2nd Yellow Page

          Promise me, you’ll wait for me, ’cause I’ll be saving all my love for..

 

Na-LSS ako for the nth time sa kantang ito. Kainis ka kasi. Sasabunutan talaga kita. HAHA.

Naglunch ka na ba? Ano na kaya ginagawa mo? O baka naghihilik ka pa din? Ano kayang itsura mo ‘pag tulog? ‘Pag nakabukas ‘yung bibig? ‘Pag may panis na laway? O baka napapanaginipan mo ako. Alam ko kasi, patay na patay ka sa’kin.

‘Wag mo na ipagkaila. Ramdam ko. Hahaha.

At hindi ko rin in-expect na masusundan ang love letter ko. At hindi ko inasahang mababasa mo, na sa bibig ko pa mismo mo malalaman na may ginawa akong kakornihan sa blog ko.

At higit sa lahat, hindi ko inasahang kikiligin ka o hindi ka pala makakahinga habang binabasa mo ‘yung una. Kung nagkataon pala, magkakatotoo ‘yung binibiro mo sa’kin na hihimatayin ako sa kilig dahil sa’yo.

‘Yun nga lang, ikaw pala ang hihimatayin sa kilig.

Minsan, iniisip ko kung paano mo magugustuhan, o mamahalin ang taong di mo pa nakikita. Hindi dahil importante ang physical looks. Kasi, iba pa rin ang real kisses and hugs kesa sa virtual lang. So, can I call it virtual love?

Akala ko tuloy, weird ako. Pero sabi nga ni Ju “there are more things to fall in love with a person than just her looks. Kaya para sa’kin, hindi ka weird”.

May mga bagay na hindi na dapat binibigyan ng label. Ng level. “Mahal kita”  has multiple meaning. Pati interpretation. At higit lalo, sa 6 bilyon na taong nagsasabi nito, 3/4 ang nakaka-misinterpret. Bingi pa ‘yung iba.

So if someone would ask me if I love you, I’ll just smile. My heart knows.

O kung sa context form, e di 🙂

May napansin ako. Bakit hindi ko mapagdikit-dikit ang mga pinagsusulat ko dito? May masabi lang? Makapagpapogi points lang? Haha.

Time check: 9:47 pm sa monitor ng computer shop ni Kuya (na naging saksi sa mga nakaraan kong pag-ibig). Kahit 12:49 na kay Chikito. 😀

Maglunch ka na d’yan. ‘Wag kang magpapagutom.

 

          ..and I will be home soon.

 

Skaterboy

Advertisements

One thought on “2nd Yellow Page

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s