The day the when the world was painted pink.

November 25, isang napakaordinaryong araw lang noong mga panahong iyon. Kung weekdays ito, malamang nasa eskwelahan ako. Kung weekdays, malamang nasa trabaho. Bukod doon, eto pa ang ilan sa mga kaganapan tuwing November 25:

  • Isang buwan na lang, Pasko na.
  • Thankgiving day sa Amerika, na ngayon ko lang nalaman
  • Five days na lang, sweldo na
  • Five days na lang, birthday na ni Andres Bonifacio
  • Narekober ko ang bangkay ng isang di-pa nakikilalang ipis na walang awang pinatay at pinalamig ang katawan sa refrigerator.  :l

Until she destroyed my tranquility.

Wala akong kamalay-malay na ang munting nilalang na ito ang magkukulay ng pink  sa aking buhay.

Kaya kayo d’yan, inihihinto ko muna pansamantala ang pagnanasa n’yo kay Divine Smith, para bigyan ng space ang taong ito na mahalaga sa’kin.

Tawagin natin s’ya sa pangalan na Mipis: Mimi at ipis sa totoong buhay. Hindi ko din alam kung paano s’ya naging ipis. Basta ang alam ko lang, may isang buwan atang pabalik-balik ang maga ng kanan at kaliwang mata ko tuwing gigising. Nagigising kasi akong nakasaluksok ang mukha sa gilid ng kama. Kinagat ng ipis. Kinagat daw niya.

Wala naman akong chinita eyes na kadalasang hinahanap n’ya sa mga nagiging prospek n’ya. Parang lumamon ng holen ‘yung mata ko sa laki, mukhang laging nakadroga. Basta ang alam ko, bigla kaming nagkasundo sa napakaraming bagay.

Iniisip ko pa rin kung bakit nga ba kami nagging close. AHA! Parehas kaming broken hearted. S’ya, sa girlfriend n’ya, at ako naman, sa ex-L ko. *see details here*.

-Maliit lang sya’ng babae. Lugi ka pag binenta mo s’ya sa Junk Shop. Mabalbon din. Baka nagiging werewolf pala s’ya sa gabi.O baka nagiging oso. O machong bakla na tumatambay sa gay bars. Nagiging Majimboo s’ya pag malungkot ako, ‘pag may umaaway sa’kin, o napapagod ako. Napakarami nya’ng transformations.

Ang una naming drama ay naganap sa Luneta at sa Intramuros. Saksi si Pepe sa mga kaharutan, kabaklaan, mga ligaya at lungkot, at pangarap namin sa buhay. Kung ano ang naging buhay naming nung di pa kami nagkikita. Kung ano ang mga mangyayari ngayong nagkita na kami.

Napagpasyahan naming tumambay sa Intramuros. Habang nakalapat ‘yung likod naming sa batuhan, sa magaspang nitong texture, habang tinitignan naming ang cloud formations, isang mukhang nagmumura at tumatalsik na laway ang sumambulat sa aming mga mukha.

Ina. Alam mo ‘yung ang ganda-ganda ng pinapanood mong palabas, tapos biglang nagcommercial? O ang bumagsak ‘yung antenna sa labas? Ang sarap patayin, di ba? Tangina talaga.  Comedy. Biglang lumabas si Budoy mula sa kawalan <Ako Budoy!> Kahit wala pang Budoy nung mga panahon na ‘yun. Sa pagkagulat, napabangon sa pagkakahiga, parang nahuli ng tatay na may ginagawang kalokohan.

Gusto lang pala magbenta ni Kuya ng ballpen para sa charity n’ya. May libreng aliw at laway. Gusto ko sana siyang itulak dun sa bangin.

Kasing lutong ng chicharon ang halakhak ni Mipis. Parang noon lang nakatawa ng bongga.

Hindi ko alam na  may isa pang taong magpapabongga sa araw na ‘yun.

