The Olfactory Nerve

Ito ‘yung responsable sa pang-amoy natin. Ano nga bang mensahe ng bawat amoy? Bukod sa amoy ng tsismis na siguradong may mensahe, bawat amoy ay may konteksto. Na pwedeng pagsimulan ng rebolusyon?

Naalala ko nung 4th year high school, minsan naitanong ng guro namin sa Filipino ang tungkol sa ipinapasang ordinansa kaugnay sa may mga driver na may kamehamewave. Hindi ko matandaan kung ibinalita na ba talaga ‘yun, patay ang nerves ko pagdating sa current events, o nasobrahan lang sa kakasinghot ng chalk ang teacher ko. Kung ano man sa dalawa, ang mas mahalagang bagay ay may pinag-usapan kami na may katuturan.

Nagtawanan kami. Kung anu-anong klaseng mapang-alipustang nakakalokong salita ang lumabas sa bibig namin na akala mo, three times  day kami kung mag-toothbrush. Sabi nga ng isang classmate ko, habanag paisa-isang humuhugot ng tawa, stress ka na nga, ganun pa ang maaamoy mo.

Na sinegundahan naming lahat. Busy ka nga namang tao, at ayaw mo ng may tambay, sa ilong mo.

Pero may isang classmate ako, na kaibigan ko rin at isang debater, ang may ibang pananaw. Nakaka-degrade ng pagkatao ang pagpapasa ng ganoong ordinansa.

Narinig ko ‘yun, pero noong mga panahon iyon, exactly 6-7 years ago, ang tanging iniisip ko e, kapakanan ng nostrils ko.

Halos hindi yata lumilipas ang isang buwan matapos noon nang tumanda ako (hindi ko alam kung kailan), na hindi ko naiisip ang sinabi ng friend ko.

Nakaka-degrade ng pagkatao.

Doon ko nahanap ang totoong sagot. Oo nga naman.

Hindi sa gaya-gaya ako, o madaling maimpluwensyahan, o nagpapasikat para maging iba. Pero totoo nga, tama siya.

Oo, naiintindihan kong sadyang may mga makapigil-hiningang amoy tayo na ayaw nating malanghap habang nasa biyahe pauwi. Ito ‘yung mga panahong gusto mong maglabas ng pintura: either ilamas mo sa buong jeep para mahigop ang amoy ng katabi mo o sisinghutin mo. Tipong imbis na maglalabas ka ng extra rice, isusuka mo pa ‘yung kinain mo.

Ilang beses na ako nagkaroon ng mga kasabay sa jeep na may langhap-sarap na amoy. Pinipigilan kong huwag huminga from time to time. Isang malalim na hugot para maraming pumasok na oxygen + carbon dioxide + greenhouse gasses, tapos, para akong kamelyo na iipunin ko ‘yun sa baga ko. Habang ang mga katabi ko, panay ang paypay at hindi matanggal ang panyo sa ilong, ako, pakamot-kamot lang. Binubugbog man ang ilong ko, ayokong ipakitang nandidiri ako.

Bakit? Nakikita mo ba kung sinong mga tao ang may ganitong amoy? Nangangalakal, tindera, driver, street sweeper. Kaulayaw ang nature turning into nakasusulasok na urbanidad.

Isipin na lang natin: kung sa bangko ba nagtratrabaho ‘yun, na kulang na lang ay ipaghele ng aircon at swiveling chair, mangangamoy kamehamewave na pumatay kay Freeza ang mga drayber? Kung ang minamaneho nila, eroplano o barko, magiging ganun kaya sila kadungis? Kung nagtratrabaho ba siya sa restaurant, mawawalan ka ba ng gana ngumuya? Naalala ko ‘yung lakas-loob na pagpapa-feature ng isang babaeng Metro Aide sa isang programa na ang paksa eh, kamehamewave. Note: Metro Aide siya! Nasa tabi nang kalsada’t nauusukan!

Malamang ay iniisip mo ngayon na pwede namang mag-deodorant, maligo araw-araw. Pero nasa lifestyle ng tao. Ang oras niya sa pagligo ay ipamamasada na lang niya. O ibibili niya ng deodorant eh, ipangmimeryenda na lang o pandagdag sa pambili ng tocino ng Bunso niya sa kanyang titser. Hindi sa lahat ng pagkakataon, maggagawa mong pigilan ang paggalaw ng peristalsis mo sa pwet sa pampublikong lugar.

Kung napatupad kaya iyon, paano ba? Katulad din ba ito ng paghuli sa mga nagyoyosi sa Farmers at harap ng Robinson Ortigas?

