Blogger’s Block

Malamang ay iniisip mo kung ano’ng klaseng pautot ko na naman na ito.

Photo Credit: Blogging from A to Z Challenge

Minabuti ko nang gawing ‘blogger’ dahil ayokong angkinin ang ‘writer’ na hindi ko alam kung nakarating na ba talaga ako sa ganoong lebel; kung nasunod ko ba ang standards ng isang writer ayon sa pananaw mo. You know, ayoko putukin ang iyong bula *see translation*.

Eto ‘yung mga panahon na dapat, nagsusulat ka. Isusulat mo ‘yung kung anong bumagabag sa’yo kanina habang nasa trabaho ka, pinapagalitan ng boss, nakikipagsiksikan sa MRT, o kumakain ng lunch. Hindi mo nga lang naisulat agad dahil wala ang iyong handy dandy notebook, o wala kang oras, o kaya ay hindi mo alam kung paano ito isusulat.

Taeng-tae ka na eh. Kaso, may tao pa sa banyo.

Pero ang masama nito, ‘pag nasa harap ka na ng laptop mo, hawak mo na ang lahat ng oras mo, biglang blangko ka. Nakikipagkindatan ka na lang sa monitor. Bigla mong malilimutan lahat ng nasa isip mo. Nawala sa isang iglap. Dahil maaaring:

1. Pagod o antok ka na.

2. Nalibang ka na naman sa Facebook at Twitter.

3. Gutom ka.

4. Marami kang problemang dinidibdib kahit niloloko mo lang ang sarili mo dahil wala ka namang dibdib.

Umatras bigla ‘yung tae mo kasi masakit pala ang ulo mo.

O KAYA NAMAN, eto ‘yung mga panahon na dapat, nagsusulat ka, dahil gusto mo lang. Magbigay ng opinyon, magpahayag ng damdamin, ilarawan ang mangilan-ngilan mong pantasya sa buhay. Ang problema– wala kang maisulat. Walang malinaw na ideya, matinong usapin o konkretong paninindigan. O kaya, umay ka na sa lahat ng nangyayari sa paligid mo. Magiging isa ka na lang sa mga kauumayan ng netizens ‘pag nagsumiksik ka pa sa blogosphere.

Kaya minsan, sa umaga, panay himas mo sa baba mo. Andun daw ang point (o kung ano man ang tawag doon na related sa accupuncture) para makatae ka. Dahil maganda talaga tumae sa umaga. Kaso, wala pang lumalabas eh.

Kaya ang resulta, gumagawa ka na lang ng mga walang kwentang mga post. Isang coloring book na kinulayan mo na lang ng kung anong bagay na madadampot mo malapit sa’yo dahil wala kang krayola. Pwedeng ketchup, damo, uling o dugo.

Basta, makaraos lang.

O kaya naman, dahil wala ka nang ideya kung paano mo s’ya isusulat, pagkakasyahin mo na lang sa tuldok. Twitter o Facebook- microblogging sites.

Kahit utot lang lumabas.

Malalaman mo rin kung gaano na katindi ang blogger’s block mo base sa dami ng nasa draft section mo. Kung makailang-ulit ka nang kumandong sa inidoro n’yo, to the point na nagselos na ‘yung paborito mong upuan.

O sige, bilang binuksan ko na rin lang ang topic na ito, bigyan kita ng kaunting payo kung paano ito lalabanan:

1. Magsulat agad kapag posible. Parang ano lang ‘yan eh: Masakit sa pantog ‘pag di nalabas.

2. E kung di mailabas, humanap ng paraan! Manood ng porn   inspirational movies, ng books. Maging observant.

Ay tae, usapang tae pala tayo. ULIT!

1. Magsulat agad kapag posible.  Masakit sa pwet ‘yan ‘pag di nalabas.

2. E kung di mailabas, humanap ng paraan! Hilutin ang kukote hanggang maramdaman ng peristalsis.

3. Maging observant sa paligid. Ang bawat kumpas at galaw ay may kwento. Gamitin ang five senses. Di lang si Spiderman ang pwedeng gumamit nun. Isipin mo kung saan ka nagpunta, ano ang kinain mo o kung chineck mo ba ang expiration date in the first place.

4. Isulat mo lang ng isulat hanggang may oras. ‘Wag mo munang isipin kung anong style ang gagamitin mo, anong mga salita ang dapat, o kung may skeleton na dapat sundin. Dahil kapag ipopost mo na ‘yan, tuluy-tuloy na ang pagtatayp mo, di masasayang kuryente.

5. ‘Wag kang magsusulat para ma-impress lang ang readers. Mahirap ‘yan. Walang taeng mabango kaya kung may kasunod na magbabanyo, hayaan  mo nang malanghap niya ‘yun.

6. Maghanap ng quotes. “I wish that being famous helped prevent me from being constipated.”
Marvin Gaye

7. Pwede ring sundin ang mga orasyon mo bago tumae. Halimbawa, kumakain ng swelas ng sapatos, o tuwing alas-tres ka lang ng umaga ginaganahan magsulat, maghintay ka. Kumbaga, may momentum– ikokondisyon mo muna ‘yung katawan mo bago kang jumebs. Magugulat ka na lang na magbabara ang inidoro n’yo ng dahil sa’yo.

8. Comfort food. Pwedeng uminom ng Yakult.

9. Humanap ng pinakumportableng lugar o posisyon. Either nakaupo ka sa inidoro o naka-squat. Kung saan ka masaya. Pero maganda kung walang mangdi-distract sa’yo. Kaya ‘wag kalimutang i-lock ang pinto.

10. Sa pagahahapit lumalabas ang creative juice. Alam kong madyo mahirap ito dahil wala namang sinusunod na deadline ang blogger, maliban na lamang kung trabaho niya iyon, may paghahandugan o may sinasalihang contest. Makabubuti sigurong lahat ng skills mo sa panloloko ay gamitin sa iyong sarili: bigyan ang sarili ng deadline. Uupo ka lang sa inidoro ‘pag alam mong lalabas na talaga.

11. Disiplina lang. Kung alam mo namang natatae ka na talaga, ‘wag ka nang huminto sa tapat ng TV dahil Maria Mercedes na at kailangan mong ipagsigawan ang bawat eksena na parang sa bundok nakatira ang friends/followers mo.

12. Syempre, ‘wag mo namang ipahalata sa mga mambabasa na kung anong klaseng pagpaparaos sa pagsusulat. Maglinis ka ng mabuti, ang inidoro, kamay, tabo o balde, o ‘wag mo nang pansinin ‘yung dalawang huling gamit kung sosyal ang bahay niyo at de-flush ang inidoro n’yo. HIndi ko sinabing ipagmalaki mong tumae ka, ang akin lang naman, ‘wag mong ipangalandakan. Kaunting hygiene naman d’yan.

13. O pwedeng tinatamad ka lang pala. Walang gamot d’yan.

Sabi nga ng kabanal-banalang si Bob Ong, “Hindi para sa tamad ang pagsusulat.” Kaya siguro

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s