Tibs 101 and Tibs FAQs

Disclaimer:

  1. Hindi ko po sinasabi na tama ang guide na ito. Point of view at opinyon lamang ito ng isang butch sa mundo ng mga straight Pinoys– base sa mga taong katulad niya na nakakasalamuha niya at nababase rin sa lipunan natin. Kung may ibang pananaw o corrections, ilagay lamang po ang kumpletong address at mobile number sa comment section at maghanda ng isang litrong Emperador Lights at isang balot ng kornik.
  2. Ang ibang opinyon na narito ay galing sa iba’t ibang miyembro ng LGBT na nauna nang nagsulat tungkol sa bagay na ito. Hindi ko po inaangkin lahat. Hindi ko na rin po maisa-isa ang credits pero nagpapasalamat ako sa inspirasyon. Dalawa sa mga ito ay si Shakira Sison at Libay Cantor. Salamat rin sa mga tao sa likod ng paboritong babasahin at Facebook Pages tulad ng Ketchup Magazine (na wala na ngayon), ang Pinoy FTM at Transman Pilipinas.

Tanggapin na natin: hindi pa tunay na tanggap ang LGBT sa Pilipinas. Mas magandang termino ang “tolerated”. Bakit? Kapag tinanong mo ang isang maybahay o jeepney driver kung tanggap nila ang mga bakla at tomboy, tatango ‘yan with matching quote reference pa ng My Husband’s Lover at The Richman’s Daughter. Pero subukan mong tanungin: paano po kung nag-make up bigla si Bartolome Jr? Baka katakut-takot na mura ang abutin mo.

Okay lang maging bakla, basta ikaw ang magbabayad ng tubig niyo. Okay lang maging tomboy, basta bigyan mo sila ng apo. Kung nagiging norm na na dapat may magandang kapalit ang pagiging homosexual, na kailangan mong sabihin na tibo ka kapag nagpapakilala ka, na dapat gwapo kang bakla at hindi mukhang kargador para pleasing sa mata, kung rated SPG ang mga LGBT shows at sa madaling-araw ipinapalabas, ibig sabihin ay hindi pa handa ang lipunan mo sa mga taong katulad mo. Bilang nagtrabaho rin ako sa media (telebisyon), may turn-off factor ang LGBTs sa masa. How ironic– karamihan sa matatalinong utak sa likod ng production na ‘yan ay ang mga ikinaka-turn off mo.

Pero huwag nating ikaila na kahit papano ay nagiging visible na tayo sa lipunan. Yes! Kita mo naman na sabik na sabik ang manonood kapag may nag-a-out sa reality show. Nakakapaglabas na rin tayo ng mga love story na may ganitong tema. Pero tuloy lang ang laban, hindi ba? Sagradong Katoliko man tayo, baka one day ay may makatanggap tayo ng rights na matagal na nating hangad. Katulad ng bansang Spain: majority ay Katoliko pero kinikilala ang same-sex marriage. ‘Yung bansang naging dahilan para maging relihiyoso tayo, naging bukas na ang palad para sa LGBTs.

O leche. Daming daldal! Ang gusto ko lang naman isulat eh, ‘yung mga usual na tanong ng mga straight sa mga tibs. Tibs lang muna, bilang ‘yan ang sakop ng kapangyarihan ko. Tibs ang ginamit kong termino dahil Pinoy style ‘to, parang bistek!

1. Ano ba ang iba’t ibang uri ng tibs?

Sa katunayan, ang “tomboy” ay nangangahulugang “babaeng boyish o rough” sa diksyonaryo. Check niyo pa. Una ko ‘tong nalaman nung high school, dahil sa akdang Little Women ni Louisa May Alcott. Ang isang character dito na si Josephine March ay inilarawan bilang “tomboy”. Medyo excited pa ako sa twist, pero ipinagtaka ko dahil walang nabanggit na nagka-crush man lang sa babae itong si Jo. Dun ko siya na-realize. Sa Pilipinas, sadyang na-translate na lang natin ang “tomboy” bilang tibo na mas partikular na tinutukoy ang “butch lesbians” o mga tomboy na lalaki kumilos. Pero ang tibo ay walang ibang pakahulugan kundi lesbian talaga.

Para sa ikabubuti mo, iisa-isahin ko na ang termino para sa mga babaeng lesbian. At oo, masdan mo ang isang set ng pinakamalaking crayon sa National Bookstore. Ganyan kami karami. Sa katunayan, noong unang beses na makapunta ako sa gathering ng mga tibs, na-culture shock ako.

Paunawa: ‘Wag po tayong maging sensitibo sa mga description. Patawa lamang po ang iba. At lahat ng iyan, ay may exemption.

Butch – tibs na lalaki kumilos at manamit. Sila ang makabagong knight and shining armor na magtatanong pa rin sa’yo kung may tagos sila. May mga uri pa ‘yan.

Hard Butch – tibs na butch na lalaking-lalaki kung kumilos. Kadalasan sila ‘yung nasa barbershop at nagsusuot ng binder dahil malaking sagabal ang hinaharap. Hindi sila nawawalan ng picture na umiihi sa male urinal. Marami sa kanila ay chubby (at malaki ang tiyan) dahil hindi naman sila ganoon ka-conscious sa katawan nila– maliban sa boobs.

Soft Butch – tibs na butch, pero mukhang malambot. Hindi ko sinasabing payatot, pero kaya pa nilang magsuot ng two-piece bikini kahit macho ang lakad. Nilalaliman lang boses kapag may chicks. Madalas na hanggang balikat ang haba ng buhok, o medium-length or nakapusod. Ang iba sa kanila ay out, ang iba ay hindi. Sa western, androgynous o chapstick ang tawag sa kanila.

Butching– Ako lang may gawa nitong kategoryang ito. Hahaha! Eto ‘yung pinaghalong butch at bading. Fluid in short. Parang tubig: minsan lalaking lalaki, pero natutuwa sa teddy bears at parukyano ng Ms. Universe.

Femme – Sila ‘yung mga babaing tibo. As in girly manamit, nagha-high heels, lahat, pambabae. Pero babae rin ang gusto. Pwedeng ang gusto nila ay butch, pwede rin namang katulad nilang femme. Sa Western folks, ang femme ay mas specific na butch ang gusto, habang lipstick lesbian naman ang tawag nila sa mga femme na femme rin ang gusto.

Blue – patagong term para sa mga butch lesbians, o ‘yung “lalaki” sa lesbian relationship.

Pink – term naman para sa femme lesbians

Sa pakiwari ko, naggaling ang terms na kulay-kulay sa exclusive schools for girls (o mga par, nagbigay na ako ng chick-hunting tip ah). Kadalasan ko kasi marinig ‘yan sa mga babaing galing ng exclusive school.

10885191_589033361228234_7398350808635203967_n
Ganito ka-cool magkaroon magkaroon ng boss na kapanalig mo. Hindi ko na kailangan mag-react pa. Haha!

Purple – hindi matukoy kung butch o femme talaga. Fluid. Androgynous (hindi lalaki, hindi babae, neutral).

Bi-Femme – eto ‘yung hindi pa malinaw sa akin. Hindi ko alam actually kung ang tinutukoy nito ay femme na pwede sa butch at kapwa femme; o femme na pwede sa lalaki at femme lesbian. Enlighten me.

Tandaan natin, na ang mga terms na ibinigay ko sa itaas ay pawang tumutukoy lamang sa “expression” ng isang tibs: pananamit, kilos, at kung paano nila ihayag ang kanilang sarili. Ito ang pa lang ang pinaka-basic para sa Pinoy norm. Kung isasama ko pa ang ibang lesbiana (western style), kailangan ko ng isang buong libro at isang buong buwan para magsulat. Hindi ito tumutukoy sa kung sino ang dapat nilang magustuhan. Kaya oo, tama ka, ang isang femme ay pwede rin sa isang femme (katulad ng nabanggit ko sa itaas) at ang isang butch ay pwede ring pumatol sa isang butch. Tandaan rin na mas kilala ng isang tibs ang sarili niya, kaya karapatan niya kung ano ang dapat itawag sa kanya. May hard butch na hanggang pwet ang haba ng buhok. May soft butch din na kalbo.

For more fun, you may use terms such as shibam, shiboli, lesbo, tibam.

*******

2. Paano malalaman kung “tibs” ang isang babae?

Base sa mga ipinaliwanag ko sa itaas, hindi lahat ng babaeng lalaki manamit ay tibs, at hindi rin lahat ng girly manamit ay straight (heterosexual). Hindi rin naman madaling malaman kung tibs nga ba ang babae dahil kumpara sa mga butch, hindi pa masyadong nasisinagan ng araw ang mga kapatid kong femme. Isang struggle rin sa isang butch kung paano malalaman kung ang tipo niyang chick ay katribo rin– dahil aminin, iba pa rin ang tunay na kadugo sa hindi.

