[insert title here]

gusto ko sana magpost.

kaso, kung mapapansin mo, small caps lahat. bakit.

hindi gumagana ang shift key.

hindi ko rin magamit ang exclamation point. kaya kahit sumasabog na ako sa galit, o nagpapalting ang tenga, hinahon pa rin.

hindi ko rin magamit ang question mark. kaya kahit marami akong tanong, binabalewala. walang may nais sumagot.

hindi ko din magamit ang open ang close parenthesis. kaya kahit may mga bagay pa ako, sabihin na nating subtext, na nais idagdag, wala. kimi lang. buti na lang, hindi ako sumasagot ng isang equation. kung hindi, babagsak ako sapagkat mawawala ang PEMDAS. EMDAS  na lang.

hindi ko din magamit ang colon. kaya kahit may mga multiple choices ako sa buhay para sa isang major decision na nais gawin, walang emphasis.

hindi ko rin magamit ang quotation marks. kaya ang mga salita ko’y hanggang letra na lamang. walang buhay.

hindi ko din magamit ang underscore at letter A na malandi. hindi ko mabubuksan ang aking sulat-troniko. HA.

bawas emoticon. walang emosyon.

 

masyado rin akong tamad para gumamit ng on-screen keyboard.

 

kaya, utang na loob, pahalagahan ang SHIFT KEY.

 

dahil minsan, sa buhay, kelangan mong magshift sa itaas. ‘wag kang makuntento sa ilalim.

Advertisements

3 thoughts on “[insert title here]

  1. You’re so interesting! I do not suppose I have read through a single thing like this before. So nice to find another person with a few original thoughts on this subject matter. Really.. thank you for starting this up. This site is something that is required on the web, someone with some originality!

  2. “kaya, utang na loob, pahalagahan ang SHIFT KEY.

    dahil minsan, sa buhay, kelangan mong magshift sa itaas. ‘wag kang makuntento sa ilalim.”

    Tumagos ito saken. I’ll never look at the shift key the same way again. Pero kidding aside, it makes sense. Huwag mo hayaang habang buhay ka na lang maliit, o minamaliit. Minsan kailangan mo din mag-shift ng priorities mo para mag-grow ka bilang isang tao.

    Sorry andrama. Ang aga aga ko sa office, blog mo unang ni-stalk ko. Lol.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s