Five and a Half Years in the Making

Kinder: Most Obedient ang nakuha ko. ‘Yung bilog na may ribbon tapos itatarak sa dibdib mo. Hindi na naulit ang parangal sa eskwela. Pakunswelo sa pagiging tupa mo sa maliit n’yong classroom dahil madaldal ka lang sa kalaro mo. Nag-iisa na nga lang, corny pa.

Horror ang pag-aaral ng isang irregular student. Nasabi ko na naman ito sa ias kong post. Mangangapa sa talahiban. Makikipag-awagan ng teritoryong ikaw ang dayo. Tapos magkakamot ng buong katawan dahil allergic sa damuhan.

Magkakamot rin ng ulo. Kinakamusta ang talino’t galing na buong araw itinago.

Unforgettable experience? ‘yung Tanginang Student Assistant (TSA. Note: hanga ako sa student assistants. Hindi ko nilalahat. Isang tao lang ang nilalaman ng context na ‘yan.). Dayshift ang in-encode kahit nightshift ang in-enrol-an ko. Ako si gago, sa panggabi ako pumapasok dahil hindi ko napansin. Hindi mo naman talaga agad mapapansin at hindi ka na rin makakapalag dahil encoded na. Missing link sa umaga, apparition sa gabi.

Na-drop ako. Mabuti na lang, naipaglaban ko grade ko. Pero bumili pa rin ako ng CD.

Plot twist? IISA LANG ANG PROF SA MAGKAIBANG SHEDULE. Ganun na ba ako ka-overrated?

Inaamin ko naman na medyo tamad ako. Kaya ayoko nasasabihang “masipag”. Pakiramdam ko kasi, pinaplastik ko ang sarili ko. Iba ‘yung nakikita ng tao sa totoong galaw ng buong katawan ko. Minsan, gusto ko i-justify ang ‘kasipagan’ ko sa dahilang, “Dahil kailangan. Maraming kulang.”

Pero bukod sa katamaran, hirap ako sa schedule dahil naging working student ako. Ang hirap, kasi hindi naman ako bobo, tinatamad lang. Hindi ko sinasabing minamani ko ang Calculus at Quantum Physics, dahil di namin kinuha ‘yang mga ‘yan nung college. Pero, tinatamad ako mag-isip minsan. Mas madalas, tinatamad kumilos at magsalita. Nagkakamali lagi ‘yung tao doon.

‘Pag nagkwekwento ako tungkol sa misadventures ko sa pag-aaral, hindi ko nasasagot ‘yung mga tanong na “BAKIT?!” o “Andito ka pa rin?” na naliligo sa sarcasm. Alam ko rin naman sa sarili ko na hindi ako dapat nagpapaliwanag. Gusto ko lang minsan basagin ang mga agam-agam, pantasya at myths nila sa isang irregular na tao (oo, tao. Hindi na “student”.) Hindi ko nasagot nanay ko kung bakit na-extend ako sa pag-aaral ko. Hindi ko rin masabi na kaya ako naging “Super Junior” ay dahil dalawang beses ako nag-third year. Hindi ko rin nasagot ang sinabi ng classmate kong “Ang malas mo. Magshift ka na lang sa Psychology.” nung nalaman niyang minalas ako dahil sa TSA na nabanggit ko. Ngumiti lang ako. Medyo mapait.

Siguro, kasi hindi ko talaga first choice ang course na kinuha ko. Architechture ang gusto ko dahil isang malaking gubat ang notebook ko sa dami ng puno na dinodrawing ko. Kaso di pasado ang grade ko sa Math IV nung high school. Mass Communication, di dahil kasing pogi ko si Atom Araullo, pero dahil idol ko si Brillante Mendoza at crush ko si Coco Martin. Pero di pasado ang English IV ko nung high school.

Lahat ng ka-desperaduhang paraan, ginawa ko, makapag-shift lang. Pero dahil marami akong subject na naiwan noong first year college, niyakap ko na lang ‘tong binigay sa’kin. Unti-unti, pinangarap ko.

