Yellow Page

Kinailangan ko pang magplay ng “I Knew I Loved You” para magkalakas ako ng loob na sulatan ka. ‘Wag kang mag-alala, kumain na ako para buo ang loob ko at maging malinaw sa’yo na hindi ako gutom. Hahaha.

Paano ko ba ito sisimulan? Hindi ko alam. Aba, first time ko lang ulit gagawa ng love letter, ‘yung alam kong malinaw sa sarili ko at sa taong sinusulatan ko na love letter talaga ito. Ginaya ko kasi ‘yung friend ko na dinaan sa love letter ang ex-girlfriend n’ya (na sa text nagtapos) at ‘yung friend kong may girlfriend na nasa Hong Kong. Baka sa’yo, epektib.

Kaso mukhang hindi. Wala kasi akong balak ipabasa sa’yo ‘to. UNLESS stalker pala kita at binisita mo ang blog ko.

ETO NA, GAME

Paano ba nagsimula?

Ang tanda ko, friends tayo. Close. May girlfriend ka na habang ako’y nilalandi ko pa lang ‘yung babaeng mamaw sa banga. Crush lang kita noon, paramis, walang malisya. Natutuwa lang ako sa kadaldalan mo. HAHA. Pero nagulat na lang ako na ako pala ang nagiging dahilan ng madalas n’yong pag-aaway n’yo, kasi nagseselos s’ya. Ilang araw lang na naging ganun tayo.

Basta, naalala ko, nung isang araw na hindi ako nagparamdam sa’yo. Busy lang ako, tapos ‘yung cellphone kong de uling, nagloloko, kamusta naman ‘yun. I smiled nung sinabi mo sa’king isnabero na ako at hindi namamansin, at namiss mo ako. Hindi ka sanay. At sa kalagitnaan ng pagtetext at sa pag-ha-hotseat sa’yo, naibulong ko na lang sa sarili ko: Sayang, kung nauna lang siguro ako.

Kinabukasan, May 24, 2012 (osyet.hahaha!), nagkwentuhan na lang tayo. Gusto mo nang makipagbreak kasi ramdam mong wala na s’yang pake sa’yo. Na meron naman talaga (siguro). Hanggang sa’kin napunta ‘yung usapan. “Eh kasi naman, di ka pa nagkaka-girlfriend. Ligawan kaya kita?”. I know that was stupid. AKO? na malaki ang maskels at kahati ng mukha ni Piolo Pascual (jk!), liligawan mo, na super girly? NO WAY.

But deep inside, butterflies fluttered in my stomach. Hindi lang ata paru-paro, pati gamu-gamo, alitaptap, ipis at buwitre.

Doon na nagsimula ang pick-up-an natin. Palakasan ng hangin. Mainlove, talo.

Nakalimutan ko bigla ‘yung babaeng mamaw sa banga na kaunting tadyak na lang daw, na-fall na ako. Ewan ko ba. Naiinis ako sa’yo. Ang sarap mong sabunutan. JK. XD

But everything was clear to me: we’re friends. At ayaw mo ‘yun masira. Kpayn.

At oo! It is clear to me na crush ka ng bayan. Lahat na lang ka-PBB Teens mo. ‘Wag kang mag-alala, hindi ako nagseselos. Utang na loob. Alam ko kasing wala lang sila sa’yo. Ayaw mo sa kanila. Pero ako, gusto mo– gusto mong maging friend. At okay ako sa’yo kasi alam mong hindi ako magkakagusto sa’yo. Wala pa tayong nabubuo, may pader na na nakaharang.

Pero may mga bagay na ‘pag mas lalong pinipigilan, mas lalong lumalabas. Getting to know each other. At naramadaman ko na lang na I love to know everything about you. May mga pagkakataon, na hindi mo alam, na pinaparamdam mong special ako. Na importante ako. Ako naman ‘tong gago, kinikilig. Masaya ako kung paano ka nag-eeffort magpuyat, mag-good morning sa’kin, hintayin ang mga text ko kasi nga bawal na ang cellphone sa tindahan, paalalahanan akong ‘wag akong masyadong magpapagod at kumain ng marami sabay mwah sa dulo. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat, ay ‘yung mga pagkakataong sinasabi mong namimiss mo ako at napapasaya kita. That I complete your day and you were glad to have me.

‘Wag mo na ideny Naka-save pa sa’kin ‘yung text. Haha.

Pero sapat na ba ang lahat ng ito para maging asyumer ako? Para sa taong nasa talampakan ang utak, oo. Pero para sa taong nasa ulo ang utak, not really. Sabi nga ng aking friend, lahat, pwedeng sabihin sa text.

Pero sapat na ang lahat ng bagay na ito para subukang mag-ipon ng pamasahe papuntang South at makipagkita sa’yo.

