Taste of Sourcasm: Maikli Pa Ang Kumot

Dahil sa request ng isa kong makulit na kaibigan (peace, Ju! :p), ipo-post ko ang kauna-unahan kong column na nai-publish sa aming dyaryo. Oo, record-breaking. Nakatatak na sa kasaysayan. Kung may reklamo man kayo, isumbong n’yo kay Tulfo.

Nakakatuwa lang, dahil kaiba sa mga straight news na naisulat ko’t na-i-publish, parang pinakita mo na rin ang iyong pagkatao sa madla kapag column mo ang nakita sa dyaryo.

At nagpakatao ako.

Eto na. Game.

—–

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Teka. Gusto mo ba talaga basahin?

Game.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

——–

 

Binigyan lamang ako ng tatlumpung minuto upang bumuo ng ideya at magsulat…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Saglit. *ehem*

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ayan, nasubok ko na ang iyong pasensya. Eto na talaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

——-

Binigyan lamang ako ng tatlumpung minuto upang bumuo ng ideya at magsulat.

Hindi iyon madali para sa’kin. Ngayon pa lang bumabalik ang ulirat ko mula sa halos tatlong araw na paglalamay sa aking thesis. Wala rin akong buong loob ngayon upang magpahayag ng paninindigan sa mga isyung bumabagabag sa’kin; maliban na lamang sa napakababaw na isyung lumalaganap sa Twitter.

Pero siguro, sapat na ang buwan ng Marso upang mag-paalala sa’kin ng isang bagay na mas malabo pa sa tubig-kanal na makukuha ko: ang Pagtatapos.

Nag-iiba ang inog ng mundo ng isang estudyante pagtunton niya ng kolehiyo. Hindi dahil sa oras ng pasok at pag-uwi, sa nilalamang kurikulum ng kinukuhang kurso, kundi sa mismong haharaping mga pagsubok. Kung noong nasa elementary ka at hayskul ay napakadali lamang sa iyo ang pumuntos ng mataas sa mga pagsusulit niyo sa loob ng klasrum, ngayon ay kuntento ka na sa pasang-awa.  Kung noon, madali sa iyo ang magpasikat kay Ma’am at Sir sa recitation, ngayon ay magtitiis ka pa sa kahihiyan at sa tumatalsik nilang laway sa loob ng opisina nila mabigyan lang ng grado; na sa kamalasan ay hindi pa rin naantig ang puso ng propesor mo. Kung noon ay kaya ka pang ipasan ng mga magulang mo, ngayon ay buong klasrum ang kailangan mong buhatin.

At kung pagsasama-samahin natin ang lahat ng nasabi ko, sa isang konklusyon ka lang mauuwi: Kung noon ay sigurado kang makakatuntong ka sa entablado upang makuha ang iyong diploma, ngayon, maghintay ka hanggang Oktubre—o sa isang taon pa.

At ang maganda riyan, mga kapatid, ay kung may trabahong naghihintay sa iyo.

Ayon sa narinig kong ahente ng isang multi-nasyonal na kumpanyang nagdeliver ng serbesa sa aming tindahan, mahigit 3 milyon ang college graduates ngayon. At ang posibleng makapasok lamang sa kumpanya nila ay 3 katao. Salain man natin ang 3 milyong estudyanteng nangangarap, dahil hindi naman ang kabuuang 3 milyong graduates na iyon ay pasok sa hinahanap nila, tatlong tao pa rin ang makakapasok sa kanila. Pagtawanan na natin ang istatistikang nilihad ng mamang iyon, pero hindi natin pwedeng pagtawanan ang ideyang ipinupunto ng sinabi niya—kasi totoo.