Matapos ang 5 ½ taon, nakagraduate ako. Muntik nga rin ako mawalan ng pag-asa nang magka-issue as apelyido ko (Affidavit of Discrepancy, Affidavit of Lost and Confused Identity under Philippine Civil Law).

Nakakainis isipin na maraming estudyante ang nag-iisip na kailangan nilang maging “obedient” sa sistema ng edukasyon natin, sa curriculum sheet at sa sinasabi ng professor mo para matawag kang “matalino”. Hindi kasi nila maintindihan na akin na ‘yung recognition ng MOST OBEDIENT at maraming nakiki-agaw sa pangalang iyon. Napapamura rin ako under my angel’s breathe (iniisip ko kung ano’ng amoy) tuwing nababasa ko sa isip ng iba na niroleta lang ang grade ko kaya ako nakakuha ng mataas. Katulad mo, nagsusunog din ako ng kilay. Perfectly polished nga lang.

Pero maraming nakakalimot na dapat, maranas mo kung paano ka dapat mamuhay paglabas ng pinakamamahal mong unibersidad. Okay, hindi ako ipokrito at hindi ako anti-edukasyon. Syempre, kailangan din naman natin ng mabangong grades dahil lumalabas ‘yan sa Transcript of Records na paluluhain ka muna ng dugo bago mo makuha, pero ‘yung pag-a-apply ng natutunan mo ang pinakamahalaga, hindi ba?

Dahil sa pag-aapply mo ng trabaho, sa interview ay titignan nga ang resume mo. Bukod nga sa mukha ko, napaisip rin ako na wala akong mailagay na field of expertise and awards and recognition. Pero sabi ng boss ko, dapat ay ibaba na ang korona. Nabubura na ang lahat ng nakalagay sa resume, matitira na lang ang buong pangalan mo at picture mo para meron ka man lang pagkakakilanlan. Parang mga patay. Pantay-pantay. Start from the ground. Maganda man ang kabaong mo, patay ka pa rin.

Hindi ko sinasabing gaguhin ang pag-aaral. Pero kung magiging gagong estudyante ka, siguraduhing may justice. Bago mo isipin ang pagsali sa trending hastags sa Twitter, o ang syota mong conyo, isipin mo ulit: may natututunan ka bang talaga?

 

1 am na. Nasa office pa rin ako. Medyo napagod lang utak ko kaya ako nagsulat. Pagod? Puyat? Gutom? Kebs! Bakit?

When those days were still young..

Sana, maging part ako ng show na ‘yan.

Sinabi ko ‘to dati. Isa lang kasi akong manonood. Ngayon, hindi man ako ang pinapanood, isa ako sa mga dahilan kung bakit mayroon kang pinapanood. At dahil dun, hindi ko na rin mapanood ang dati kong pinapanood. ‘Wag ka lang maglilipat ng channel. Dahil ang mahuhuli naming nanonood ng aming show ay magkakamit ng 3,000 worth of grocery items plus 1 year supply ng pag-ibig! Lahat ‘yan, tax-free!

Kaya siguro  5 years ako bago naka-graduate. Saktong nagkaroon ng massive suicide ng mga employees at nagkaroon ng job opening. Kaya siguro ako hindi binigyan ng pagkakataon para mag-shift. Mas marami akong natutunan kung saan ako inilagay noon, na dito ko  magagamit. Kaya siguro ako naging working student. Battle of the Fittest at mananalo ay ang may pinakamalakas ang immune system at may pinakamakapal na eyebags. Kaya siguro ako nandito, kasi, para sa’kin ‘to.

Ito na siguro ‘yung definition ko ng ‘pangarap na natupad’.

Pero TANGINA pa rin nung student assistant.

Advertisements

2 comments

  1. salbehe · Marso 12, 2014

    Na-extend din ako nung college. Wala lungs!

  2. doroastig · Marso 12, 2014

    Ikaw ba’y handa nang makikiisa sa mga awiting dapat nating iparinig sa mga kinauukulan?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s