I Whip My Hair Back and Forth. :)

Kung crowning glory nga ang buhok, then mine is made of thorns.

Kung pinanganak kang may makapal, kulot at sabog na buhok, pinagpala ka. Dahil karamay mo ako.

<sige, magdrama tayo. papangitan ng pag-iyak>

Oo pre, naramdaman ko na yan. Yung tipong hindi ka makapaglugay ng buhok dahil isang ihip lang ng hangin ay tatakip lahat sa mukha mo ang buhok mo na kulang na lang ay barbed wires. Simula bata ka pa lang, hindi ka makapagtirintas dahil nabwibwisit yung magtitirintas sayo dahil panay sabog ng buhok mo. O lagi kang tagaktak ng pawis mula noo hanggang batok.

Naranasan ko na yan.

Hanggang sa magdalaga ka, at walang ginawa ang tito mong bakla kundi pahiran ng gamot ang herlalu mo ng mga natira nyang pampastreyt, kasi maeexpired na raw. Kitams, tira-tira na lang ang napupunta sa buhok mo. At dahil nga pangarap mong magwhip ang iyong hair back and forth, titiisin mo ang pangangamatis at pangangati ng tenga at anit mo dahil sa tapang ng gamot. At syempre, dahil nga nastreyt ang buhok mo, at hugas-itlog o rugby ball ang peslak mo, magmumukha kang Humpy Dumpy na Rakista.

Naranasan ko na yan.

Dumating ang Rakista era. Syempre teenager ka na, nais mong makidaloy sa uso. Mohawk, semi-mohawk, at EMO. Grabe, that sleek and straight bangs covering your forehead na pinagsukatan ng palad mo, takip ang kaliwang mata emphasizing your sexy, pointed nose. Grabe. Nagdidilim na ang paligid dahil sa pagkakauso ng pormahan at musikang yun. Grabe. Kuha mo na yung porma o. Yung pananamit. Grabe. Grabe sa pagkakulot ang buhok mo. Pinapanganak na ang hair rebonding, kaso kelangan mo munang magtae ng pera dahil high school student ka pa lang. Kapag sinubukan mo namang i-emo ang kulot mong buhok, huwag ka lang mapatambay sa tabi ng banyo n’yo at maipangkukukos ka ng nanay mo sa inidoro nyo.

Naranasan ko na yan.

so f*cking cute

Naalala mo pa ba ang pagsibol ng Koreanovela? Ang Kpop? Astig no? Lalo na nung umusbong ang Boys Over Flowers. Ayun na yun eh. Gaya mo na yung da moves ni Ji Hoo at Kim Bum eh. Muntik ka nang tilian ng madlang chicks. Kaso, pare, supalpal ka sa buhok mo. Ayun! may pang rebond ka na! Maayos mo na ang buhok mong parang paintbrush na hindi na virgin. Habang asar-talo yung nagrerebond, blower, at nagplaplantsa ng buhok mo kasi tagaktak na pawis nila dahil sa kapal ng buhok mo. Ang masama pa dun, kuripot ka at hindi mo man lang sila nabigyan ng tip. At nagmukha ka talagang itlog, na tinubuan ng walis. Hindi nga kasi natural. So automatically, pagdating ng 6 months, balik sa sumpa.

Naranasan ko na yan.

  Alam mo yun, Pare. Basahan na sana ang ganitong mukha kung straight lang buhok natin. Kaso, HINDI. joke lang!:)

Ngayon, kung ako tatanungin mo kung kanino galing ang sumpa, kay Mudra. Nung bata ako, ang hilig nyang suklayin ang buhok ko, lagyan ng Suave, suklay ulit, iku-curl at iipitan ng Mickey Mouse. O kaya ay lagyan ng malaking ribbon. Kulang na lang ay tumira kami sa tower habang kumakanta ako ng  flower in your hair, let your power shine. Habang hinihimas ang kanyang sumpa na kahit isang libong beses halikan ng prinsipe, kulot pa din.

Sa paglaki ko, hindi na ako natutuwa sa buhok ko. Naexperience na ko na rin na gawing sanctuary ng kuto ang ulo ko. Masagana ang biyaya, lagi akong naka-ipit nun. Ewan ko ba kung bakit trip na trip nilang pahabain ang buhok ko. Ang init kaya.

