How A Grown-Up Celebrates Her Birthdays

Katulad ng mga nagdaang birthdays ko, hindi pa rin ako nag-celebrate.

Kaya nagpapasalamat ako sa mga magulang ko noong 1st at 7th birthday ko. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko mababasa ang pangalan ko sa cake. Hindi pa nga dapat counted ‘yung isa dahil hindi pa ako marunong magbasa at wala pa akong alaala noong unang beses na magkaroon ako ng birthday celebration.

Salamat rin sa mga Undas, nationwide blackout at mga pinuputol na kable ng kuryente. Kung hindi dahil doon, baka hindi ko naranasang mag-ihip ng kandila.

Bakit nga ba I make my birthdays boring and ordinary?

Nagsimula ito noong college. Hindi ko alam kung sadyang idol ko lang ‘yung kaklase kong si Maui. Siya kasi ‘yung taong hindi trip na binabati at brino-broadcast ‘yung birthday niya. Naisip ko na tipong, “cool” siya. Pero years later, nagkaroon ako ng personal kong dahilan.

Nabanggit ko na rin dati sa post ko na, tumatanda na ako’t dumadami na ang responsibilidad. Lalo na nung nagtrabaho ako sa tindahan habang nag-aaral ako. Pakiramdam ko, kulang ang bente-kwatro oras ko sa isang araw. Para ako laging mauubusan ng oras, kasama na sa mga oras na nasasayang ‘yung tig-iisang minuto kong pag-iisip, ‘yung tipong sa kalagitnaan ng pagiging punong-abala mo sa realidad eh, magte-teleport ‘yung utak mo sa mga ulap. Nasasayang, wala namang nasasayang na oras sa pag-iisip pero sa realidad, meron.

Isa pa, hindi ko alam kung may imbisol ba akong balat sa pwet pero, may mga bagay na nangyayari bago o matapos ang birthday ko. Tipong iiyak ka na lang bigla. Eto mga example:

15th, isang araw bago magpasahan ng baby thesis. Hindi ko actually alam kung baby thesis ba talaga iyon, kasi nung mga panahon na ‘yun, thesis para sa akin ‘yun dahil 3rd year high school pa lang ako noon at first time ko siyang ginawa. O baka baby thesis siya na nag-ngingipin na (shet ang corny). May kapartner naman ako sa paggawa kaya hindi lahat ng hirap eh, sinalo ko. Nung araw na iyon, binigyan ako ng pera ng lolo ko, pa-birthday niya sa akin. Pero naubos iyon sa kakapa-print. Naubos rin ang oras ko sa computer shops. Pero hindi pa riyan nagtatapos ang kasiphayuan ng tadhana.

Sinurpresa ako ng birthday bash ng mga virus sa diskette kung saan naka-save ang thesis namin. Oo na, 2007 na noon at uso na ang flash drive. Pero nung mga panahon na iyon, sanay kaming gumawa ng apoy sa pinagkiskis na bato at sa pakiwari namin, mahal ang flash drive. Pinipilit kong magpakatatag noon dahil umiiyak na ‘yung thesis buddy ko. Mabuti na lang, may kalahati ng thesis namin na naka-save sa computer ng kaklase naming isa, pero hindi siya aabot sa oras ng pasahan kung gagawin namin ang kalahati kaya ang napagkasunduan: handwritten thesis.

Hindi ko na masasagot ang tanong kung saan at paano kami nakakuha ng kopya para isulat iyon lahat. Basta ang alam ko,  mangiyak-ngiyak ako na umuwi ng bahay dahil sobrang gabi na noon para sa isang high school student. Hiyang-hiya ako habang naglalakad nang nakapalda pa. Isa pa, ‘yung ang mga panahong pinagagalitan ako ng tatay ko dahil alas-sais ako lagi nang gabi umuuwi; quota na ako. Pero hindi naman ako napagalitan pag-uwi, pero naiiyak pa rin ako sa haba ng sinulat ko. Medyo lumamang kasi ‘yung thesis buddy ko kasi sa kanya ‘yung first part, sa akin napunta ‘yung body with matching footnotes pa kaya ang hirap magtantsa. Medyo nagmukhang sugatan ‘yung thesis ko sa dami ng maninipis na papel na patsi-patse  dahil sa mga mali kong mga naisulat. Oo, wala akong liquid paper. Pang-OC lang ‘yun.

Ang ending, napagbigyan kaming habulin ang thesis na typewritten kinabukasan. In short, walang silbi ‘yung pagpupuyat ko at pagka-cut ko ng first subject para tapusin iyon. Pero binati ako ng mga tao sa bahay namin ng happy birthday. Happy as ever.

16th, nagkaaway kami ng isa kong kaibigan. Di niya ako kinausap. Pero nagtext siya at nagsorry.

18th, nakapag-out ako sa mga pinsan ko. Sabi nga ni Ju, half of the battle was won! Nag-iinuman kami sa labas habang tila tinutulian ako, nang tawagin ako ng nanay ko sa loob ng kwarto at tinanong kung babae o lalake ang gusto ko. Hindi ko matandaan ang sagot.

