Anong alam mo?

Trivia: Sumakto umabot sa 2 and 1/2 hour ang oras ko sa net shop. Hahaha!

Nag-inarte na naman ako. Nagbago ako ng theme ng aking blog dahil sa kaumayan. Inabot na ata ako ng isang oras sa pagbabago ng theme. Sakit ko na ito. Masyadong  nag-iinarte.

Pipiliin ko na sana ‘yung theme na may pwedeng pasukan ng header. At dahil nga palda-paldahan tayo, nagsearch ako ng naninilip na palda (blog pa lang, alam na. XD) EH wala akong nakita. Sinubukan kong itayp sa search engine ang mga salitang matanda sa rocking chair, syempre, palda nga tayo, mga ineng. Baka makatalisod ako ng lola na nakaupo sa rocking chair at ineexpect ko talagang nakapalda ‘yun *teh, hindi pwedeng magshort?*

Hanggang sa ibang larawan ang napansin ng aking makulit na eyeballs na hindi mawari ng bangs kong naninigas kung anong relevance. Ito s’ya:

Nang makita ko ito, lumikot ang utak ko. Pulitika. Porma. Gaya-gaya.

Naalala ko ang nagdaang eleksyon. Basta sikat, aprub sa tao. Sikat ang nanay mo, kilala ang tatay mo, pinupuri mga kapatid mo hanggang sa alaga mong aso, basta dakila sila, ikaw ang iboboto. Pinakamabisang charcater reference ang family background pagdating sa pelikula.

At hindi lang ‘yan! Basta sikat kang icon, sinusunod ang porma mo, ang paborit mong shampoo na sikat (kahit kalbo s’ya) eh manunuot iyon hanggang sa pulitika. Bakit ba lagi na lang nating iniaasa ang kapalaran ng Pilipinas sa mga walang kakwenta-kwentang bagay katulad nito?

Sino ba naman ang hindi pa nakakita ng mukha ni Ninoy, Cory at ni Noynoy Aquino sa mga damit? Ang kulay na YELO na sumisimbulo sa angkan nila? Ang mala-aids na sign na color YELO din na nakaimprenta sa shirt, short, jacket, relo, tumbler, baso, pinggan, inidoro, pambomba ng inidoro, bunot at pati sa noo mo? At ‘pag may ganito ka, NASA USO KA!

At kung maaalala natin, isinusulong pa noon na ilagay si Cory Aquino sa tabi ni Ninoy sa 500-Philippine peso bill. Ano ‘yun? Pagkatapos, si Noynoy naman? Si Kris Aquino? Hindi na ako magtataka na kung patuloy na magkakaroon ng Aquino sa Malacanang, maiimprenta na pati mukha ni Josh at Baby James sa 500-peso bill *Baby James: Mommy, what’s sulit?*. Susmaryosepsantisima.

Kaya, dahil sa nausong icon at fashion na ito sa Pilipinas, nauwi rin ito sa pultika. Si President Noynoy Aquino ang naupo sa gintong upuan.

Huwag n’yo akong maliin. Hindi ako sa hindi pabor kay PNoy. Ang akin lamang, sana’y nagkakaroon ng maganda at mas matibay na basehan ang mga taong pasasalumpuwitan natin sa mga gintong silya sa Malacanang. Hindi ‘yung basta sikat lang ang angkan nila, o dahil sa pauso nilang icons na tinatangkilik mo. Huwag sanang dumating ang araw na pati sikat na teen stars eh maluklok sa Malacanang kahit puro pagpapacute lang ang alam. *syempre, alam kong imposibleng mangyari, may tamang edad kasi*

Alam kong masyado nang outdated ang topic. Tapos na ang eleksyon. Pero marami pang susunod.

Hindi nga pala ako bumoto nung eleksyon nung 2010. Wala kasi akong ID at masyado akong busy sa pagtatae ng salapi. Pero kung boboto sana ako, I am for Noynoy din? Bakit? Basta!

Buti na lang, hindi ako bumoto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

5 comments

  1. Leemi · Nobyembre 8, 2011

    anong nangyari sa header na “naninilip ng palda”? ahihih yun hinahanap ko hanggang matapos wala =)))

    • katingera · Nobyembre 13, 2011

      Hahaha. Tinamad na din kasi akong maghanap ng header dahil bukod sa lumulobo na ‘yung mata ko sa harap ng computer, nagjajabar na ‘yung kilikili ko sa computer shop (walang aircon, plibhasa 10 per hour lang), may hahabulin pa akong propesor, at nagkukuripot ng pera. =)

      May naisip po akong mas cool na header. Soon. B)

  2. Vajarl · Oktubre 25, 2011

    Hello thurrrr. Haha :p

    One of the things I really love about wordpress is yung choice ng themes. I’ve used Blogspot and Livejournal, and I should say na WordPress yung easiest to use, and maganda pa sa mata. Favorite ko rin paglaruan ang themes noon, lalo na pag maraming customizeable. Hehe.

    I must say, I really did not want Noynoy to win. I was thinking na he was okay, he probably had the least likelihood to be corrupt, at least not as much as the other candidates. Pero our nation needs more than just someone who is not corrupt. Considering how nearly hopeless our education, economy, and all those political bullshit a president needs to deal with. Pero the was not a single candidate naman who would be perfect. So Noynoy’s okay, I do however, still prefer Gordon.

    AAAAAAT, hindi ako registered voter. Bohahahahaha.

    • katingera · Nobyembre 3, 2011

      Sabagay. Kunsensya at pangalan ng pamilya nila ang nakataya kung mag-ku-corrupt s’ya. Mumultuhin s’ya ng Mama’t Papa n’ya LOL. Pero, masasabi kong may puso s’yang makamasa.

      Kaso po, sa mga panahong ito, hindi ko nagugustuhan ang mga nagiging pamamalakad at patakaran n’ya upang masolusyunan ang mga problema ng bansa. Puro “band-aid” solution ang nakikita ko. Ngunit kagaya nga ng sinasabi ko sa mga ganitong usapin, may 5 taon pa s’ya upang patunayan ang kanyang sarili.

      Pero sana, huwag namang mahuli ang lahat.

      Bakit n’yo po pala gusto si Gordon?

      AT MARAMING SALAMAT po sa pagcomment. 🙂

  3. salbehe · Oktubre 20, 2011

    Mukhang magkakasundo talaga tayo. Dati gusto ko si Pinoy, ngayon hindi na. Bakit? Basta!

    WAW! Hindi na quarterly ang update mo! Nice.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s