Habang nakaupo kami sa damuhan, habang nakahinto ang relo ng Manila City Hall, habang lumulubog ang araw, habang naglalakad ang mga tao, habang nag-aalab ang mga nguso ni ate at koya sa isang tabi, isang baklang kanal ang lumapit samin. Binebentahan ako ng red plastic roses. Samu’t saring panghuhula ang ginawa n’ya para lang bumili ako at ibigay kay Mipis.

  • Jowa
  • Asawa
  • Ka-live in
  • Ex
  • Ialay sa altar

Ina.

Sa huli, hindi ko din binili ‘yung rose. Hindi naman s’ya mahilig sa ganung bagay. Hindi ako nagbibigay ng ganung kakorning mga bagay.

Okay na ‘yung tawa, hindi nabibili.

Gabi. Sa Luneta. This time, hindi na kami sa damuhan nakaupo. Sa may bunging bench. Nagdradrama na si Mipis. Naiiyak. Nilabas na n’ya ang pink na tissue.

T___________________T

Habang ako, sa malayo ang tingin. Tinitignan ang mga nagdaraan, ang fountain na may kulay.

Pero, masyado ata kaming artistahin. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Habang s’ya, umiiyak, s’ya nakatingin sa malayo. Kung ang ibang mga nasa Luneta ay sobrang sweet, kami naman, magsyotang nag-aaway. Eksena sa One More Chance. S’ya si Basyang, ako si Popoy. S’ya si Bea, ako si John Lloyd. Ang gwapo ko naman! (ang mag-react, magkakaketong).

-Ngayon ang araw na pinisat s’ya mula sa kanyang itlog, kasama ang 27 niyang kapatid (28 baby cockroaches daw ang laman ng isa). Kaya gusto ko s’yan g mapasaya. Hindi ko nga s’ya dinate, o  binate ng Haburdey sa wall sa Facebook. Hindi ko din s’ya binati ‘pag tuntong ng 12am ng Novermber 25. Hello. Iba-iba ang takbo ng oras sa kanya-kanyang relo. Paano kung 12 na sa akin, sa kanya, 11:59 pa lang? E di nasira ‘yung moves ko. Napakakorni. Napakabaduy. Napaka-old school.

Simple lang ang gusto ko. ‘Yung mapasaya s’ya. At gusto ko, giliw na mambabasa, maging parte ka nito.

Kaya kinailangan ko pang magnakaw ng picture ny’a. Eto ang pinakapeyborit ko.

Sabi ko sayo.  Artista  ‘to eh. Ang dami na nang issue sa katawan, napaka-arte. Pwede namang magpapicture ng nakaharap. Ang dami pang nalalamang patali-talikod with matching sight-seeing sa Ilog Pasig, nilalanghap ang simoy ng hangin at lansa ng tubig. Kung hindi ka talaga nag-iinarte, okay na ‘yung magpacute ka na naka-peace sign na at least, naaappreciate mo ‘yung view at part ka ng nature. Hindi ‘yung tipong may hinihintay pang sirena na aahon sa higanteng kanal. Tatlo lang ang pwedeng maging dahilan kung paano s’ya nakunan ng ganito

  1. Biglaang stolen shot. Sa sobrang pag-iinarte n’ya, may nakapansin siguro sa kanya at saka siya kinunan.
  2. Medyo biglang stolen shot. Dahil sa kaartehan n’ya ulit, ilang beses na pala s’ya pumuwesto dun, hanggang sa napapansin na nung may hawak ng camera na kanina pa s;ya andun, kaya naawa sa kanya at kinunan na s’ya.
  3. Planado. Mag-iinarte ako, kunan mo ako.
  4. Aksidente. Nahagip lang s’ya ng camera, sumingit bigla. Hindi siya ‘yung subject.

Kung ano man ang dahilan ang nasa likod ng litratong ito, hindi na natin dapat na malaman pa. Basta, naliwanagan tayong lahat tungkol sa talent n’ya na pag-iinarte na walang katulad.

Pumunta naman tayo sa susunod.