Bilang debutante, hindi ako nakaligtas sa pambabalasubas. Nilagyan ako ng make-up at nagsuot ng pambabaeng damit. Masaya akong gumising kinabukasan hanggang sa marealize kong wala na akong pera.

19th, days before, nagpaikli na ako ng buhok to officially mark my manhood. Naks! O queerhood siguro. O lesbianhood. Kung ano man ang tawag mo run.

‘Yun na siguro ang kahuli-hulihan kong birthday na sinabi ko, hindi na ako magse-celebrate.

20th, nagpamanicure ako, ‘yung nude ang kulay. Wala lang, baklang-bakla lang ang pakiramdam ko. Naging tradisyon ko na siya tuwing birthday ko.

Sinurpresa ako ng friend-slash-crush ko ng surprise. Usapan kasi namin lalabas lang kami. Pero biglang dumating ‘yung closest friends namin. Akala ko noon, mababadtrip ako noon kasi isinama niya ‘yung jowa niya.

And how did I end it? Ayon, nanood ng porn videos. Actually, hindi nanood– nagbabad.

21st, lumabas kami ng pinsan ko at kaibigan namin na bading. Dahil ganap na binata na raw ako, punta raw kami sa beerhouse! Pero syempre, hindi pumayag ‘yung isa, kaya nauwi kami sa ibang chicks– grilled chicks ng Mang Inasal.

22nd, graduate na ako’t may trabaho na. Day off ko sana, pero pinasalo ako sa isang shoot dahil masama ang pakiramdam nung dapat na gagawa.

23rd, nabigyan ako ng memo kaugnay ng mga booked flights na hindi naayos.

24th, just went ordinary. Medyo iba pala ang feeling na sa pag-uwi mo, ordinaryong tao ka lang. Nawala pa sa piling ko ‘yung pinakamamahal kong phone dahil kinailangan ko siyang isangla, ilang araw bago ang birthday ko. After a week, natanggal ako sa trabaho.

So para sagutin ng diretso kung bakit hindi ko trip mag-celebrate? Ayoko kasi na maramdaman ko na espesyal na tao ako sa araw na iyon. Na dapat, walang sisira ng araw ko, wala akong makakasalubong na kupal, na hindi ako exempted sa realidad at responsibilidad. Ayokong manggaling sa ibang tao, sa planeta, sa bituin o kahit sa horoscope ko pa na araw ko ito. Ayokong manggaling sa tadhana at kapalaran na magiging smooth ang araw na iyon dahil hindi ko naman kontrolado lahat. Nagsisimula ang lahat ng ito sa pinaninidigan kong ayoko ng expectations at to think for the worst. Kung mababasa mo naman sa itaas, lagi naman akong napagtritripan ng kung sino man tuwing birthday ko.

Hindi ko sinasabing kamuhian ang happiness, pero gusto ko lang kasi na inaangkin ang araw ko, kasi araw ko ‘yun, na hindi ka tumatakas sa realidad. Kaya mas okay sa akin na batiin ako bago magtapos ang birthday ko
para maipaalala sa akin na isang beses sa isang taon, may isang araw akong inangkin.

Tsaka ewan ko, naiilang ako kapag binabati ako ng di malapit sa akin. Lalo na kapag hindi mo inaasahang kukulitin ka kung kailan ang birthday mo, mag-aabang ng alas-dose sa orasan. Tapos sa susunod na taon, mag-aabala ka oang regaluhan ka kahit tapos na ‘yung araw mo.

Siya siguro, ‘yung icing sa ibabaw ng birthday cake mo.

Advertisements

2 comments

  1. Leemi · Marso 15, 2016

    Happy Birthday.
    Hindi rin ako nagsicelebrate ng birthday. Nakahide ang birthdate ko sa fb at disable ang wallpost ko kapag ataw na yun para yung makakatanda lang sa araw ng bday ko talaga yung bumabati ny message or text or tawag. Basta maraminp namang way para ipaabot ang pagbati. At usually rin tulog ako maghapon, or busy sa trabaho o simpleng me time lang. Ganun ang kalimitang set up ng bday ko. Mag isa. Kahit nung elementary days ko, awkward sa kin na may occassion dahil sa ‘kin ahaha ewan. Pero next month siguro iba na. Mau kadate siguro ako nun πŸ’š

    Happy Birthday sa’yo. Ang haba ng koment ko pero lahat about sa kin hindi about sa posts ng bday mo ahaha. By the way I like the porn marathon on your 20th. Sana sa sunod may kasama ka na manood nun kahit hindi mo birthday πŸ˜‚πŸ™ˆ

    • Katingera · Marso 15, 2016

      Hahaha. Maraming salamat, pero halos mag-iisang buwan nang tapos ang birthday ko.

      At nakatulong naman ang pagshare mo about your birthdays. At least alam kong di ako nag-iisa. And yes, nakikita ko rin kung sino ang nakakaalala. Medyo pa-chicks ang dating pero maaappreciate mo.

      Sana kamo, mangyari sa tunay na buhay ang nasa porn videos. Lol.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s