May tinatawag po kaming gay-detecting device na gaydarHindi lamang po mga tibs ang nade-detect niyan, pati po mga beks! Mabibili po siya sa hardware stores nationwide! Bagsak-presyo na po!

Pero mga par, sa totoo lang, miski ako eh, hindi rin ganun kagaling kumilatis ng isang tibs, lalo kung femme. Pero eto lang ang ilang signos na maaaring katribu siya o hindi:

  • Galing ng exclusive school for girls – sa kadahilanang “exclusive” nga, kaya marami sa kanila ay gra-graduate ng tibs. Hindi ka pa masyadong hirap kasi miski femmes eh, alam na ang galawang tibs (katulad na lamang ng pinagsasasabi ko rito). Hindi man sila grumaduate na tibs, open sila sa mga kagaya natin– that’s half of the battle won!
  • Hindi masyadong interesado sa mga lalaki – mas nauuna pang lumingon sa’yo kapag may seksing dumaan sa tapat ninyo.
  • Kung butch ka, hindi lalaki ang tingin sa’yo – kasi nga, alam nila na babae ka talaga. Pwedeng batuk-batukan ka, o suntukin sa braso, pero willing silang bilhan ka ng napkin sa pinakamalapit na tindahan. And oops, baka kinikindatan ka na at pinagkagatan ng labi, hindi mo pa napapansin.
  • Kung lalaki ka, sasabihin niya sa’yo ng diretso – lalo na kung nanliligaw ka na.
  • Panganay – salamat sa bestfriend kong si Bulbasaur at narealize ko siya’t naalala. Sa isang conversation ko with thesis mate, napatanong siya sa’kin kung bakit karamihan ng panganay na babae ay tibs. Panganay ako; panganay si Bulbs at ang ate ng ka-thesis ko, at panganay si Ju na kaibigan ko. ‘Yung pinsan kong babae, hindi tibs ‘yun pero super boyish. Siguro, naging malakas ang mga babaing ito dahil sila ang head of the family, aside sa mga tatay nila. Wala silang pwedeng sandalan kundi mga sarili nila. Ako, isa sa mga dahilan kung bakit ako naging tibs, tingin kon ay dahil magiging “tatay” ako ng maaga. Hindi ako nagkamali.

Dahil kadalasan naman ng taong nakakasalamuha ko, straight o hindi, ay hindi homophobic, eto pa lamang ang tips na kaya kong ibigay sa ngayon. Kung tutuusin nga, hindi ko nalaman na tibs (femme) ‘yung boss ko kung hindi pa sinabi sa akin. At isa pa, hindi naman ako naglalaan ng sobrang panahon kung tibs nga ba ang isang babae o hindi– hinahayaan ko lang sila kung aamin o hindi. Walang kwenta ‘tong tanong na ‘to, in short.

*******

3. Kapag ba pumatol ka sa tibs, tibs ka na rin?

Noon, ‘yan ang paniniwala ko. Kasi kung nagkagusto ka sa tibs, malaki ang chance na may homosexual tendencies ka lang na hindi mo nakikita sa iyong sarili. O maaaring isa kang bisexual. Pero dahil sa friend kong beks, na-realize ko na hindi pala ganoon. ‘Yung kaibigan ko kasing ‘yun, halos lahat ng nagiging boyfriend eh, sa kanya unang nakakaranas ng homosexual relationship. Sabi niya noon, hindi ko sinasabing bakla siya; kung lalaki pa rin ang tingin niya sa sarili niya, e di go.

Para sagutin ko ng diretso ang tanong na ‘to: kung babae ang tingin mo sa isang tibs na magiging ka-relasyon mo, minahal at tinanggap ang pagka-Yin Yang ng kanyang sexuality, malakas ang posibilidad na i-welcome kita sa pamamagitan ng isang pajama party na rainbow ang bedsheet. Pero kung tingin mo sa partner mo ay opposite sex, malakas ang chance nasa tuwid na daan ka pa rin.

Madalas gamitin ang simile na kubyertos at chopsticks sa homo relationship: may isang lalaki, may isang babae kapag kutsara’t tinidor, pero sa katotohanan, chopsticks. ‘Yun kasi ang point ng tibs, o homo relationship– walang lalaki o babae, same poles attract, defying the magnet rule. Pero, kung ang isang tibs relationship ay binubuo ng isang butch at femme, obviously ay may lalake-babae, pero nakabase lamang ito sa role nila sa kanilang mga point of view.

Para naman sa parteng ikakikilig mo, tandaan mo lang ang nasabi ko na sa itaas: mas kilala natin ang sarili natin, kaya karapatan ng bawat isa kung paano niya dapat kilalanin ang kanyang sarili. Ang tibs ba, kapag nagpakasal sa lalaki, hindi na tibs? ‘Yung mga babae ba sa lesbian porns, lesbiyana talaga? Isipin mo.

Tanda ko, sa comment section ng isang online article, may nagsabing ang pagiging homo ay tulad ng isang magnanakaw sa grocery store: hindi pa siya magnanakaw kung hindi pa niya ginagawa. Oh, mga bata, ‘wag gagayahin ah! Alam nating magkaiba ang personalidad sa ethics, usapang legal o ng pagkulo ng sikmura.

*******

4. Ano ang pinagkaiba ng tibs na butch sa trans(men)?

Eto ‘yung tanong na kating-kati ako sagutin. Let the beast mode on!

  • Butch– katulad ng nabanggit ko sa itaas, sila ang masculine version ng mga tibs, ang kumakatawan ng L sa LGBT. Sila ay mga babae dahil may pepe, mga babae ang tingin sa sarili, sa puso at isip, pero lalaki kung manamit at magsalita. Pero babae ang kanilang gusto romantically at sexually. Sa medical term, o SOGIE:
    • Sexual Orientation – ito ‘yung nagugustuhan mo. Ang mga butch lesbian ay nagkakagusto sa babae.
    • Gender Identity – ito ay kung ano ang tingin mo sa sarili mo. Ang mga butch ay tanggap ang kanilang kasarian bilang babae pero..
    • Expression – lalaki sila kung manamit at kumilos.
  • Transmen/guys– kaiba sa mga butch, ang transmen ay ipinanganak na babae, pero sa isip at puso ay lalaki sila. Sila ang kumakatawan ng T sa LGBT na ang ibig sabihin ay transgender/sexual. Sa medical term, o SOGIE:
    • Sexual Orientation – ang isang transmen ay pwedeng magkagusto sa babae, o kapwa transmen, o lalaki.
    • Gender Identity – ang isang trans ay lalaki. Hindi sila pinanganak na lalaki pero sila ang mga taong naniniwala na maling katawan ang kanilang napasok.
    • Expression – masculine

Alam kong medyo nalihis ang topic na ito, pero kailangan ko parang i-discuss para ipaalam na hindi lahat ng poging babae, gustong maging lalake. Male pronouns dapat ang gamit sa mga trans. Para sa mas komprehensibong impormasyon, mangyari’y dalawin ang Pinoy FTM at Transman Pilipinas Facebook page.

*******

5. Ate ba o Kuya?

Para sa mga femme, o pink, obviously ay alam niyo naman siguro kung anong pronoun ang dapat gamitin. Pero sa mga butch? Teka.

Hindi na bago ang mga eksenang napagkakamalan akong lalaki: mula sa kalsada hanggang sa pinaka-iniilagaan kong lugar sa malls and establishments– comfort rooms. Hindi na bago sa’kin na ang sama ng titig sa’kin ng mga babae sa loob ng CR, tapos tatawa ng malakas, kaya minsan, hindi na ako makaihi ng walang kasama.

Kung nahihirapan kami na mag-fit in sa pakikitungo sa mga hindi namin kilala, naiintidihan kong hirap rin ang mga tao sa’min. Tulad ko na medyo hardcore na sa pagiging mukhang lalaki dahil hindi sa pagmamayabang, pero effortless ang kakisigan ko (‘wag kang umalma, blog ko ‘to!), palagi akong natatawag na kuya, pero mas gusto kong tinatawag na ate. May ilan din naman na kapag lalaking-lalaki rin at tinawag ng ate, maghahanap ng tropa ‘yan at hahamunin ka ng suntukan. May ilang ginagawang lalaki ang pangalan, meron namang hindi.