Uulitin ko ulit, everything was clear to me: we’re friends. Tanggap ko ‘yun eh. Pero hindi ko alam kung bakit ako naiyak na mukhang tanga habang nagtitinda ako sa tindahan namin nung malaman ko ang mga bagay na ito:

1. Hindi ka pa pala tuluyang nakaka-move on sa ex mo. Because your break-up didn’t really mean breaking your connection as lovers. Just commitment. Ano’ng laban ko sa kanya? Ilang paligo ba lamang sa’kin nun? Bukod sa hangin ko sa katawan at kapal ng mukha, ‘yung kabaitan ko lang ang meron ako.

2. Uulitin ko na naman, I AM JUST A FRIEND. A true friend, sabi mo nga. Pero alam ko sa sarili kong I want more than that.

June 11 ko iyon nalaman lahat. Sinabi ko sa sarili kong babasagin ko na ang helmet sa ulo ko. Pero sadyang matibay. Hay.

Naalala ko pa nung first time kang tumawag. Ako naman ‘tong super saya dahil tumawag ka pa gamit cellphone ni Mama (oo, feeling ako eh). ‘Yun pala hindi lang ako tinawagan mo.

And it was clear to me: you’ll never fall for me because you want nothing more than friendship.

June 24, recently, you told me you were in love. With whom? “Sa’yo”, alam ko ‘yan ang sagot mo. Kasi nga, pick-up-an tayo. AT hindi nga ako nagkamali.

I knew it wasn’t me. Tinuruan ko ang sarili kong ‘wag bigyan ng kahulugan ang mga bagay na sinasabi mo. Although may sense ang bawat sinasabi mo, hindi iyon konetado sa totoo nating mga buhay. Yes, US is just a big joke. That’s why Boy Pick-up makes more sense to me.Kasi miski mga sinasabi mo, wala ng sense sa’kin.

Ngayon, hindi ko alam kung aamin ba ako sa’yo. Kasi, ‘pag umamin ako ngayon, tanda na iyon ng pagsuko. Kasi, alam kong wala lang ako sa’yo (meron pala: a true friend) kaya walang mangyayari. Hindi ko makukuha ang sagot na gusto ko. At alam kong pagtatawanan mo lang ako. Why? How could you fall for someone you haven’t met yet?

And the most pleasing answer for the last question: Search for “I Knew I Loved You” by Savage Garden.

At bakit ba ako nagdradrama sa’yo ngayon? HAHAHA. Hindi pa tayo nagkikita. Marami pang pwedeng mangyari. Ni hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko ‘pag pumunta ka na dito sa Maynila. Hindi ko alam kung yayayain ba kita ng date o ipagluluto na lang kita kahit sinaing lang ang expertise ko, sunog pa. Hindi ko alam kung pipisilin ko ‘yang pisngi mo o tititigan ko na lang habang nakangiti ka. Hindi ko alam kung tatapikin na lang kita sa balikat habang nakikipagsiksikan tayo sa maraming tao o hahawakan ko ‘yun. Hindi ko alam kung paglalaruin ko ang mga daliri ko sa buhok mo o aamuyin ko.

Basta ang alam ko lang, gusto ko, nandito ka na. Gusto kitang makasama.

Isipin mo na na ang korni ko, tumawa ka pa ng malakas. Bahala ka kung isipin mong pick up line lang ito. But I meant every word that I’ve said, and written, as much as how you mean to me.

Kung ano man ang patutunguhan nito, gusto ko lang sabihin na Thank You. I am happy that you came into my life.

In love na ba talaga ako? Hindi ko alam. Ayoko sagutin. Basta eto lang masasabi ko: Ikaw at tayo ang iniisip ko ngayon.

Skaterboy

Advertisements

4 comments

  1. Top Criminal Lawyer Houston · Marso 8, 2013

    Fantastic. I agree.

  2. Tania O. Duffy · Enero 18, 2013

    Marami akong kaibigan na tutol sa relasyon namin ng boyfriend ko. Mga Christians kasi sila. Hindi mo din masisi. Ganun kasi talaga sila. Pero natuwa ako dun sa isa kong kaibigan na Christian din, sabi niya, oo hindi siya sang-ayon sa kung ano mang relasyon meron kami ng baby ko ngayon. Pero alam niya din sa sarili niya na wala siyang karapatan panghimasukan yung buhay namin. Ipagpapasa-Diyos niya na lang daw.

  3. Leemi · Hulyo 10, 2012

    Mainlove, talo?
    When you’re in love, be in love. Confusion is because when we always think & assume a lot of things.
    Pero ang sarap ng feeling ng ganyan, confuse, inspired, unsure… When you aged a year older and look back at this post, you’ll see what I mean.

    • katingera · Hulyo 11, 2012

      Hahaha. AT kinabahan naman ako. Kala ko, s’ya na.

      Ang sarap nga sa feeling. Naloloka na akes! HAY! Maraming salamat sa munting payo. 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s