Ang love, parang ice cream..

Para sa isang kaibigan na dumaranas ng bitterness sa pag-ibig.

 Image

 

 

Ayan. At ayoko naman maaksaya ang effort mo sa pagta –type sa cp mo na wala man lang akong matinong reply. Kaya eto.

Bago ang lahat, gusto kong sabihing walang kinalaman ang siyensya dito. Kaya kung sasabihin mong mali ang “ganito-ganyan” dahil nurse ka, hindi ako papalag. Dahil ang pag-ibig ang pinag-uusapan dito, something na maipapaliwanag man ng siyensya pero may limitasyon.

 

And, may pagka-generic ‘tong payo ko. Kasi in the first place, mahirap mag-advice sa isang taong hindi na makokontrol ang mga pangyayari. And’yan na ‘yan eh. Iba man ang istorya mo sa iba, sa huli ay isa ka pa rin sa 3,005, 679 milyong tao sa mundo na ginagawa ang lahat para makamove-on. Syempre, imbento ko lang ‘yan. Hahaha.

 

Pasensya na kung malalabuan ka man sa metapora ko. HAHA. ‘Wag kang mag-alala, private note ‘to.

 

GAME?

 

– – – – –

Sabihin na natin na kumain ka ng maraming gallon ng ice cream na may iba-ibang flavor; may iba-ibang edition ni ganito- ganyan-ganiri; gawa sa gatas ng kalabaw, gatas ng baka, gatas ng aso, gatas ng inang tigang, ihi ng kambing at tinipong luha ng mga api. Kinain mo pa during “off-peak” season ng ice cream: taglamig, sa takot na maubusan ka. Kaya ayan, hindi ka na makahinga sa sipon mo at maaligasgas na ang lalamunan mo kakaubo.

 

Ikaw kasi, alam mong taglamig, nag-ice cream ka pa. Porke wala nang pumapasin sa kanya,  dahil sobrang baba ng discount, binili mo pa. Porke nangako ‘yung natitinda na libre na lang ‘yung next 5 gallons pag bumili ka ng 2 gallons, nagpadala ka agad? Ni hindi mo nga pinansin kung expired na o hindi pa eh. Baka mamaya, ibabalik na din pala ‘yan sa ice cream factory,  binili mo agad.

 

At dahil matigas ang ulo mo at sadyang lumalambot ang puso mo sa ice cream, umarya ka pa din. Wapakels ka na nga kung mamantshan ‘yang damit mo. Bakit? Wala eh. Ang masama pa dun, nilabas mo lahat ng nasa  freezer n’yo para dun palamigin ‘yung ice cream. Pero hindi ‘yan kinaya ng ref, di ba, Ang resulta? Tumatamis lalo, kaso di mo napapansin, nawala na ‘yung pagka-ice cream n’ya.  Alam mo kung bakit? Pinapatagal kasi sa ref, pinaghihintay. Pinaghintay ng three-months. Kasi kung tutuusin,pandalawang-tao ‘yung ice cream, kaso, ikaw lang ang umuubos

 

At katangahan mo pa, hindi ka man lang humingi ng matigas na wafer cone. ‘Yung hindi agad manlalambot once na natunaw na talaga ‘yung ice cream.

 

 At dahil ikaw lang ang kumain nung paunang dalawang gallon na binigay sa’yo, sinisipon ka na. Konti lang nung una, inisip mo na nanlalamig na kasi ang panahon. Pero di mo ‘yun pinansin.

 

AT, hindi ka pa nakuntento.Tinawagan mo ‘yung ice cream dealer na nangako sa’yo na ibibigay ‘yung 1 gallon pang natira dahil 6 lang ang kasya sa freezer. “Miss, punta na lang kayo dito. Pakidala ‘yung resibo”. Kaso pagcheck mo sa bag at bulsa mo, doon mo lang naalalang hindi ka binigyan ng resibo. Wala kang patunay na para sa’yo ‘yung isang gallon. Pero malay natin, diba?

 

“Miss, wala na po pala, p-in-ull out na ng company, ididispose.”  Oh God. You promised me.

 

Tumutulo ang sipon, kumakahol ka sa ubo. Di mo na namamalayan, nanghihina na pala talaga ‘yung katawan mo, Hindi mo na kinaya.

 

So ayan. Pero gusto mo pa kunin ‘yung isa? Para lang masatisfy ka sa cravings mo. Pakiramdam mo kasi, never ka pa nakakain ng ganung kasasarap na ice cream sa buong buhay mo.

 

O aya, inom gamot. Inom kalamansi juice. Kaso walang epek! Ubos na ubos ang tisyu sa supermarket dahil sa’yo. Pero tissue rolls lang ang karamay mo. Mga tissue na hindi mo masyadong pansin nung nilalantakan mo ‘yung ice cream mo, kahi ang dungis mo na.

 

Pero narealize mo, one time, na mag-paaraw ka sa mahapding sikat ng araw. Gagaling ka kamo, tiis lang. Darating ka din dun.

 

Tumutulo tuloy ang sipon mo na walang pinipiling oras. Hindi ka na makahinga ng maayos sa ubo. Mahapdi ang lalamunan. Wala kang masabi dahil sa sore throat. Wala.

 

Simula noon, di ka na kumain ng kahit ano’ng ice cream. Parang matinding hang-over ang naganap.Sumumpa ka na iyon na ang huli. Ni hindi ka na dumadaan sa ice cream stalls. At pag nakikita mo ‘yung tindahan ng ice cream na binilhan mo, dinudumog na ng costumer. Masaya na ‘yung tindero, taas ng kita eh. Napapangiti pati mga ahente nung ice cream factory. Para gusto mo pang sugurin ‘yung trak nila at sabihing, “Tang ina ny’o. Isang gallon na nga lang na ice cream na pinangako mo, hindi n’yo pa binigay.”

 

At dahil sa dati ka pa nila suki, at dahil sa laki ng kinikita nila sa’yo, inaalok ka pang bumili, o mag-franchise. O kahit magmodel ka pa. Kaso ayaw mo. Masyado kang apekted sa ubo’t sipon mo at sa isang gallong pinangako sa’yo.

 

Ano ang masayang part? Gumagaling ka na. J  Kahit takot ka pa din sa ice cream, at least alam mo na kung kailan ba ito dapat kainin, hindi dapat tag-lamig. Sinisiguro mong hindi ka na nagpapaloko sa mababang presyo. Hindi ka na naghahangad ng madami. Alam mo na rin dapat na kahit gumaling na totally ang ubo’t sipon mo, hindi ka na ulit lalantak ng ganung kadami. At nagpapalakas ka na ng resistensya, kahit sa ilalim ng araw pa, para kapag may naglakas-loob ulit na magbenta ng ice cream sa’yo, alam mong handa ang katawan mo.

 

At higit sa lahat, gaano man kasosyal o kadirty, ke Belgium chocolate o twin popsicles pa, ke maraming mani o cookies, ke 3-in-1 o 56-in-1 pa, ke isang gallon o isang scoop lang, hindi ka na kakain mag-isa.

Advertisements

One comment

  1. kyakototentimes · Marso 25, 2013

    i scream for ice cream! hihi. tyempong kumakain ako ng mcdo sundae dito sa pwesto ko sa opisina habang binabasa ko ito. napaisip tuloy ako ng magandang pick-up line na pwede isagot sa “Ice cream ka ba?” 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s