Katulad nga ng nasabi ko sa question #4, ang mga butch ay babae pa rin. Kaya hirap akong sagutin ang tanong ng nanay ng classmate ko nung college, nung tinanong niya ako kung babae ba ako. Hindi ko alam kung ang tinutukoy niya ba ang ‘yung nasa pagitan ng dalawang hita ko, o ang sekswalidad ko. So eto ang ilang tips:

  • Kapag tinanong mo ang isang butch kung babae ba siya, walang ibang isasagot ‘yan kundi opo dahil malinaw naman na ang tinutukoy mo ay ang genitals namin. You won’t ask the obvious di ba? So kung mukha kaming lalaki pero nagtanong ka pa rin, meaning ay gusto mo ng sagot na hindi mo naman nakikita.
  • Kaya kapag sinabi ng isang butch na babae po akotigilan ang kaka-assume na may pag-asa pa kaming pumatol sa lalaki. We’re talking about genitals here, bro.
  • Para sa mga obvious naman na soft butch, ate ang itawag mo.
  • Kung hindi ka sigurado sa isang hard butch kung anong preferred pronoun niya, pwede mo namang tawaging boss, brad, ‘tol o ang pinaka-safe sa lahat na turing din kuno ng ibang babae sa lalaking na-friendzone nila, kapatid. Pwede rin namang tawagin mo na lang sa pangalan niya.
  • Kung kailangang formal, idugtong ang Ms. sa surname. Wala nang palag ‘yan.
  • ‘Wag piliting mag-suot ng dress kung ayaw. Masyado nang malaki ang pata namin sa braso para ilabas pa.
  • Kung pangalang lalaki ng tropa mong tibs at tatambay lang naman kayo sa kanto, tawagin mo siya sa pangalang ‘yun.
  • Pinakahuli, walang masama kung didiretsuhin mo nang ano po itatawag ko sa inyo, ate o kuya? We’ll appreciate.

Oo, mukha kaming lalaki. Minsan may moment kami na sa loob ng isang oras na pagmumuni-muni, hindi rin namin naiiwasang itanong sa sarili namin kung paano kaya kung naging lalake ako? Kung lalaki ka, okay lang kung hindi ka maging gentleman. Kung babae ka, pwede kaming maging kargador mo. Matatanggap namin ang mga fist bump at kahit makipag-untugan pa ng dibdib na mala-pader. Pero, respeto lang bilang tao. ‘Walang hamunan ng pisikalan, especially sa guys, hindi dahil mas mahina ang katawan namin. Kasi alam naming hinahamon ninyo ang pagiging “lalaki” namin, at nakakainsulto ‘yun.

Tandaan: Hindi lahat ng butch tibs ay gustong maging lalaki. Dahil may mga babaeng mas piniling maging gwapo, kaysa maganda.

*******

6. Paano kayo makipag-sex?

Naknamputa! Excited marinig o! Ngiting aso! Teka, kelangan ko ng open-minded dito ha. Ipapangako ko na isusulat ko ito sa pinakamalinis na paraan na mas magiging malinis pa sa konsensya mo.

Well unang-una, kung naghahanap ka ng mapaglalabasan mo ng lahi mo sa mga oras na ito, hindi po erotica ang entry ko na ito. May Youjizz naman. O kaya ‘yung Ultimate Surrender. Bali mga babae ‘yun na magaala-Judo sa isang ring habang naka-two piece lang, mahuhubaran ng damit at

Na-bother lang ako sa tanong ng kaopisina ko: kung ang mga straight ay may iba’t ibang position, including top and bottom; ang beks ay may top and bottom rin pero mas partikular sa roles, and mga tibs naman ay may one way at two way.

One Way – parang kalsada, isa lang ang pwedeng dumaan. Sa mga tibs, isa lang ang gagawa at isa lang ang makakaraos. Usually, ang mga butch ang nasa lagay na ito (stone butch, remember.) dahil sila ‘yung lalaki at ewan ko, pero may ilang butch na pakiramdam eh, nababawasan ang pogi points kapag humahalinghing. Sa western, pillow ang tawag sa receiver.

Two Way – give and take! Parehas silang gagalaw para quits.

Ang klase ng pakikipagtalik na meron sa tibs relationship ay hindi kasi katulad ng nasa hetero at beks couple, na mas maraming skin contact. At kung hindi mo pa rin magets hanggang ngayon kung ano ang ginagawa o gamit nila sa absence ng espada, isipin mo kung papaano magsarli ang babae– kaiba nga lang ay may oral chorva para sa ultimate satisfaction. Basic pa lang ‘yan.

  • Paano nasasatisfy ang giver sa one way? – may nabasa ako na katulad ng isang chef, masaya siya kapag nakikitang “nasasarapan” sa pagkain ang kanyang customer. Malakas ang paniniwala ko na psychological ang orgasm ng giver rito.
  • So foreplay lang? Easy!- easy as you might think. Pero di ba, ang foreplay ay pagse-set lang naman ng mood ng partner mo for sexual intimacy? Ano na kasunod, climax? Orgasm? Foreplay pa rin ba ‘yun? Kung titignan, ang sex ng mga tibs ay foreplay na lumala at mas lumaki.
  • Paano kung first time ever mong makipag-ano, pero sa tibs, so virgin ka pa? Wala kasing t*** na involved di ba? Virginity is defined as state ng isang tao na hindi pa nakikipagtalik. Pwede na ngang mamangka at mangisda sa kwarto niyo dahil sa baha na idinulot mo, virgin ka pa rin? ‘Wag ganon men!
  • Gumagamit ba kayo ng sex toys? – may ilan siguro na gumagamit. Pero hindi nangangahulugan na kapag gumamit ng sex toys, specifically ay strap-on, ay nasa hetero relationship ka. Katulad ng nabanggit ko, walang masyadong skin contact ang mga tibs in bed, ultimo missionary *ehem* eh mahirap gawin. Kaya para sa akin, for more intimacy lang ang paggamit ng strap-on. Pati ba naman sex, kailangan may label?

Tips para sa mga straight na bago sa ganitong kalakaran:

  • Kung paano mo i-statisfy ang sarili mo, ganun rin ang gagawin sa’yo. Hindi ko prino-promote ang masturbation, pero ‘wag matakot mag-eksperimento sa katawan.
  • ‘Wag maliitin ang mga tibs pagdating sa ganyang larangan. Tandaan, homecourt advantage ang tawag diyan!
  • Makakatulong ang Google at Youjizz.
  • Maggupit ng kuko, please.

*******

Kung isa kang out, proud and loud tibs, malamang ay na-bore ka sa mga tanong na iyan. Para ito sa iilan na medyo kulang ng malalim na pagtingin sa mundo kong punum-puno ng rainbows and unicorns. Pero bago ako tuluyang mamaalam, eto ang ilang words of wisdom ng mga tibs, na hindi namin masabi minsan:

  • Porke lumapit- lapit sa’yo ang isang tibs, gusto ka na? ‘Wag magmaganda, lalo na kung hindi.
  • Mas malambot kami sa mga lalaki, kaya sorry sa mood swings.
  • Kung gusto mo ng lalaking clingy, ‘wag lalaki hanapin mo– tibs!
  • Pahiram ng dress mo, girl!
  • Hindi porke clingy kami, gusto ka na naming ibahay. Jusmiyo.
  • Tigilan na ang kakatawag sa’min ng Aiza at Charice.
  • Hindi lahat ng butch tibs, mataba.
  • Nilalabhan namin binder namin.
  • Kuya, ‘wag masyadong edgy ‘yung gupit. ‘Wag iklian ang patilya, Magmumukha akong siopao.
  • Hindi ako sasali ng That’s My Tomboy, audience lang.
  • Ano, dahil babae ako kaya hindi ko nagegets ‘yang paninigas ng t*** mo? Well, hindi ka rin kasi babae kaya hindi mo rin magegets ang feeling ng minamanyak. *pogi points goes to..*
  • Marunong lang ako magpigil kahit na-e-L na.
  • Doc, tanggalin ko lang po bra ko bago x-ray

Advertisements

Divine Maitland-Smith: Ang Darling Dude ng Cebu

Habang nagtitinda ako, na nakatuon ang mata at utak sa pagkwekwenta, ang tenga ko ay nakatuon sa TV. Walang mata ang tenga ko, ineng. Nakikinig lang ako sa PBB Unlimited dahil papasok na ang mga napiling mambulabog sa bahay n’ya.

At katulad nga nang kadalasang mangyari, nasa huli lagi ang SURPRESA.

Nung una kong marinig ang pangalan n’ya, na akala ko’y Kipay (sige na, ako na binging bastos) eh, parang wala lang. Pero nung sinabi ni Tony Gonzaga na isa siyang lesbian..

Lesbian..

LESBIAN.

..nagpalting ‘yung tenga ko, nag-init, nakalimutan ko ‘yung batang kumakatok at bumibili, nakalimutan ko ‘yung kwenta.

Tinalukuran ko ang mundo.