Alam n’yo ba, mahilig s’ya sa palaka? Sobra. As in. Gusto ko sana, magiliw kong mambabasa na alayan mo s’ya ng palaka. Buhay, o patay man. Sa sobrang pagmamahal n’ya sa palaka, nako-confuse na s’ya sa identity n’ya. Pati s’ya napapakokak kahit ipis talaga s’ya. Hinalikan n’ya ‘yung pinakamatalino sa tribu ng mga echoserang frog, pero hindi ito naging prinsipe. Naging bullfrog ito na tila monster na sumira ng buhay n’ya.

Isang nakakalungkot na kwento ng pag-ibig.

Sa kakahalik n’ya sa palaka, naging ganito ang itsura n’ya.

Kaya gusto ko, giliw na mambabasa, kamuhian mo ang palaka.

Si Mipis ay mahilig sa pagkaing ito:

Hindi si Kaye Cal. ‘Yung kwek-kwek. Maisama lang sya. :>

Kaya gusto ko, giliw na mambabasa, magfranchise ka ng isang kwek-kwek stand malapit sa bahay nila. Kwek-kwek lang.

Oo nga pala, mahilig din s’ya sa mukhang kwek-kwek. Kaya kami nagkasundo.

Dito naman tayo sa susunod.

Haggard ang pagpasok n’ya sa klase. Dakilang GC (grade conscious). Kaya sobrang hanga ako sa kanya sa sipag n’ya. Nalaman ko ‘yun nung minsang sumakay ako sa MRT. Puta. Mamamatay ako sa sikip. Nakakasuff.. sufo. Ah basta. Nakakasupokeyt. Gabi pa ako nun ah. Tangkad ko pa. Paano pa kaya s’ya? Parati ‘yun, umaga kasi pasok n’ya. Imagine, maliligo ka ng bongga, mega lotion at cologne ka pa, pulbos, at marami pang kaek-ekan sa katawan. Tapos, pagdating sa MRT,  makakasabay mo ‘yung sangkatutak na tao, parang mga terorista na ang daming pasabog, papawisan ka lang at mag-aamoy hinimod na kili-kili paglabas?

Buti s’ya, laging naka-Downy. Lol.

Kaya gusto ko, giliw na mambabasa, mag-alay ka ng isang part ng sasakyan. Gagawa akong karawaheng kulay pink. Gagawin kong kutsero ‘yung mga ipis. Lilipad ‘yung karawahe mula Blumentrit hanggang Taft.

Hindi na s’ya malelate, hindi pa s’ya amoy alimuong. Sabagay, never naman s’yang nag-amoy ng ganun.

Hilig n’ya ang violin. Dun s’ya expert. Dun s’ya nakilala. Kaya ang gusto ko, giliw na mambabasa, habang tumutugtog s’ya ng violin, kumanta ka. Na kaboses ang palaka.

Pink. Little Miss Piiink. Kaya gusto ko, giliw na mambabasa, tignan mo ang mga kabulastugan at eskandalo n’ya dito.

Pinakahuli.

Gusto ko, giliw na mambabasa, maging part ka ng 18 comments from 18 strangers. Gusto ko, tungkol sa kanya, o sa birthday n’ya. Alam kong late na. Ang engot eh. Dapat pala, kanina ko pa ito ginawa. Magiging ipis na’ko, Hindi na ako makakapagtype.

Kaya comment na!

Kung puro panlalait ang pambabarubal nabasa n’yo, pasensya. Mahal ko lang talaga’tong taong ‘to. 🙂

——————

Happy birthday, Ipis. Sorry hindi kita binati. Sadya ‘yun. Maarte ako eh. Gusto ko, ako ‘yung huli. Last but definitely not the least. Gusto ko lang kasi na before your birthday ends, ako ‘yung huling taong magpapaalala sa’yo na araw mo ito.

Walang katapusang birthday song:

Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me Happy Birthday to You are the one who makes me… (repeat until the Judgement Day. :P)

Advertisements

3 thoughts on “The day the when the world was painted pink.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s