In the Clothes Line

Unang-una, hindi ako magpapasalamat na napadayo ka rito sa blog ko. Ginusto mo naman ‘yan.

Pero sa lahat ng pinaka-ayoko, ay ang tradisyon ng pagpapakilala sa sarili. Kasi nga, ano namang paki mo kung mahigit dalawang dekada na akong nakikisukob sa kung kani-kaninong palda? Ano bang paki mo kung mula sa blue na palda noong elementarya, ay naging picnic cloth ito noong hayskul?

Marami nang ebolusyong pinagdaanan ang mga palda: mula sa laylayan nitong humihimod sa putik hanggang sa mga paldang humihimod sa libag sa singit. May maraming tupi, may hugis-lapis, may ‘wag lang matatabi sa traffic lights dahil mapagkakamalan mong pedestrian lane. Depende sa panahon, depende sa oras at lugar. Depende sa nagsusuot: ‘yung iba, Maria Clara; ‘yung iba, poste. May lalaking nagbibinata, may matandang naghahandaΒ  ng labakara at panghilod. ‘Yung iba, ginagawang pamunas ng suka, o isinasabit sa kawayan.

Dahil ang palda ay hindi lang pantakip ng ating pinaghulmahan. ‘Yung akin, hinubad ko’t ginawa kong kapa.

Wala kang pakialam.

14 comments

  1. akosizep · Oktubre 11, 2013

    Hmmmmm. Wala lang. πŸ˜€ Idol kita in terms of writing eh. :)) Ikaw na ang maghahasa saken di ba? πŸ™‚

  2. junrose kayle talabucon · Marso 29, 2013

    hmmmm. impressive ka! yun sinult mo para sakin tunay ba? sana one time mameet kita. πŸ™‚ salamat

    • katingera · Marso 31, 2013

      Hello po! Kindly check your gmail account. Maraming salamat! πŸ™‚

  3. theweirdapple · Hunyo 21, 2012

    Nakakatuwang basahin yung blog mo. Tas nang nalaman ko pang taga-PUP ka din, ay ang galing ^___^V Kapwa isko! πŸ™‚

    • katingera · Hulyo 11, 2012

      Hahaha! Salamat po! Mabuhay ang mga Iskolar ng Sirang Upuan! XD

  4. Big G · Enero 27, 2012

    Hindi ko alam kung bakit mo naisipang dalawin ang nasa kasuluk-sulukang lugar na ito sa monitor ng pc mo.

    Napadalaw ako dahil nag-iwan ka ng komento sa isa sa mga post ko! Hehe! Maraming salamat ho! Hehe! Mabuhay!

  5. Clare · Nobyembre 21, 2011

    pwde kita add sa fb? πŸ™‚

  6. cherry · Agosto 29, 2011

    hahaha gusto ko tlga lahat ng posts mo.. pede po b magrequest?? please???

    • katingera · Setyembre 2, 2011

      Wow. Thank you po ng sobra. πŸ™‚ Girl po ako, pero hindi po straight. =)). Pwede pong magrequest ang kaso po, medyo busy ako ngayon kaya baka malate po. πŸ™‚

  7. cherry · Hulyo 19, 2011

    haha ang ganda sana makgawa din ako ng blog na ksing ganda nito :)) simple pero maganda mejo funny pero i swear mgnda tlga :))

    • katingera · Hulyo 26, 2011

      Waw. maraming salamat po! Gawa ka na! πŸ™‚

      • cherry · Agosto 29, 2011

        mmm cge po ttry ko meron po ako sa facebook πŸ™‚ mga notes ko po πŸ™‚ mm girl k po b? hehehehe well ang galing mo… promise πŸ˜€ ge yn lng muna… ingats po :))

  8. EssaPayoyo · Pebrero 2, 2011

    teka teka, susubscribe ako sayo. may nagpromote sayo sa plurk eh πŸ™‚

    weeeet lang, magbaback read ako pag may time ako πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s