Ang kauna-unahang lesbian sa bahay ni Kuya!

Isa siyang tattoo artist from Cebu. Hanga lang ako sa kanya dahil sa bukod sa kagandahan n’ya, napaka-open n’ya sa pagiging tibo niya. Kaya dahil dun, natanggap s’ya ng kanyang mga magulang n’ya at ng mga tao sa paligid n’ya. Half-Filipino, half-british.  Natawa pa ako nung malaman kong mas eksperto s’ya mag-English at Bisata kaysa Tagalog. Ang cute siguro nung boses nya habang nagbibisaya tapos may accent. 🙂 *imagination* .20 years old. Isang taon lang ang tanda sa’kin pero feeling ko, ang matured na n’ya. Naramdaman kong napag-iwanan na ako ng panahon.

Nalimutan ko ang sugatan kong puso. Hahaha.

AT proud sa kanya ang kanyang girlfriend. Sos. Sino ba namang hindi?

 

*imagination ulit* 

Looks. Attitude. Lakas ng intensity! Magaling s’ya pumorma at may angas sa katawan. Sinasabi ng nakararaming may hawig s’ya kay Pink, pati kay Justin Bieber *noooooooo!*. Type ko din ang buhok n’ya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maimagine kung paano n’ya nadadala ang sarili n’ya na kahit lalaki, though not hard, na s’ya magdamit, lumalabas pa rin ‘yung ganda n’ya. PLUS pa ang pagiging tattoo artist. Hoot.

Kaya nga pati ata ‘yung mga lalaking housemate ni Kuya, naiinlove na sa kanya. Tss.

Sorry, Brad.

Marami nga lang naloka to the bones na femmes (effeminate tomboys) na nakita ko sa lesbian community ng makitang mas makapal pa ang foundation ni Ate. Nakakapag-two piece pa. Wagas ang rebelasyon ng cleavage. Ansey mo?

Sampol ba? 🙂

*tili*

And what I really love about her? ‘Yung willingness n’ya na mabago ang tingin ng society sa mga lesbian. Na hindi ito magiging hadlang sa buhay. Na hindi dapat nagpapakulong sa kung ano ang sinasabi ng nakararami na tama. Isang magandang advocay sa bahay ni Kuya. Isang malaking pagbabago.

Tony: What do you think is the biggest misconception about lesbians that you want to correct?

Divine my love: I think the biggest misconception is that lesbian shouldn’t be stereotyped into one genre.

Trulalu. Naalala ko tuloy ang pagiging bakla ko. Na kung bakit kahit cross dresser ako, mahal ko pa rin ang pagiging babae ko. Gusto ko tuloy pumasok sa bahay ni Kuya. Gusto kong mag-audition. Nakaka-inspire s’ya. Nakakataba ng baklang puso.

“I’m proud of my body. I just like girls”

At dahil sa kanya, bumalik ang sakit kong kamanyakan sa kapwa ko tomboy at ang ilang araw na pagmumuni-muni sa kisame bago matulog.

Eto pa.

Laaaaast naaa!

*droooooool

Gay, gayer, gayest

I am gay. Gayer than what you think.

Maangas ako minsan kumilos. Pati magsalita. Pati manamit. Lahat na. Pero katulad ng isang regalong nakabalot sa pink na wrapper na hindi pa nabubuksan, marami akong surpresa. Pwedeng buksan, pwedeng hindi. Pwedeng husgahan agad, pwedeng silipin muna.

Nung una ko naramdaman na hindi ako normal na babae, parang, gusto ko talagang maging guy. As in, may *insert picture of male sex organ here*, may katabing babae, ayun. I was color navy blue that time. Matigas, matikas. Lalaki. Pero, once na makilala mo pala ang sarili mo, mamahalin mo ‘yun. Kahit gaano ka pa kabakla. Bigla, isang araw, gusto kong maging babae talaga. Hindi yung kadalasang iniisip ng mga straight na sa lalaki na magkakagusto ah. EKIS tayo dun, mga kapatid. I mean, yung presence ng isang diyosa sa katawang lupa mo, ayun. Natumbok mo. Purplish pink na ang kulay ng lola mo. *imaginin mo ngayon kung anong itsura ng purplish pink :P*

Femme ba? Wit. Hindi ko kaya. Mahal ko pa rin ang mga panlalaking damit. Ang angas sa isip, salita at sa gawa. Pero, isang shade na naman ng kulay ang sumapi sa’kin. Hindi ko alam, rainbow na ata. Matapos akong bagyuhin ng napakaraming identity crisis, isa na akong BUTCHING (Butch+bading). Paano ko ba ito nadiskubre?

Ganito. Nabubuhay ako ngayon sa isang kulay-rosas na daigdig ng mga bakla, biacow, botomesa, top, drag queen, at samu’t saring kabadingan. Bakit? Maraming talaga sa mass communication courses, kahit saang unibersidad ka pa. Siguro dahil karamihan sa kanila ay maboka at magaling mag-English. *habang tinatayp ko ‘ito, nakikinig ako ng Run the World ni Beyonce. Ganda!* At isang araw, pumipilanik na ang mga daliri ko. Ang sumpa! Nag-ge-gay lingo na akesh! Itas ang syompa! Ang kilos ko! O may gawhd!

At sumali ako ng Pep squad, dahil gusto ko talaga since high school. Natakot lang ako sa palda. Wala naman talaga akong edge sa pagsali sa pep squad kundi kapal ng mukha na ilang taon ko ding inipon. Na-thrill din kasi ako sa palda at sa aking flesh *landi*. Aaminin ko na ‘yung isa pa: papansin kasi ako. Alam ko kasing talk-of-the-town ang pagsali ko dito. Hindi naman ako nabigo. Gusto ko lang patunayan na sa mundo ng mga bading na kumekembot pa, may isang shibuli na malakas ang loob na nakisali at nakipaghamunansa kanila. Babae. Ako iyon.

Pero, alam ko sa sarili ko, na hindi pa rin magbabago preference ko. Though nagkakacrush ako sa mga bakla din, hanggang dun na lang iyon.

At dahil nga doon, nasasabihan akong bakla. Okay lang. Ganun naman talaga. Hindi ako nagpapakulong sa kahon. Sa kahon na hindi naman sa akin kundi sa kanila.

And excuse me. BUTCHING PO.

Ano nga ba ang anatomy ng butching? Saan ito nagsimula?

Pinangalan ko talaga ito sa kaibigan kong itatago natin sa pangalang Bal. Inaamin niyang bakla siya. Feeling n’ya, bakla talaga siya.  Pero, sorry, tomboy siya :). Siya na ang umangkin ng pangalang iyon. Siya na.

Anatomy ng Butching

Sa ngayon, dalawa pa lang ang nakikita kong butching: Si Bal at ako. Kaya dalawang uri lang din ang mailalahad ko.

1. Diyosa- Eto nga si Bal. Drag queen. Babaeng-babae. Pero bakla kung kumilos at magsalita. Kadalasan, sinasabi nilang bakla sila, o butch na nagtatago sa feminine side nila.

2. Twinkle- Ako. Lalaki itsura, pati kilos minsan. Pero mas madalas pang mag-gay linggo kesa mag-po at opo. Pakiramdam nila, bakla sila. Nahihilig din sa girly stuffs pero lalaki pa din itsura. Hindi gustong magkaroon ng  *insert picture of male sex organ here*.

Gets n’yo ba? Haha. Then, what do these two have in common na wala sa tunay na tomboy at bakla? Well, bukod sa feeling nila ay bakla talaga sila *minus the dick, syempre* sila yung mga taong KUNG bibigyan nga chance na maging lalaki, kahit isang araw lang, imbis na mambuntis o mag-deposit ng sperm sa sperm bank para maisalba ang lahi, sila yung pipiliin na manlalake. In short, mapa-babae o lalaki sila biologically, homosexual talaga sila.

Magulo. Pero makulay.

I am gay. Gayer. Gayest among the colors of the rainbow.

Kingdom of Apples and Peaches

Due to the rising public demand (oo, 1 lang ang fan ko dati, nagmultiply na daw sya sa apat), magpopost ako ulit!

**ang trulalung intro**

Bilyon ang tao sa mundo, pero nahahati ito sa dalawang kasarian: lalaki at babae. Hindi ko alam kung saan nakuha ang Bro ang konseptong ito, kasi, hindi nga raw sya lalaki o babae, pero isa lang ang sigurado ko: isa ito sa pinakamatalino, at pinakamagandang nilikha nya sa mundo.

Pero alisin muna natin ang mga lalaki. Sa puntong ito ay wala akong pakialam sa kanila. Haha.

