███████████████ ████████! [ʙʟᴏᴄᴋᴇᴅ.] (ʀᴀ ɴᴏ. 10175/Cybercrime Law)

30 minutes left. At mabubusalan na ang aking malaking bunganga.

Hindi ko alam kung ano’ng brand ng katol ang natira ng mga senador at kung bakit nila ipinatupad ang kalokohang batas na ito: Cybercrime Law.

Tunay ngang sa pag-unlad ng makabagong teknolohiya, nawawalan tayo ng moralidad. Paano? Nagkalat ang porn sites. Libre murahin ang artista. Okay lang babuyin ang picture ni Kongresman kasi baboy naman talaga s’ya. Halang nga siguro ang kaluluwa ng netizens, itinodo ko na ang pinakapangit na pang-uri.

Ngunit hindi lahat. Hindi sapat.

Para malaman mo ang nilalaman ng cyberekekchoracvay na ito, ito ang link: http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/

At para malaman mo ang masamang dulot nito sa ating freedom of expression: 

At ako’y mawawalang ng trabaho. Hindi na ako makakapam-bully. How boring.

At para malamn mo rin kung sino ang mga HINDI MO DAPAT IBOTO sa 2013

Simple lang. Sabihan mo akong pangit. Kakasuhan kita. Itatampal ko sa maaligasgas  mong mukha ang Rep. Act no. 10175.

30 minutes. Ipapatupad na ag batas. Itetext ko na lang  kayo ng mga ipopost ko sa blog ko.

Kasi, hindi pa sa 30 minuto nagtatapos ang lahat.

Advertisements

Taste of Sourcasm: Maikli Pa Ang Kumot

Dahil sa request ng isa kong makulit na kaibigan (peace, Ju! :p), ipo-post ko ang kauna-unahan kong column na nai-publish sa aming dyaryo. Oo, record-breaking. Nakatatak na sa kasaysayan. Kung may reklamo man kayo, isumbong n’yo kay Tulfo.

Nakakatuwa lang, dahil kaiba sa mga straight news na naisulat ko’t na-i-publish, parang pinakita mo na rin ang iyong pagkatao sa madla kapag column mo ang nakita sa dyaryo.

At nagpakatao ako.

Eto na. Game.

—–

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Teka. Gusto mo ba talaga basahin?

Game.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

——–

 

Binigyan lamang ako ng tatlumpung minuto upang bumuo ng ideya at magsulat…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Saglit. *ehem*

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ayan, nasubok ko na ang iyong pasensya. Eto na talaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

——-

Binigyan lamang ako ng tatlumpung minuto upang bumuo ng ideya at magsulat.

Hindi iyon madali para sa’kin. Ngayon pa lang bumabalik ang ulirat ko mula sa halos tatlong araw na paglalamay sa aking thesis. Wala rin akong buong loob ngayon upang magpahayag ng paninindigan sa mga isyung bumabagabag sa’kin; maliban na lamang sa napakababaw na isyung lumalaganap sa Twitter.

Pero siguro, sapat na ang buwan ng Marso upang mag-paalala sa’kin ng isang bagay na mas malabo pa sa tubig-kanal na makukuha ko: ang Pagtatapos.

Nag-iiba ang inog ng mundo ng isang estudyante pagtunton niya ng kolehiyo. Hindi dahil sa oras ng pasok at pag-uwi, sa nilalamang kurikulum ng kinukuhang kurso, kundi sa mismong haharaping mga pagsubok. Kung noong nasa elementary ka at hayskul ay napakadali lamang sa iyo ang pumuntos ng mataas sa mga pagsusulit niyo sa loob ng klasrum, ngayon ay kuntento ka na sa pasang-awa.  Kung noon, madali sa iyo ang magpasikat kay Ma’am at Sir sa recitation, ngayon ay magtitiis ka pa sa kahihiyan at sa tumatalsik nilang laway sa loob ng opisina nila mabigyan lang ng grado; na sa kamalasan ay hindi pa rin naantig ang puso ng propesor mo. Kung noon ay kaya ka pang ipasan ng mga magulang mo, ngayon ay buong klasrum ang kailangan mong buhatin.

