Sinubukan ko la…

Sinubukan ko lang naman ‘tong quote box, kung ano itsura.

Ay! Medyo cool pala! Lalo kung hindi mo trip ‘yung maramihan satsat.

May mga pagkakataon kasing mas gusto mo na kaunti na lang ang sasabihin mo sa kabila ng napakaraming pangyayari sa’yo, katulad na lamang ng paulit-ulit na pagkati ng ilong matapos kumain ng singkamas na sinawsaw sa bagoong– na hinndi mo alam kung saan ka mag-uumpisa magkwento. O kaya naman, ayaw mo na kasi ng paulit-ulit na pagpapaliwanag o pag-kwekwento dahil umay ka na. O kaya naman, sa dami ng emosyong inipon mo d’yan sa dibdib mo: lungkot, kaunting ligaya, kaba, pawis at pagpigil ng pagcontract ng pisngi ng pwet mo dahil sa pinipigilang echas. O kaya naman, mga ideyang hindi nagpapatulog sa’yo tuwing gabi, halimbawa ay kung sisingilin mo pa ba jowa mo sa utang n’ya, o kung may utang ba talaga s’ya sa’yo, o kung may jowa ka talaga. O parang thesis na marami kang tanong at maraming hinihinging sagot na related naman sa isa’ isa kaya gusto mo, isang bagsak na lang. O marami kang tanong na alam mo kung saan, sino at paano masasagot pero ayaw mo na lang itanong dahil sa napakaraming hadlang. O nag-uumapaw na damdamin na sa sobrang pag-uumapaw ay wala nang tamang salita na maglalarawan dito, halimbawa.. uhm. Ang hirap ipaliwanag eh. O sadyang feeling deep ka lang na tao kaya gusto mo sa isang sentence fragment lang ay masabi mo na ang lahat.

Β 

Sa dami ng nasabi ko, sana ay natumbok ko kahit isa man lang sa gumugulo sa’yo ngayon. Anu’t anuman ang tunay na dahilan ng paggamit ko ng quote box na ayon sa aking subconscious mind, o kung gagamit ka nito balang-araw, malinaw na ginagamit ito para iparating ang pinakamahalagang bagay na gusto mong sabihin. Walang ligoy, walang pautot, walang depth at arte.

Kadalasan, pinagkakasya ko na lamang sa isang tuldok ang nais ko sabihin. Hindi ko rin alam kung paano.

Pero isa lang talaga ang masasabi ko: *pakibasa ang quote*

Advertisements

4 comments

  1. Bagotilyo · Oktubre 21, 2013

    ako din di ko makita yung quote box. 😦

    • katingera · Oktubre 21, 2013

      Wala po ata talagang quote box. Naka-indent lang Ser. πŸ˜€

  2. Glentot · Hulyo 24, 2013

    Ano ba yung quote box di ko naman nakikita… or may mali sa browser ko?

    • katingera · Hulyo 30, 2013

      Naka-indent po siya, Sir.

      Salamat sa pagboso! πŸ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s