Malamang MMDA officer na ipinaglihi kay Ilong Ranger, o sa K9. Magsisimula sila sa trabaho ng alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Siguro sa mga checkpoint o paradahan, sakayan/babaan ng jeep sila magsisitambay para mahanap ang “The One”. Kung walang ilong ang magsasakripisyo sa ganitong uri ng trabaho, malamang may mga device sila na panukat ng amoy, na mukhang thermometer na isasalaksak sa mga pawisang kilikili. O kaya ‘yung papel sa Rexona para malaman kung gaano ka ka-pawisin. Kung papalarin ka, kukunin ang pangalan mo, address at iche-check ang lisensya. Ipahuhubad sa’yo ang t-shirt o kukumpiskahin ang towel mo upang maging ebidensya. Nakahanda ang kanilang resealable pack na animo’y gumawa ka ng krimen.

Magbabayad ka ba ng limandaan o aattend ka ng community service at magseseminar? Aba, isang araw gugugulin ‘yun. Maglilinis ka ng kalsada at mag-i-spray ng deodorizer sa mga public dugyot-pink cubicles ng MMDA na ‘pag pumasok ka, kakapit sa t-shirt mo ‘yung amoy-ihi ng mga lasing at lalaking salawahan sa pag-ibig. Isang araw. Isang araw na kita rin ang mawawala sa’yo. Pero may pakunswelo de bobo naman kahit papaano. Sa seminar, bukod sa ituturo sa’yo kung paano ang tamang paghilod at kung gaano karaming beses ka dapat magpabula ng sabon sa singit mo, present d’yan ang mga magpapa-give away ng mga produktong “for men” na mga burgis na lalaki lang ang makaka-afford. Oo, bibilhin na pati ng multi-nasyonal companies ang kagaguhan ng pag-iisip ng mga nakatataas pagdating sa pagpapatupad ng ganitong mga batas. Isang araw na kita ang mawawala. Kaya magbabayad ka na lang ng 500 pesos dahil lamang sa hindi mo pagiging aktibo sa banyo.

At dahil nga d’yan, maraming aangal– mga grupong nangangalaga sa mga driver, misis ng driver, titser ni Bunso at kabit ni driver. Nakakatawang isipin na hindi na pagtaas ng pamasahe ang ipaglalaban nila, kundi karapatan nilang maitaas ang kili-kili ng matiwasay. Syempre, sasabihin ng mga nakaupo, “hindi kami nagkulang ng paalala”. Siya nga naman, malinaw namang nakasulat: bawal magka-putok, may namatay na.

Let’s face it: parte ito ng araw-araw nating buhay-kalsada. Tandaan natin na hindi natin ito pag-aari. Kaya nga ang tawag sa kanya eh, PUBLIC Utility Vehicle. Hindi ko sinasabing kapag masa ka, dapat madumi ka; kapag blue-collar job ka, kasama na run ang katotohanang mabaho ka. Pero ang mga noun na nabanggit ko ay mga natural na taong nasa natural na paligid at natural na nangyayari sa kanila ‘yun. Masyado nang mainstream ang pagsigaw ng “ang baho!” sa walang-malay na tae.

Nakakahiya, na ngayon ko lang siya naisip. After ng ilang taong nakalipas.

Pero kung ayaw mo talaga ng mabahong amoy, magtaxi ka araw-araw! O kaya, isa lang ang ibig sabihin niyan: kailangan mo nang mag-invest nang sarili mong kotse!

Gusto mo ba magkaroon ng kotse na hindi ka nagpapakahirap, nagpapakaalila sa trabaho? Na makukuha mo sa loob ng isang taon kahit nakaupo ka lang, tapos kumikita ka pa? Mahigit 100,000 pesos sa isang buwan? Madali lang ‘yan!

Kita tayo sa Starbucks.

Advertisements

2 thoughts on “The Olfactory Nerve

  1. Gusto ko yung kamehamewave na yan..pero mas gusto ko yung may kamehamewave na alam kong dahil sa trabaho kesa sa may kamehamewave na nagiinarte lang. Pero tama sia kaibigan nakakadegrade nga naman pero dapat tignan muna ntin sila sa kung ginagawa nila bago tayo humusga at sumigaw ng Bomba. ☺✌

    1. Haha! Buti’t naintindihan mo ako. Ako kasi, naranasan ko na rin once mangamoy kamehamewave (shet nakakahiya. pero konti lang). Hindi naman ‘yun dahil sa trabaho, sadyang malikot na bata lang ako at pawisin talaga. Hindi ko rin sinulat ang post na ‘to to save my ass. Pero, nakaka-offend siya para sa iba.

      May nagpost sa status dati na sa sobrang lakas ng kamehamewave ng katabi niya sa jeep, napasigaw siya ng “Langhap Sarap!” na sinegundahan pa ng isang pasahero na “bring the fried chicken!”

      Gusto ko silang kurutin sa mukha katulad ng pagkurot ko sa Jollibee Chickenjoy.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s