At kung pagsasama-samahin natin ang lahat ng nasabi ko, sa isang konklusyon ka lang mauuwi: Kung noon ay sigurado kang makakatuntong ka sa entablado upang makuha ang iyong diploma, ngayon, maghintay ka hanggang Oktubre—o sa isang taon pa.

At ang maganda riyan, mga kapatid, ay kung may trabahong naghihintay sa iyo.

Ayon sa narinig kong ahente ng isang multi-nasyonal na kumpanyang nagdeliver ng serbesa sa aming tindahan, mahigit 3 milyon ang college graduates ngayon. At ang posibleng makapasok lamang sa kumpanya nila ay 3 katao. Salain man natin ang 3 milyong estudyanteng nangangarap, dahil hindi naman ang kabuuang 3 milyong graduates na iyon ay pasok sa hinahanap nila, tatlong tao pa rin ang makakapasok sa kanila. Pagtawanan na natin ang istatistikang nilihad ng mamang iyon, pero hindi natin pwedeng pagtawanan ang ideyang ipinupunto ng sinabi niya—kasi totoo.

Ang nagiging sistema ng edukasyon sa Pilipinas: Ginusto mo ‘yan eh, magtiis ka. Oo, ang mga salitang nabanggit ay karaniwan lamang na ginagamit sa negatibong resulta ng isang piniling desisyon kaya lumabas na mali ang iyong pinanindigan. Pero sa maraming pagkakataon, lumalabas na maling desisyon ang pagpasok sa kolehiyo. Bilangin mo kung ilan ang nag-drop mula sa klase ninyo dahil mas piniling magtrabaho. Bilangin mo kung ilan ang working students. Bilangin mo ang mga kaedad mo pero hindi nag-aaral. Bakit hindi?

At sa mas madalas na pagkakataon, kung nakaraos ka na, dalawa lamang ang kakalabasan mo: ilang buwan o taon kang kakalawangin sa bahay niyo dahil hindi ka makahanap ng trabaho; o kung makahanap ka naman, malayo naman ito sa natapos mo, kasama pa ang ipagkakait sa iyong benepisyo at respeto.

At ang pinakahuli (o sa madalas na pagkakataon, ang pinakauna) mong pwedeng pagpilian ay magtrabaho sa ibang bansa. Pinagsilbihan ka ng bayan para makapag-aral ka sa pamamagitan ng kanilang buwis, pero itutulak ka ng mismo ng lipunan para paglingkuran ang bansang kakapain  mo pa ang kultura. Kapalit ng dolyar ay ang pagkawala ng respeto sa sarili. Bakit hindi? Hindi bale na.

Kahit pala hindi mo ginusto, kailangan mo pa din magtiis.

Hindi ako namumuhay sa kantang “Blue Jeans” na pinasikat ng APo. Malaki ang pagpapahalaga ko sa edukasyon, hindi man halata. Kaya nga’t heto, nagtitiis din ako.Ayokong biguin ang munting batang nangarap noon. Mayroon pa akong apat na bibig na papakainin. Siguro nga, kaya maraming nagtitiis sa masisikip na kuwarto kahit walang kasiguraduhan ang kapalaran sa labas, ay dahil sa pangarap nila sa kanilang pamilyang umaasa.

Marahil, dakilang mambabasa, ay nabagot ka sa kolum na ito. Tinawag na kitang ‘dakila’ bilang pakunswelo de bobo. Isang gasgas na isyung panlipunan na itinatago sa mga gasgas na joke at sarkastikong salita, kinulayan lamang at ipinaskil sa pobreng papel na ito. Ayun ang aking punto: gasgas na isyu ngunit hindi pa rin nagagawan ng solusyon. At ang nakakabahala pa, marami pang panibagong pakulo ang gobyerno na wala rin namang kasiguraduhan kung magpapabago ito sa sistema ng edukasyon at sa mga manggagawa. At kung hindi magkakaroon ng matinong reporma sa edukasyon, sasabihin ko na sayong mauulit at mauulit pa ang mga sanaysay na may paksang ganito, magiging pangkaraniwang kalat na lamang ito sa kalsada.

