-Sary

Masama talaga minsang napapadpad ako sa Facebook ‘pag wala ako sa katinuan.

May nakita lang kasi akong babies na nag-blo-blow ng candle. Cute. Ang cute. Ang cute-cute. Pero minsan, ‘pag natitigan mo nang matagal, hindi na cute.

Una, ang sanggol na isang taong gulang pa lang ay walang alam palabasin sa bibig kundi laway, bukod sa “-my” and “-dy” na itinuro ng konyo n’yang magulang. So paano niya iblo-blow ‘yun?

Pangalawa, walang muwang ang batang iyon na siya pala ang bida sa araw na iyon. Pero ang pakunswelo: video. Pagdating malamang ng 18th o 21st birthday ng baby na ‘yun ay pagtritripan s’ya ng  mga kamag-anak niya at ipapapanood sa madla kung paano siya ginawang stuffed toy.

Pangatlo, unfair. Kung isa kang baby at makakita ka ng malaking cake na may candle, malamang maakit ka sa icing at munting ilaw. Masarap kainin at lamutakin. Pero wala kang pwedeng gawin kundi masdan lang ang mga nakakatanda na paghahatian nila iyon at isusubo nila.

Muli, wala talaga silang muwang sa nagaganap.

At ang isang bagay pa, hindi birthday ng baby na ‘yun. Hindi rin binyag. Kundi, “monthsary” kung kailan siya pinanganak.

Ano bang problema ko at masyado ata akong nababahala/asiwa?

Masyado ata silang masaya. Na buwan-buwan sila maghanda, magregalo at mag-celebrate ng monthsaries ng kanilang baby pero ang munting anghel, anghel pa rin. Habang ako, masyado atang stressed sa buhay na ultimo birthday ko, hindi ko pinagpla-planuhang sine-celebrate.

Aba. Masarap mag-boodle fight. Mag-isa.

Masyado ata silang sentimental. Hindi lang mga first ang lifetime moment para sa mga magulang niya. Second, third, fourth fifth, and to the infinite ordinal number, mahalaga para sa kanila. Pero ang anghel, hindi naman marunong magbilang. Nag-eexpect ang lahat na ang batang iyon ay lalaking lovely just like the cake. Habang ako, masyado atang tigang ang dibdib para gamitin lahat ng oras ko sa ikauunlad ko, ng trabaho ko at ng mga taong umaasa sa’kin. Nag-e-expect ng malaki sa’kin.

Aba, marami akong responsibilidad.

Base sa mga sinabi ko, sa isang banda ba, ang tingin ko sa mga “-saries” ay kapareho lang ng sa isang “baby” na pina-level up lang? Na ibang tao ang masaya para sa’kin sa kabila ng katotohanang hindi ko alam kung ano’ng dapat ikatuwa?

Yiee. Baby. :”>

Sa isang dating dalagita mag-dedebut, nakakahiya nga siguro sa kanya ang video kung saan pinag-blo-blow siya ng candle. Pero sa mga taong katulad ko, nakakahinayang siguro ‘yung pakiramdam na wala siyang bino-blow na candle noon. Na first time n’ya lang gagawin ngayon.

Hiya. Hinayang. Ang isa ay mararamdaman sa bagay na naranasan mo habang ang isa ay sa bagay na hindi mo nagawa.

Monthsary. Habang tinatayp ko ‘yan, kasama ‘yang salitang ‘yan sa mga salitang may linyang pulang kulot dahil ayaw kilalanin ng dictionary. Sino bang nagpauso ng monthsary?

Ni hindi ko rin alam kung mahalaga nga ba ang “weeksary” o “monthsary” sa isang relasyon. Mahirap sigurong i-justify ang kahalagahan ng pagse-celebrate buwan-buwan ng isang taong tulad ko dahil single ako since birth. Hindi ko maintindihan kung bakit minsan, may mga gustong magbigti dahil hindi sila nabati ng jowa nila noong monthsary nila.

Ayoko rin namang magbilang. I hate numbers as much as I hate Math.

Ang numero, merong hangganan. Kung isa, isa lang. ‘Pag dumoble, e di dalawa. Ang tanda ko sa klase namin sa Humanities, pwedeng maging “tatlo” ang salitang “apat” kung konsepto ang usapan, hindi pangalan. Pero hindi naman tayo namumuhay sa konsepto, hindi ba? So limitado pa rin. Pero dahil ang pag-ibig ay hindi naman well-defined, isa itong konseptong nagtatago sa iba’t ibang salita. Kaya mahirap bilangin.

Kaya bakit ba dapat magbilang kapag umibig ka? Bakit mo makikita ang oras, araw at buwan kung hindi ka na marunong magbilang dahil ang tingin mo as pag-ibig ay “forever”? Alam kong nakakasuka ‘tong nasabi ko, pero ganun talaga. Nawawalan ka na ng limitasyon. Wala ka nang hangganan. Hindi mo nga makita ang oras kapag kasama mo ‘yung taong gusto mo. Subukan nga nating pagsamahin ang siyensa at pick-up line: nag-iiba na ang ikot ng mundo ng taong in love dahil wala na sa tamang pwesto ang kanyang “mundo” sa “axis” nito at sa “orbit”. Kaya, nawawala ang element of time.

Yes. Hindi man ako nagkaroon ng commitment, I’ve been in love. That’s why I know.

Paksyet. Ang cheesy.

Advertisements

3 thoughts on “-Sary

  1. Ito na naman tayo sa love-hate relationship ng blogger at wordpress kaya facebook nalang.

    Noong bagong salta ako sa Maynila, medyo naooffend at naiinggit ako kapag nakakakita ng mga batang nagcecelebreate ng birthday na may cake at candles at yung mga nsa fast food sinicelebrate. Di ko kasi naranasan o makakita man lang ng mga ganyan sa bundok na pinanggalingan ko. Walang ganyan eh. Di ko rin nauunawaan. Lalo siguro ng mga bata malamang. Sinubukan ko yan sa anak ko pero di ako naging happy.

    Sa mga magjowa naman, yan nauunawaan ko. pati yata Minutesary ngayon sinicelebrate na eh hahaha. Di ko alam kung masyado lang silang sweet o masyado silang nangangamba. baka sa susunod na araw maghihiwalay na. Mga ganun ba.

    Magandang araw!

    1. Haha! Dito umeeksena ‘yung “bitternes” dahil nung tumanda ako at nagsimulang magtrabaho/college, nakalimutan ko na ang holidays at sarili kong birthday. Syempre, nakakatampo rin. Pero wala naman akong karapatang magtampo dahil bukod sa hindi bagay sa akin, hindi ko alam kung kanino ibabaling ang tampo ko. Ni hindi naman rin ako naghahanda kapag birthday ko.

      Nung 7 years old lang ang last ata. Nung nag-18 ako, nagpa-inom lang. KKB pa. Tapos ‘pag gising ko, nanghinayang pa ako sa gastos ko.

      Tumatanda na ba talaga tayo, Sir? 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s