Pero syempre, mas matalino si Bro sa pagkakalikha nya sa mga babae. Hindi sila kasing lakas ng lalaki, hindi gaanong ka dominante, pero isipin mo na lang kung paano nagsisimula sa kanila ang buhay sa mundo. Ito ang pinakasukdulan ng kanilang powers over Adam.

Ilang bilyong taon na rin ang nakakalipas simula nang maisipan ito ng ating Ama. Nag-evovle na parang mga Pokemon ang mga babae. May iba’t ibang hitsura, kultura at pag-uugali.

At ngayon, iisa-isahin ko sila *nyahaha. Subok  lang naman. Kung tatanungin nyo ako kung bakit ito ang naisipan kong ipost, hindi ko din alam. Basta masaya to!

Reminder: The writer does not intend insult a person, a group of people, or a race.  All the information written below is based on the writer’s observation and imagination.

  • Campus Hottie- sila yung most popular pero konti lang ang lahi sa school. Bakit? oo na, sila na maganda, sexy, hot at mayaman. Crush ng bayan. Produkto ng beauty contest sa mga school. Dagdag pa dyan yung pangangarera nila sa kung saan-saang extra-curricular activities and kung anu-anong club para sumikat. At kasali sya kadalasan sa isang circle of friends na may julalay. Palagi rin silang bully sa mga nerds at transferees pero sipsip ng konti sa mga professors.

Headquarters: school campus, canteens, malls, lahat ng may maraming tao!

Anatomy: araw-araw, iba ang suot (pwera na lang kunga may uniform, syempre), high heels, branded ang damit, laging nakaayos. Vain. laging may make-up at pacute na nakakairita minsan.

Weapon: Make-up and charm

Attract them: ? Goodluck Pare! haha! You have to be gwapo, dude!              for girls: mamili ka: pretty, rich, o instant katulong?

Distract them: Madali lang. Umepal ka at agawan sila ng trono. Pag binully ka, i-pm mo ako. Wala lang, ipm mo lang.

Famous line: “C’mon girls! Let’s go shopping and make gala to Trinoma!”

  • Nerdy- mga shupampangang nilalang na kumakain ng libro at kabisado ang lahat ng laman nun. Bawat salita nila ay hindi mo alam kung saan nila hinugot. Ms. Know-it-all sila kahil talagang may alam sila. Sila din ang nagta-top sa klase at madalas na laman ng campus paper dahil sa mga achievements nila. Mamaru (nagmamarunong) ng konti. Subukan mong bilangin ang medals nila at hindi ko alam kung anong oras ka matatapos. Bestfriend nila ang mga librarian at kadalasan nilang kaaway ang mga campus crush.

Headquarters: Library at benches.

Anatomy: Eyeglasses (hindi talaga ito pwedeng mawala sa nerd). Weirdong pananamit na wala na sa uso minsan. Books. Messy hair. Malaking bag.

Attract them: Siguraduhin mo lang na may sense ang mga sinasabi mo dahil wala silang panahon makpag-gaguhan. Be smart at bawal boblaks. hahaha! Isa pang mas malaking goodluck dahil kahit wala na kayo sa skul, puro akads laman ng bibig nyan!

Distract them: Get poor grades!

Weapon: Ang kanilang overused na utak.

Famous Line: “Did you know that…*nago-google pa. wait!”

  • Ms. Sunshine- mga girls na parating happy-go-lucky. Yung tipong bahala na bukas. Most of them ay tamad. Bihira mag-kaboyfriend, puro crush lang. Life of the party. Mahilig sa biglaang lakad. Malakas magpatawa at tumawa. Malakas din mantrip kaya palaging may kaaway. Eto yung tipo ng klasmate na pag hindi tumawa sa gitna ng klase, boring ang buong araw mo. taga-salba sila ng mga prof na malakas ang topak.

Headquarters: Sa tabi-tabi lang.

Anatomy: Simple manamit, yung tipong tila kagigising lang sa kama.

Attract them: Tumawa ka sa jokes nila kahit korny. Kahit sila yung kadalasang ayaw ng korni pero di nila alam sa sarili nila na tinatawanan na ng madla ang kakornihan nila.

Distract them: Korni jokes ang kahinaan nila. Magpanisan kayo ng laway. Promise, hindi yan makakatagal!

Weapon: Ang matunog nilang tawa na babakat sa brain cells mo.

Famous Line: “Wahahahaha! Nyahahah! Bwahahaha!!! HEHEHEHE! *tama na guys, pagod na ako”.                       *-optional

  • Macho Baby- one of the boys. They hate barbie dolls, dolls, bahay-bahayan at kung anu-anong gawain o aktibidades  na pambabae. Hindi nila iyon linya. Kung bata pa, gusto nila laging makipag-hagaran, maglaro ng teks at jolens. Kung isa na itong grown-up, sa lalaki sya mahilig sumama. Bikes nad motorbikes ang hilig. Madalas nafo-fall sa mga bestfriend nila. Pero minsan, natutulayan sa pagkajombolits ang mga babaing ito.*welcome!

Headquarters: Sa kanto, kalsada, benches.

Anatomy: Maluluwag ang damit, Robin Padilla ang lakad, Walang kaayus-ayos. Kadalasang may mahabang buhok at cap.

Attract them: Be cool. Mejo umangas ka nang konti.

Distract them: Wala. Wag mo lang pansinin. Ma-pride sila kadalasan.  NEVER give them flowers ang chocolates kung ayaw mong pulutin sa basurahan mukha mo!

Weapon: Ang mapagpanggap nilang muscles na hindi naman talaga muscle.

Famous Line: “Mga p’re!”

  • The Holy One- Anak ng Diyos ang tawag sa kanila ng klasmeyt ko. Mababait silang tao na minsan, babatiin ka pag umaga. Ang feeling ko tuloy, pag nasobrahan sila ng dosage ng pagiging mabait, ay kukunin na sila ni Lord. Simple lamang sila mamuhay, mga kapatid. Hindi sila mahilig sa luho. Ang bawat salita nila ang Salita na rin ng Diyos na nagsisilbing tinapay na bumubuhay sa atin. Amen.

Headquarters: Sa mga christian organizations, church and fellowship

Anatomy: Define simple.

Attract them: Maging mabait ka lamang at iwasan mong tumubo ang iyong sungay at buntot. Pero wag ka naman masyadong panggap. letse ka!

Distract them: Sa panahon ngayon na laganap na ang tukso, maging isa ka sa kanila.

Weapon: Bible and smile.

Famous Line: “Ayon sa <insert book of the bible here> bersikulo <1 to infinity> chapter <1 to infinity>….”

  • Bitchesa- ang malinaw na kabaligtaran ng The Holy One. Hindi sa anak sila ng dyablo pero, sila ang liberated na Filipina. Sila yung tipong makati ang pu— wet na ang kulit-kulit! They know how to flirt and play with one’s heart. Medyo sila yung nasa mejo may kaya sa buhay. Kadalasan namang nakalambitin sa leeg o braso ng kung sinu-sinong lalaki. Syota ng bayan. Subukan mong maglakad sa kakalsadahan na kasama ang babaing ito at pagtitinginan kayo. Hindi dahil sa perfect couple kayo kundi ex pala yan ni Juan, ni Ramon, Eduardo, Alex, Justine at Mirasol.

Headquarters: bars and disco club!

Anatomy: pekpek shorts na mejo maganda ang dating, high heels, danggling earings, caked make-up, na color red kadalasan ang shade. Imperness sa mga babaing ito, matipid sa tela!

Attract them: Sakay ka sa flirting galore nila at sa mga hangouts

Distract them: Say this “I love you, ikaw ang buhay ko, ang pag-ibig ko…”

Weapon: Ang matindi nilang power na manseduce. Ingat!

Famous Line: “Hi! I’m <insert name of a girl here> with pretty eyes and cleavage. And you are? ” *napalunok.

  • Bebot- ang unica hija ng Bitchesa. Kadalasan silang mga highchool students or teenagers. Sila ang mga susunod sa yapak ng mga Bitchesa pagdating sa panlalalaki kung lalala ang kundisyon nila at hindi sila magpapacheck-up sa akin *bwahaha. Sila ang mas certified na syota ng bayan dahil mga bata pa nga, kaya subok ng subok sa pag-ibig. Basta gwapo. Try mo silang isama sa misa at aakalain mong napadpad kayo sa mall male pageant dahil sa kakaturo nya ng gwapo. Akala kasi nila, cool ang laging may syota. O kaya naman, sabay-sabay. Araw-araw may monthsary. Pwede ding matawag na bebot yung mga adult na pero pangkaraniwang tao lang.