Binigyan lamang ako ng tatlumpung minuto upang bumuo ng ideya at magsulat. Kung tutuusin ay hindi ko na ito dapat isinulat, dahil hindi naman ito nakatago sa mga mata. Binigyan ako ng tatlumpung minuto para magsulat, isang bagay na karangalan para sa akin, upang malaman mo kung bakit ka nagtitiis.

——–

‘Pag naabot mo ang parteng ito, ABA! Ang tyaga mo! 😀

Salamat!

Anong alam mo?

Trivia: Sumakto umabot sa 2 and 1/2 hour ang oras ko sa net shop. Hahaha!

Nag-inarte na naman ako. Nagbago ako ng theme ng aking blog dahil sa kaumayan. Inabot na ata ako ng isang oras sa pagbabago ng theme. Sakit ko na ito. Masyadong  nag-iinarte.

Pipiliin ko na sana ‘yung theme na may pwedeng pasukan ng header. At dahil nga palda-paldahan tayo, nagsearch ako ng naninilip na palda (blog pa lang, alam na. XD) EH wala akong nakita. Sinubukan kong itayp sa search engine ang mga salitang matanda sa rocking chair, syempre, palda nga tayo, mga ineng. Baka makatalisod ako ng lola na nakaupo sa rocking chair at ineexpect ko talagang nakapalda ‘yun *teh, hindi pwedeng magshort?*

Hanggang sa ibang larawan ang napansin ng aking makulit na eyeballs na hindi mawari ng bangs kong naninigas kung anong relevance. Ito s’ya:

Nang makita ko ito, lumikot ang utak ko. Pulitika. Porma. Gaya-gaya.

Naalala ko ang nagdaang eleksyon. Basta sikat, aprub sa tao. Sikat ang nanay mo, kilala ang tatay mo, pinupuri mga kapatid mo hanggang sa alaga mong aso, basta dakila sila, ikaw ang iboboto. Pinakamabisang charcater reference ang family background pagdating sa pelikula.

At hindi lang ‘yan! Basta sikat kang icon, sinusunod ang porma mo, ang paborit mong shampoo na sikat (kahit kalbo s’ya) eh manunuot iyon hanggang sa pulitika. Bakit ba lagi na lang nating iniaasa ang kapalaran ng Pilipinas sa mga walang kakwenta-kwentang bagay katulad nito?

Sino ba naman ang hindi pa nakakita ng mukha ni Ninoy, Cory at ni Noynoy Aquino sa mga damit? Ang kulay na YELO na sumisimbulo sa angkan nila? Ang mala-aids na sign na color YELO din na nakaimprenta sa shirt, short, jacket, relo, tumbler, baso, pinggan, inidoro, pambomba ng inidoro, bunot at pati sa noo mo? At ‘pag may ganito ka, NASA USO KA!

At kung maaalala natin, isinusulong pa noon na ilagay si Cory Aquino sa tabi ni Ninoy sa 500-Philippine peso bill. Ano ‘yun? Pagkatapos, si Noynoy naman? Si Kris Aquino? Hindi na ako magtataka na kung patuloy na magkakaroon ng Aquino sa Malacanang, maiimprenta na pati mukha ni Josh at Baby James sa 500-peso bill *Baby James: Mommy, what’s sulit?*. Susmaryosepsantisima.

Kaya, dahil sa nausong icon at fashion na ito sa Pilipinas, nauwi rin ito sa pultika. Si President Noynoy Aquino ang naupo sa gintong upuan.