Ang nagiging sistema ng edukasyon sa Pilipinas: Ginusto mo ‘yan eh, magtiis ka. Oo, ang mga salitang nabanggit ay karaniwan lamang na ginagamit sa negatibong resulta ng isang piniling desisyon kaya lumabas na mali ang iyong pinanindigan. Pero sa maraming pagkakataon, lumalabas na maling desisyon ang pagpasok sa kolehiyo. Bilangin mo kung ilan ang nag-drop mula sa klase ninyo dahil mas piniling magtrabaho. Bilangin mo kung ilan ang working students. Bilangin mo ang mga kaedad mo pero hindi nag-aaral. Bakit hindi?

At sa mas madalas na pagkakataon, kung nakaraos ka na, dalawa lamang ang kakalabasan mo: ilang buwan o taon kang kakalawangin sa bahay niyo dahil hindi ka makahanap ng trabaho; o kung makahanap ka naman, malayo naman ito sa natapos mo, kasama pa ang ipagkakait sa iyong benepisyo at respeto.

At ang pinakahuli (o sa madalas na pagkakataon, ang pinakauna) mong pwedeng pagpilian ay magtrabaho sa ibang bansa. Pinagsilbihan ka ng bayan para makapag-aral ka sa pamamagitan ng kanilang buwis, pero itutulak ka ng mismo ng lipunan para paglingkuran ang bansang kakapain  mo pa ang kultura. Kapalit ng dolyar ay ang pagkawala ng respeto sa sarili. Bakit hindi? Hindi bale na.

Kahit pala hindi mo ginusto, kailangan mo pa din magtiis.

Hindi ako namumuhay sa kantang “Blue Jeans” na pinasikat ng APo. Malaki ang pagpapahalaga ko sa edukasyon, hindi man halata. Kaya nga’t heto, nagtitiis din ako.Ayokong biguin ang munting batang nangarap noon. Mayroon pa akong apat na bibig na papakainin. Siguro nga, kaya maraming nagtitiis sa masisikip na kuwarto kahit walang kasiguraduhan ang kapalaran sa labas, ay dahil sa pangarap nila sa kanilang pamilyang umaasa.

Marahil, dakilang mambabasa, ay nabagot ka sa kolum na ito. Tinawag na kitang ‘dakila’ bilang pakunswelo de bobo. Isang gasgas na isyung panlipunan na itinatago sa mga gasgas na joke at sarkastikong salita, kinulayan lamang at ipinaskil sa pobreng papel na ito. Ayun ang aking punto: gasgas na isyu ngunit hindi pa rin nagagawan ng solusyon. At ang nakakabahala pa, marami pang panibagong pakulo ang gobyerno na wala rin namang kasiguraduhan kung magpapabago ito sa sistema ng edukasyon at sa mga manggagawa. At kung hindi magkakaroon ng matinong reporma sa edukasyon, sasabihin ko na sayong mauulit at mauulit pa ang mga sanaysay na may paksang ganito, magiging pangkaraniwang kalat na lamang ito sa kalsada.

Binigyan lamang ako ng tatlumpung minuto upang bumuo ng ideya at magsulat. Kung tutuusin ay hindi ko na ito dapat isinulat, dahil hindi naman ito nakatago sa mga mata. Binigyan ako ng tatlumpung minuto para magsulat, isang bagay na karangalan para sa akin, upang malaman mo kung bakit ka nagtitiis.

——–

‘Pag naabot mo ang parteng ito, ABA! Ang tyaga mo! 😀

Salamat!

Advertisements

2 comments

  1. Pingback: Halika, usap tayo. | Ang Palda ni Inay
  2. artofsunshine · Hunyo 20, 2012

    Mas naging klaro na saken ngayon kung bakit ako nagtiis, nagtitiis at magtitiis. Sa hirap ng buhay ngayon. Pag-asa at pawis na lang ang maasahan mo. At mga kaibigang tulad mo na nagpapatanto sa aking… di ko na kaya magtagalog!!! Hahahaha, the gist is… thanks for making me realize the things that matter the most and why we do the things we do. *bow*

    *clapclapclap* Next!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s