sa sarili nya na kailangan ko pala itong taeng to. Demanding ba? Kasi, gusto ko, andito lang ako palagi sa tabi nya, whether she needs me or not. Para pag nafeel nyang naliligaw sya, meron syang sure na bahay na pupuntahan, na kahit hindi nya bahay yun, andun yung comfort na kailangan nya. Meron syang babalikan, kahit iniwan na nya minsan.

I thought everything was perfect, na kuntento na ako sa buhay ko. Pero I’m happy na sa magulo kong mundo, busy na sked, bwisit na mga taong nakakasaslubong ko, araw-araw na pagdradrama, makakatagpo ka ng isang taong kukumpleto sa araw mo.

She made me break my own rules, go beyond my limitations, violate the traffic lights, even the curfew. Sa buhay, walang rules para maging masaya. Yun yung pinaramdam nya sa akin. Imagine, paano kaya, kung inignore ko yung pm nya sakin noon? paano kung hindi ko pinayagang kulitin nya ako? Kung hindi ko binigay yung number ko. Malamang sa alamang, konti lang binayaran ko sa renta, nakapagpasa ako ng project on time, at nakauwi ng maaga. Pero, hindi ko sya makikilala, nang ganito kalalim. At wala sya ngayon.

“Oh iha, kamusta? Ayos ba? How does it taste?”

I just smiled. Akalain mo yun? Tama pala si Papa, wala namang nawawala. Kakaiba nga itong bagong nasa menu. Minsan maasim, maanghang, malutong, bitter and salty. Pero kadalasan, sweet. Tama lang sa panlasa. And one good thing about it? Hindi ito naman nakakain, nararamdaman lang.

“Papa, marami pa kayo nito? Pwede mag-takeout? Baka maubusan ako eh”.

Tumawa lang Sya. “Hindi naman nauubos ‘yan! Sa ‘yo na yan! Gift ko! Ingatan mo ah!”

Thank you, Papa. For the blessing in disguise.


Advertisements

One thought on “A Blessing in Disguise

  1. Tae ka. Binasa ko toh ulit kanina. Amft tear-eyed ang ju. 😦 Buti na lang naprint ko na tong gift mo saken last year. It’s one of the best gifts na nakuha ko na kaya akong patawanin, paiyakin, pailingin at paalalahanan all in one! Haha, tama na nga ang drama ng ju! Hmph!

    Kala ko kasi nagupdate ka na eh! Hmph sabi mo kasi Lunes ka maguupdate ehhh!

    Nakapagmeeting de avance na kami ni Bromopep! Kala mo huh. May maitim na balak na kami para sa 22. Maghanda ang ro. Lol. 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s