Headquarters: Sa kanto. Andun sila after school until midnight

Anatomy: Pekpek shorts, mini skirt. Maarte din sil sa sa damit. Trip nilang magpanlakad na dress kahit bibili lang ng suka sa tindahan. Pero dahil ayaw ng nanay nila, hindi sila magmemeyk-up ng bongga. Lip gloss ang hindi pwedeng mawala sa kanila.

Attract them: Alam mo yung sa commercial ng Mcdo? yung dalawang pampam na babae na bumibili ng ays krim sa drive-thru? GANUN. ganun sila magpakyut. At effective din sa kanila yan.

Distract them: Magsungit ka sa kanila na parang mga tatay nila. O kaya ay magmistula kang heartbreaker na loverboy. nyahaha

Weapon: Ang maharot nilang tawa at pananalita.

Famous Line: “Uy, ang gwapo ni kuya oh!

  • Donya Consolacion– Ang mga babaing amoy ash tray ang bibig at nagpapatumba ng isang baldeng lambanog sa isang upuan. Past time nila ang majong at mga baraha o ang pambansang laro ng mga nanay– BINGO. Haharangin ka nila sa kalye at pasya- shot-in ka. Kung may oras pa sila sa pag-aasawa, mapalad ka sya, ngunt hindi rin ata. Mauuna kang mamatay  kung sa araw araw ay malalanghap mo ang usok galing sa mala-tambutso nyang bibig.’ Til death do us part ang drama nyo ng nabubulok nyang internal organs. Ang kinsenas mong sweldo ay mapupudpod sa sugal. Goodluck. Ngayon marahil, naitatanong mo sa sarili mo kung  bakit Donya Consolacion. Kung matatandaan nyo Sa Noli Me Tangere na sinulat ni Bossing Jose, si Donya Consolacion ay asawa ng alperes na isang babaing hindi nagdalaga.  Bakit? hindi pa man nya nararanasan kung gaano kainit sa singit ang napkin, ay nakuha na ang kanyang *uhmm.. ohh.. aaaahhh. Dinescribe sya ni Bossing sa pagkakaroon ng “kulay talong na labi” dahil sa tabako. Kung di nyo pa rin magets, tangina naman oh. Mag-high school ka ulit!

Headquarters: Saklaan, sa mga patay, o sa gilid ng tindahan.

Anatomy: Untidy na buhok, sa sando at shorts masaya na sila. May nakasalpak na yosi sa bibig. O minsan, may pinapasusong bata.

Attract them: Yayain mong uminom, at sabihin mo lahat ng problema mo. Matutulungan ka nila. Promise.

Distract them: Umiwas ka sa mga pagyaya nila sayo pag inalok ka. Pero umiwas ka din pag binanat ka nila ng shower nilang laway at gumagaralgal na boses *eww.

Weapon: Ang kanilang tibay laban sa amats at ubo.

Famous Line: TAGAAAAAY PAA! LASINGIN NYO KO MGA P*tang *na!

  • Amazona– Pinakamatalik na bestfriend, o pwedeng pinakamasamang kaaway ng mga Donya Consolacion. Pero madalas silang nagkakatalo sa ANGAS. Iyan yung tipong magsalita lang akala mo may rambol. Wag mong masiko ng konti, maninigaw. Tumataob ang mga lalaking may tatoo ng tatlong sisiw pag nakita sila. Kinatatakutan sila kahit ng mga tanod. Reyna ng kalye, at alagad nya ang mga tambay lalo sa pangongotong. Sinasakop nila ang daan pag naglalakad dahil pabukaka sila maglakad. Lakwatsera din sila, at masyadong kunsumido sa kanilang mga anak. Pero maswerte ka kahit papaano kung nanay mo to. Aba, wag lang nyang marinig na may namahid ng laway sayo, makakatikim ng mala-armalite na bunganga yang kaaway mo. Memoryado nila ang salitang kalye at palengke. Alam nila ang lahat ng mura sa mundo kahit anu pang lengguwahe nito. *naalala ko tuloy yung nanay na nagmura ng bullshit. e bisaya. kaya naging bolset. Tang ina, walang panama ang mga punyetang debaters na galing pa sa nabubulok na top universities pag nakipagdebate dito. Tama sila kung tama. Puta, wag ka nang kumontra kung ayaw mo sumabog mukha mo.

Headquarters: Kalye at palengke.

Anatomy: Malalaki ang katawan, brusko. Maluluwag ang damit na kadalasan ay sumusungaw na ang kanilang dibdib with matching kukirikapu*. Minsan, may salpak na yosi sa bibig.

Attract them: Subukan mong maging isa sa mga galamay nya: TAMBAY.

Distract them: Siguraduhin mong mas mabaho ang tabas ng bibig mo sa kanya. Ang hindi makagets nito, ibibitin ko patiwarik.

Weapon: Ang parte na katawan nila na kanila nang buhay: bunganga. Take note: BUNGANGA at hindi bibig.

Famous Line: “#@$%^&*! ANOOO BA YAN! NAK NG !*&^ ¿%! OO!

*kukirikapu- alam ko hinihintay mo ito. ito yung singit sa ilalim ng boobs pag lawlaw na. amoy pulbos yan, wag kayong mga-alala. pawisin nga lang!

  • Barbie Dolls– Mga kikay-ever nating friendship na minsan, minsan lang naman, masarap ibaon ng buhay kapag nasobrahan. Mahilig silang magbungkal, mangalikot, mag eksperimento ng mga maliliit na bagay (oo, hindi lang jewelries, kahit ano na minsan) na pwede nilang isabit sa katawan nila. Makulay ang buhay. Tadtad ng sanrio at clips ang buhok kaya mukha nang nagtatae ng ipit ang anit nila. They talk like conyo, you know, that super-arte and taglish na language. They make papansin always sa mga boys, pag gusto nila. Suki sila ng mga fake eyelashes at beauty parlors. Nahati ang barbie dolls sa dalawa 1. Ang mga batang barbie dolls (13 below) ay nagpipilit mag-make up kahit kendi na color red lang nagsisilbi nilang lipstick. Number one fan ng Hanna Mungtanga Monatana at High School Musical. Sila yung mga future Campus Hottie kung wala silang balak umalis sa playful at girly nilang mundo. 2.Pag tumanda, ayan, mala-beauty queen sila. Narcissistic. Pakiramdam nila na anak sila ng mga diyosa at engkantada dahil naniniwala sila na kaunti, o kung grumabe ang sakit sa pag-iisip, sila lang ang pinakamaganda at seksing hayop sa Kingdom Animalia.

Headquarters: Parlors, o sa kwarto lang nila, ginugugol ang kalahati ng kanilang buhay sa pag-rereconstruct ng mukha.

Anatomy: Pink and purple defines them. Fitted at medyo seksi pero wholesome manamit. Minsan ansarap dilaan dahil mukhang lollipop. Hala sige, kahit maitim, nagsusuot ng damit na lively ang kulay kahit magmukha na silang glow in the dark. At ang bestfriend nila: si HELLO KITTY, hanggang pumanaw.

Attract them: Be the sweetest guy on earth. Makukuha sa roses, chocolates, stuffed toys, at cheesy pick-up lines. Pero mas maganda kung sa Sanrio ka bibili. Goodluck.

Distract them: Trash talk! Gamitin mo ang kapangyarihan ni Macho Baby!

Weapon: Ang malakas nilang Flower Power at matamis nilang cologne *eww.

Famous Line: “Maganda/cute ba ako?” o icopy paste mo yung linya ng mga Campus Hottie.

  • Voodoo Dolls– Kung matamis ang porma ng mga Varbie, este, Barbie, eto naman ay medyo weird at scary. Rakista, punkista, emo, goth, metal, mangkukulam o mambabarang o kung sino pa mang babaing nakaporma na ASTIG ay pasok dito. Sila ang natitirang mapagpanggap na bampira sa mundo. Hard core sila tignan, kaya karamihan ay boyish. Para silang isang maliit na tuldok sa dagat ng mga tao kung pupunta sila sa Edsa o Makati dahil kahit tirik ang araw, nakablack. Kahit buhay pa ang tatay nila, nakablack. Butas ang kanilang mga balat sa dami ng pierciengs. O kung lumala pa, masisilaw ka sa neon green, red o blue nilang buhok. Pag nagsama-sama sila sa tirik na araw, aakalain mong araw na ng paghuhukom. Music is their passion, especially yung maiingay. AYAW nila sa mga local singers natin na bumibirit, o kumukulot ang boses. Nangangaliskis sila sa mga kanta ni Bieber. Ang isang ulirang ate, pag nagloko, ito ang kakalabasan: black sheep. Produkto sila ng mga banda, alam nila kung paano tugtugin ang karamihan ng musical instruments. Pero kadalasan, sila ang lead vocalist na may nakakatakot na boses. bwahaha. *tawang galing sa kubeta. Most of them are poetic and artistic.

