In the Clothes Line

Unang-una, hindi ako magpapasalamat na napadayo ka rito sa blog ko. Ginusto mo naman ‘yan.

Pero sa lahat ng pinaka-ayoko, ay ang tradisyon ng pagpapakilala sa sarili. Kasi nga, ano namang paki mo kung mahigit dalawang dekada na akong nakikisukob sa kung kani-kaninong palda? Ano bang paki mo kung mula sa blue na palda noong elementarya, ay naging picnic cloth ito noong hayskul?

Marami nang ebolusyong pinagdaanan ang mga palda: mula sa laylayan nitong humihimod sa putik hanggang sa mga paldang humihimod sa libag sa singit. May maraming tupi, may hugis-lapis, may ‘wag lang matatabi sa traffic lights dahil mapagkakamalan mong pedestrian lane. Depende sa panahon, depende sa oras at lugar. Depende sa nagsusuot: ‘yung iba, Maria Clara; ‘yung iba, poste. May lalaking nagbibinata, may matandang naghahandaΒ  ng labakara at panghilod. ‘Yung iba, ginagawang pamunas ng suka, o isinasabit sa kawayan.

Dahil ang palda ay hindi lang pantakip ng ating pinaghulmahan. ‘Yung akin, hinubad ko’t ginawa kong kapa.

Wala kang pakialam.

14 na mga thought (isipan) sa “In the Clothes Line

  1. Hindi ko alam kung bakit mo naisipang dalawin ang nasa kasuluk-sulukang lugar na ito sa monitor ng pc mo.

    Napadalaw ako dahil nag-iwan ka ng komento sa isa sa mga post ko! Hehe! Maraming salamat ho! Hehe! Mabuhay!

    1. Wow. Thank you po ng sobra. πŸ™‚ Girl po ako, pero hindi po straight. =)). Pwede pong magrequest ang kaso po, medyo busy ako ngayon kaya baka malate po. πŸ™‚

Mag-iwan ng tugon sa junrose kayle talabucon Pindutin ito para bawiin ang tugon.