Huwag n’yo akong maliin. Hindi ako sa hindi pabor kay PNoy. Ang akin lamang, sana’y nagkakaroon ng maganda at mas matibay na basehan ang mga taong pasasalumpuwitan natin sa mga gintong silya sa Malacanang. Hindi ‘yung basta sikat lang ang angkan nila, o dahil sa pauso nilang icons na tinatangkilik mo. Huwag sanang dumating ang araw na pati sikat na teen stars eh maluklok sa Malacanang kahit puro pagpapacute lang ang alam. *syempre, alam kong imposibleng mangyari, may tamang edad kasi*

Alam kong masyado nang outdated ang topic. Tapos na ang eleksyon. Pero marami pang susunod.

Hindi nga pala ako bumoto nung eleksyon nung 2010. Wala kasi akong ID at masyado akong busy sa pagtatae ng salapi. Pero kung boboto sana ako, I am for Noynoy din? Bakit? Basta!

Buti na lang, hindi ako bumoto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Motherland Calls for Signatures

Dapat sa mga oras na ‘to, nasa tindahan ako habang kinukunsume ng mga construction workers na pumapakyaw ng softdrinks at mga ina na nagpapaunahan sa pagbili ng  bigas. PERO andito ako ngayon, naka-upo na naman at naka-exposed ang pagod na mata sa radiation.

Just last night, I went to registrar office to have my registration card. Pero sabi sa akin ni Admin, they can no longer print regis, especially kapag hindi ka na freshmen. Hello naman teh, couple of days had passed, hindi ko man lang naasikaso dahil maaga lagi umuuwi ang mga workaholic + GC rolled into one body. Kapag naman andun ako para makuha yun, letse, admin naman ang wala. ‘Yun pala, nag-Baguio ang loka. NAMAN! Pero since hindi naman yung mismong admin ng college namin ang nakausap ko, kinumbinse ko ang lazy bones ko na maligo at magbihis para pumasok.

I already planned before leaving off to school: Magba-blog ako kung hindi ko makukuha ‘yung dapat kong makuha ngayon. Make use of the time/day ika nga.

So anyway, kakakuda ko, nakalimutan ko na ‘yung purpose ng pagblog ko today. Eto na sya.

Ang sabi nila, huwag na kayong gumamit ng cellphone. Tatanggapin ko ang hamon nila. Pero, huwag din kayong kakain ng produkto ng mga magsasaka. Hahamunin ko kayo sa isang buwan, titignan natin kung sino ang mamamatay sa atin na dilat ang mata.

If you’re a tv person, lalo na kung Kapamilya ka, probably you come across with these lines. Isang commercial na nangangalap ng 10 million signatures para masave ang Palawan mula sa pagmimina.

Siguro nga, masasabing isa ang Palawan sa pinakamayaman na lugar sa Pilipinas when it comes to natural resources. Andaming forest at species na dito lang matatagpuan. Bukod pa rito may mga indigenous tribes din sa dito na may mayamang kultura at nagsisilbi na ring guards ng mga virgin forest. Just two years ago, naging nominee pa nga ang Underground River sa Puerto Princesa, Palawan para sa New Seven Wonders of the World. Ewan but for me, being in love with adventures, I would prefer forests rather than beaches.

But mining in Palawan threatens not only its natural beauty and resources, but also the life of the people residing there, and of course, our rich Filipino heritage. Sa magulong mundo ng Maynila, sa likod ng urabanindad at makabagong teknolohiya, may mga nagtatago pa ring payak na kagandahan. Hindi naman natin pwedeng kainin ang metal at bato. Of course, may magsasabing magiging maulad tayo sa technology. Pero I’m telling you: Iba pa rin ang kalikasan. Doon tayo nagmula, mabubuhay at mamamatay.

Huwag nating sayangin ang buhay ng isang Doc Gerry Ortega na nakitil para magsiwalat ng kabulukan ng mga ganid na institusyon upang magkapera. Mayaman ang Pilipinas. Masuwerte tayo. Pero mauubos ito kung hindi aalagaan.

Ano ba naman yung ilang segundong pagbisita at pag fill-up ng form dito?

http://no2mininginpalawan.com/

Tutal, nagpe-facebook/twitter/tumlber ka na rin lang, i-link mo na.

O ayan, magdota ka na ulit! 🙂