Headquarters: Underground, battle of the bands, concerts ng mga banda. Pero bawal tanga. Wala sila sa bars kung saan nandoon sina Nyoy Volante.
Anatomy: BLACK with silver accents. Or checkered. Akala mong lagi silang nasusunugan sa kapal ng eyeliner nila. Black ang kulay ng kuko. Makakapal din ang trip nilang attire kahit tagaktak na ng pawis. At syempre, ang best asset: BANGS!

Attract them: Sakyan mo lang ang mga trip nila, yun kasi madalas nilang ugali. Tropa-tropa lang. Tapos pag lasing na, tsaka ka gumapang. JOWK! Dapat kabisado mo ang listahan ng mga sikat, laos, pasikat at mga pausbong na banda. Magsalita ka na parang taga-kanto lang.

Distract them: Mamatay sila pag kinulong sa bahay. Pero si Justine Bieber talaga ang weakness nila.

Weapon: Ang kanilang kaastigan at kaangasan. Lahat ng babangga, ay magigiba.

Famous Line: “Uy. Astig!” o kaya “<wala kang maririnig dahil sa ingay ng kanta sa paligid mo.>” nakamute.

  • Maria Clara- ang mga natitirang dalagang Filipina sa lupain ng Pilipinas. Mahinhin, konserbatibo, payak at pino kung magsalita at kumilos. Bihira sila mayaya sa gimickan. Mas malupit sila kay Cinderella dahil dapat ay maunahan nila ang araw sa pag-uwi ng bahay. Family -oriented. Buong lovelife nya ay alam ng pamilya nya. Taong-bahay, isang mabuting ilaw ng tahanan sa darating na panahon. Bihira sila, o hindi talaga, mariringgang magmura. Believes in fairy tales, Mr. Right, love at first sight, destiny and forever. Pocketbook readers, kaya mala-pocketbook din ang tingin nila sa bawat love story. Sila ang prinsesa, at hinahanap ng kanilang mga prinsipe.

Headquarters: Bahay at school lang. Sa mga probinsya at liblib na lupain sila naglulungga.

Anatomy: Simple lang sila manamit. Ekis ang mini skirt at pekpek shorts, sando at tokong pa minsan. Makikinis sila, masustansya ba. *drool. Pero yung mga nakapalda pang mahaba, sa probinsya yun. Pero paalala: Lahat ng nakapaldang mahaba sa probinsya ay totoong Maria Clara sa umaga, pero ayon sa akin, kalahati sa kanila ay mga nagdadalagang manananggal at tikbalang kapag gabi. *dugo, laman-loob. breaded isaw at betamaks naman.

Attract them: Matuto kang magsibak ng kahoy, mag-uling, manghuli ng pato, mag-igib ng tubig, maglaba at mamanlantsa kung gusto mong pumorma. bawal malandi at maarte.

Distract them: Kung mahirap silang akitin, madali silang madismaya. Isang banat ng green joke, lalayo na yan. O ang malagkit mong tingin.

Weapon: Yung sobrang pakipot mataray at pagiging choosy nila.

Famous Line: *ngiti.

  • Corporate Chiq– Career-oriented women. Naniniwala sila na ipinanganak sila upang magtrabaho, sumikat at kumita. Mataas ang tingin sa kanila ng mga tao, edukada kumilos at magsalita. OC sila kadalasan. Sad to say, mahina ang kanilang immunity dahil sa sobrang linis nila ay mamamatay ang germs sa katawan nila. Ang kalahati ng buhay nila ay nakalaan sa order at rules, pag ginulo mo iyon, gugunawin nila ang mundo mo. Karamihan sa kanila ay cougars *hooooot, office girls. Sobrang mabango sila sa ilong at paningin. Ayaw nila magkaroon ng masamang image, kahit tuldok. Minsan, pag nasobrahan, mukha ng losyang. Pero dahil nga mayaman sila, napapanatili nila ang ganda nila. Bukod sa tomboy, sila ang may walang pakinabang ang matres. Pinatunayan nila na hindi lahat ng babae ay isinilang para magsilang ulit.

Headquarters: Office. office, at sa opisina. Or coffee shops.

Anatomy: Smart casual or corporate attire. Fixed hair and make-up. Pero hindi na nila minsan maitago ang wrinkles dahil sa pagiging workaholic.

Attract them: Be smart and casual. Speak in english at all times or else pay 1 peso *elementary?

Distract them: Burara at clumsy na mga tao ang weakness nila. Pati yung mga junga at absent-minded.

Weapon: Yung aura nila na pag nakasalubong mo sila sa daan, titiklop ka. Dominante.

Famous Line: <tangina, kayo na mag-isip! *nosebleed>

  • Babakling- Ang mga babaing bakla, in short. Sa dalas ng pakikipag-kaibigan nila sa mga bakla, hindi mo na maikumpara na babae sya dahil mukha na syang transexual na produkto ng Japan. Sila ang rumeresbak pag inaaway sila ang mga friends nila ng kani-kanilang fafa. Naaakit sila sa mga bayoot. Nag-uumpugan ang kanilang malalaking muscles, boobs at legs kadalasan. Naniniwala sila na sila’y mga lalaking isinalaksak sa katawan ng babae. Mos of them ay Bobita jones (maganda, seksi, pero waley ang brain)  Stand-out at solid magpatawa, titigas panga mo. Malakas din silang mang-alaska at powertrip, manlait at mabunganga. Maarte sila sa katawan at make-up. Pero most of them, panalo sa biritan.

Headquarters: Comedy bars, clubs. Sa puso ng mga

Anatomy: Malalaking tao, seksi manamit, magaslaw gumalaw. Mahilig manghampas at makipaglandian. Mahilig sa samu’t saring green jokes.

Attract them:Panggap kang bakla. Bilis! Ahitin ko kilay mo you want?

Distract them: Pikutin pikunin mo sila. Ewan kung manalo ka. At mahihirapan kang gawin yun. Pero sa dalas kong makasama sila, eto ibubulong ko. *lapit, lapit pa. patayin mo sya sa boredom.

Weapon: ang malupit nilang pag-ge-gay linngo.

Famous Line: Bakla! Ayun ang fafa! Gora na chi!

  • Anak ng Ina- Inang Pilipinas. Mga babaing aktibista. Sila ang nagpapatunay na tunay nang malaya at makapangyarihan. Matatapang sila at agresibo sa pananalita. Most of them are journalists, broadcasters and columnists. Sumibol sila noong panahon ni Marcos. Best debaters. Sabog ang utak mo pag nagpaturo ka ng history. Palaban at kinikilala ang karapatan ng bawat isa.

Headquarters: Rally, o sa bundok kung naging militante na.

Anatomy: Tipikal  na Filipina. Morena. Wala silang panahon sa pagiging vain.

Attract them: Makinig ka lang sa kanila. Iabsorb mo lahat! Politics and government favorite topic nila sa usapan. O basta kamukha mo si Karl Marx.

Distract them: Ang isang Campus Hottie o Barbie doll na mahilig sa maluhong pamumuhay.

Weapon: Ang kanilang masidhing pagmamahal sa inang bayan at pagiging authoritative.

Famous Line: <nosebleed sa kalaliman ng tagalog.>

  • Shumbolina– tomboy in short. Nalalanasan sa itlog, allergic sa*teka, may bata akong katabi. May tatlong uri ang mga ito: 1. butch- define tomboy in a homophobic’s point of view: lalaking lalaki. 2. femme- yung girly-girl na tomboy. kung mahina ang radar mo sa mga tomboy ay mahihirapan kang maamoy ang mga babaing ito. 3. bayot- silahis. kahit may katabing lalaki sa kama, nanunungkit pa rin ng panty ng kapitbahay. Unti-unti na rin silang lumalabas sa mga lungga at nagiging asensado na. Nagkakasundo ang tatlo to sa dalawang adhikain lamang: UNA- magparami kahit hindi nanganganak. PANGALAWA- mang-hunting at kumain kapwa babae!

Headquarters: Malate, o sa kung saan. Sa closet yung mga hindi pa out.

Anatomy: 1. butch- lalaki gupit, kilos, ugali, pananamit– LAHAT! pwera sex organs. 2. femme/bayot- nakasalamin na mahilig sa purple girly ang porma. skinny jeans, shirt. pero cowboy kumilos. ayan, may hint ka na!

Attract them: Basta girl ka, pasok ka sa banga!

Distract them: LALAKI.

Famous line: *titigan mo lang.