At naka-apekto ito sa pagiging tomboy ko. Paano? Gusto kong magtabas ng buhok nung high school pa lang dahil inggit ako sa patilya na hinihimas-himas ng klasmeyt ko tibo. Kaso, maraming pagbabanta na mamumukha daw akong pang-is-is ng kaldero. Hindi pa din ako nakakapagladlad ng malandi kong kapa.  No choice kundi magtiis sa shoulder-length na buhok. Ang kaso, sabog nga eh. So kailangan kong mag-ipit. Tang-ina, *malutong ‘to* lagi akong napagkakamalang Mudra ng bunso kong kapatid. Nagmumukha akong babae. Tsaka, ayoko din naman ng obvious masyado. Kaya pinipili ko mawala sa  kisap-mata ang pera pampastreyt, at ang semi-afro shoulder-length kong hair pag kulang na sa dosage ang herlalu.

Hanggang sa makilala ko si Jun Matsumoto at Gu Jun Pyo. Pwede naman pa lang mang-agaw ng spotlight kahit kulot.

At bigla, bigla kong naramdaman, sa tulong ng bulong ng isang kaibigan, nagising akong namamaalam na sa aking buhok.

Huwag kang mag-alala, hindi ko isinuko ang hair kong loved dearly by mother birds humming while nesting their eggs.

Nagpagupit na ako. Hindi ito pwedeng mamiss. Sa tanang life ko, ngayon lang ako nagpagupit ng ganito kaikli.

Nagulat ang mga tanang tomboy. Gulat.

Eto ang mga naging kamukha ko, at ilang reaksyon nila.

  • Boss!
  • Masagwa
  • Battered wife. %6$#*&! Wife na nga, battered pa!
  • PARE!
  • Oh na na, what’s the name?
  • So tomboy
  • Emo. At least, natupad pangarap ko
  • Sergio na ka-love team ni Marimar
  • Gu.. Gu Jun Pyo?

at ang pinaka-plangak sa lahat..

  • Bakit ka nagpagupit ng ganyan? MUKHA KANG BAKLA..

HAHA. Hindi lang ito basta pagpapagupit, mga dude. Paglaladlad ito ng kapa.

Nagulat si Mudra. Nagalit. Pero at least, nakapag-open na ako sa kanya. Hinahanap nya ata yung batang babae na sinusuklayan nya ng buhok, at pinaghihirapang pagandahin bago pumasok sa school. Natanggap man ako ng buong puso o hindi, ang mahalaga, she opened her closet where I’ve been hiding since high school. And I can now breathe easily. Literally and figuratively.

Bukod pa doon, may isang bagay pa akong natanggap na ngayon ko lang nakita: Simplicity equated to happiness.

Just like any ordinary kid, or most likely kids born in air-conditioned bedrooms, who enjoyed licking a dirty ice cream, ganun naramdaman ko. Hindi ko na kailangan pang maging kamukha ang anak ng mayor, o yung billionaire guy, o yung sikat na pop singer just to be satisfied, or please everybody, or someone else. Alam mo yung steady lang, yung walang effort pero marunong umagaw ng spotlight? Hey, I’m not referring about being papansin. Just being you, yung totoong ikaw. Yung pagtingin mo sa salamin, ngingiti ka kasi alam mong ikaw yun?

If you can’t go with the flow, then make your own. A small dot on a paper marks the identity of a paper, at hindi yung isang pirasong paper fiber na kakulay ng iba. Oo na nga, hindi ka naman pinanganak na pinaglihi sa Diyosa o engkantada o mga anghel, hindi mo kasalanan yun. Pero pag namatay kang mukhang lamang-lupa, kasalanan mo na yun. Attitude and simplicity over beauty. And that will rock your world.

Naniwala kasi ako na may dalang swerte ngayong 2011 ang kulot na buhok. AT ETO NGA YUN.

Itusra ko ngayon, eto lang naman.

  

Yun oh!

How I wish. 😛

Ang buhok ko, parang ako lang: Hindi na nga STRAIGHT, SABOG pa. At higit sa lahat, masarap landiin. XD

Advertisements

3 comments

  1. kimmie · Abril 23, 2011

    Ano nga ba ibig sabihin ng “plangak”? =))

    • katingera · Abril 23, 2011

      Ayun kapatid. Maraming Salamat. Ang naisip ko kasi na “plangak” ay “swak”. HAHA. Nagkamali pala ako.

      Plangak = Tomoh!

      • kimmie · Abril 23, 2011

        Rarr! Hahaha. Sige. Salamat, kapatid. 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s