  • Juliet- Ang pinakalaganap sa lahat at pinakaespesyal sa kingdom na ito. What women don’t realize is that all of them are Juliet sa mga puso ng Romeo nila. Pwedeng Juliet ka ng jowa mo, asawa, first love, one great love mo, tatay o kuya mo, bespren, nung kabit mo, nung customer mo last night, o hardinero mo, o yung magbabalot na sinosobrahan ang suka at asin sayo kasi crush ka pala. Ito yung mga babaing special sa puso natin. Kung sino man ang Romeo mo, hindi ko alam. Hindi naman kailangang romanticall- involved kayo. Maaaring hindi nya rin alam na sya pala ay isang Romeo, pero sila yung mga taong parte na ng buhay natin, yung savior natin pag may kaaway tayo, yung nagagawa tayong patawanin kahit bwisit ka na sa mundo, yung alam mong mahal tayo and most of all, bigay sila ni Bro. Hindi pwedeng wala kang Romeo. Hindi ka naman pigsa na basta na lang tumubo, nagtubig, tumalsik sa medyas kaya ka nabuo. Hindi lang basta nabuhay si Romeo at Juliet sa libro ni Shakespeare o sa kanta ni Taylor Swift. Nagmultiply sila into billions, existed in modern times, na may kanya-kanyang istorya. Siguro ayaw mo maniwala. Isipin mo na lang: malilikha ba nila yun kung sila mismo ay walang Romeo o Juliet sa buhay nila? Kung sino man ang Juliet ni pareng William ay huwag na nating uriratin. Huwag kang tsimosa.

Headquarters: sa puso ng mga Romeo. *naks

Anatomy: A woman with heart and soul.

Attract them: Meron ka na, hanapin mo lang.

Distract them: You can’t. I’m telling you. 🙂

Weapon: yung heart-warming kisses and hugs!

Famous line: Just look into her eyes and you’ll know what’s inside her heart.

Basta ako, may Juliet. Ang pinagkaiba lang namin sa iba, parehas kaming may female genitalia. HAHAHA! 🙂

Hindi ako bakla!

Sa puntong ito, tatanggalin ko muna ang pagiging discreet ko at magiging open sa aking sarili.

You can be called a lesbian if you’re emotionally and sexually attracted to females or same sex. Same as to gay men. Eh ano ang itatawag natin sa tomboy na mas lalaki pa sa tatay nya at biglang magkakakrassss sa les din?

Ang tae talaga. Wala naman sigurong masama dun. Homosexual nga eh. I’m interested in butch-to-femme* relationship, but I’m open to the idea that i might fell in love with a butch din. super soft butch lang naman ako. Dahil hindi naman ako homophobic At babae pa rin. Marupok.

At kung bakit ko ito nsabi, well, isang tigasing butch lang nman ang napagpantasyahan ko. Pero bago yun, sasabihan ko muna yung mas nauna kong pagpantasyahan.

Itago na lang natin sya sa pangalang Kylie (sige, itago mo pa.). Nung una ko syang makita, kala ko talaga, lalaki yun. Tinawag ko pang kuya. LOL. Gwapings na gwapings ako dito. (gwapings kasi ang kadalasang word na gamit ng isang astig upang tukuyin ang gwapo, para nga naman hindi baklang-bakla pakinggan). Idol kumbaga. Nakadagdag pa sa kapogian (pogi, mejo pambakla na) ang maputi nya complexion at malinis na gupit ng buhok, yung tipong always humahalimuyak (konyo?) kahit wet na wet na sa pawis. Out pa sya sa kanyang pamilya, kaya ang gwapo (gwapo: nababakla na) lalo. Nakakatuwa pang isipin na kadalasan, chicks pa ang gumagawa ng move. Very sweet pa. At ang wafu (wafu: MALANDING BAKLA!) n’ya na nun!

At dahil dito, naging open na ako sa posibilidad na ang pagnanasa ko’y hindi nagtatapos sa mga babae lang, pati rin pala sa mga tomboy.

Pero, may mas hihigit pa pala sa kanya. Panoorin nyo to.

O siguro, matagal nyo na itong napanood. Sikat na kasi.

NGAYON malamang sa alamang, alam nyo na ang dahilan kung bakit ko ito nai-post. At kung sino ang mas nakahigit sa kinababaklaan kong si Kylie (yung nasa taas. ayoko ng banggitin ang pangalan nya’t baka hindi ako makalabas ng buhay sa campus).

Hindi ko alam kung insecurities lang ba itong nararamdaman ko, dahil di ako out, isang simpleng mammal na hindi man biniyayaan ng kagwapingan eh, pinagpala naman sa kabaitan. Patas talaga ang Diyos. Pangarap ko rin kasi ang kumanta on stage, pakiligin ang nanlalamig na buto ng masa, at umuwi sila sa bahay na yakap ang kanilang mga asawa. Boses-lalaki kasi ako, at nahihiya ako dahil dun. Hindi ko naman sinabing magaling akong kumanta, ang akin lang, ay mamaximize ko yung kahit kapiranggot na latak ng kagandahan (kung meron man) na kayang ilabas ng aking boses.

Unang kita ko pa lang sa kanya, naamoy ko na na iisa ang daluyan ng aming mga dugo. Nagulat na lang ako nang marinig ang boses nyang dinaig pa ang karamihan ng lalaking singer. Habang kumakanta sya, tinangay nya ang kaluluwa ko, nag flag ceremony ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Sa chorus ko nga lang napansing Wonderful Tonight pala ang kinakanta nya, dahil natulala ako.

Dahil sa kanya, nahilig ako sa acoustic band. Iniwan ko na ang maingay na musika ng metal na galing pang underground. Kinalimutan ko na ang drums at electric guitar. Because of her, I want to play a guitar, and learn how to play keyboards. Gusto kong magsulat ng kanta hanggang sa maubos na ang tinta ng bolpen ko.

Nung mga panahong una kong nakilala ang band nila, ay ang mga panahong kailan ko ng kakapitan, nauubos na ang tawa at kumukupas na ang ngiti. Yung kanta nila ang nagbigay ng pag-asa.

Isang saludo nga pala sa piyanista nila. Dahil sa kanya, nalaman kong blessed ako. At wala talagang imposible pag naniwala ka.

Inlove? Hindi. KRAS LANG

Teka, bago ko malimutan, tignan nyo to.

Ang wafu, di ba? LOL! 😀

*butch- tomboy damit lalaki, kilos-lalaki, lahat lalaki, pwera ang sex organs     . femme- tomboy na mapagpanggap. babaeng-babae pero babae din ang gusto.

Ang Bagong Blog

Matagal-tagal din ata akong hindi nakapag-blog. It’s been a year. Kinalimutan ko na yung blog ko last time. About college life. Wala na akong ikwekwentong kagaguhan sa inyo, mga tao. Kaya para sa mga sumusubay ng blog ko kung paano mag-drop ng subject, o magcut ng klase, mameke ng pirma o gumawa ng project 1 oras bago ang pasahan, sorry to say,pero nag-aaral na ako ng mabuti. For a change.

Pero hindi ibig sabihin nun ay wala nang natirang latak ng pagiging BI ko. Mabait lang ako sa mga mata ng professors, pero sa mata ng sambayanang Pilipino, walang nagbago sa katingerang una ninyong nakilala.

May isang bagay lang na nawawala sa blog ko nung una. Isang bagay na malaking isyu sa akin na hindi ko nasabi noon pa. na dapat ay sinabi ko sa blogssss ko. Bagay na hindi ko nasabi dahil nakasunod ang mga kalasmeyt ko.

I am Lesbian. Period.

Sorry naman, dun sa mga taong umasang akala nila, sadyang pinanganak lang akong pinitik-pitik ang hita ko kaya bukaka ako maglakad, o kinalabit ang vocal chords kaya lumuwag at naging boses lalaki. Sorry. Matagal ko na itong dapat sinabi. Pero natatakot akong masira ang pangalan ng aming angkan sa kanilang lunggaan, ma-showbiz at gisahin ni Boy Abunda.

Sa katukayo ko, sana straight ka. H’wag mo nang dagdagan ang mga jombolits na kapangalan natin ha?

Kung naitatanong nyo kung ba’t bigla akong nag-blog, simple lang: may isang babaing makulit na namimilit sa aking magblog. Pabulong-bulong animo’y konsensya ko, (kaya nga BI. LOL) Magblog ka na… Magblog ka na… (repeat 10 times) dahil gusto nyang me makakasama sa wordpress. haha. Itatago na lang natin sya sa pangalang nyang Juliet. lol. Juliet, if you’re reading this, you won against my brain. (mga kapatid, taga-ibang lupalop sya, at hindi sya  nakakaintindi ng lengguwahe ng mga mortal. lol)

Isang pag-amin, na dito nyo lang narinig. Kay Katingera, mula sa bundok ng Tralala.