Hithit-Buga

Bumili ako ng isang kahang yosi kanina. Actually, nagpapabarya lang ako. Natapat ako sa tindahan ng kapitbahay namin at kakilala ng mga magulang ko mula pagkabata ko. (NV)

Siya: Sa’yo ba ‘to?
Ako: Opo.
Siya: Nagyoyosi ka na pala?
Ako: Opo, minsanan lang. Pang-isang linggo po.
Siya: Sabagay okay lang naman magyosi ka na. May trabaho ka na eh. Laki siguro ng sahod mo.
Ako: *tawa* Ay hindi naman po.

Bakit ba tayo tinuruan ng lipunan na ang pagyoyosi ay taboo, ano?

Isang sampal ang inabot ko sa Nanay ko nung umamin akong nagyosi ako sa banyo. Hindi pa ako sabik sa usok noon, curious lang. May nag-iwan kasi ng isang piraso sa bahay. Nag-Roger, Roger naman sa akin ang hearing sense ko noon nang bumukas ang pinto, kaso sa Nanay ko pala naman ‘yung sobrang talas ng pang-amoy. Bukod pa doon, nabago raw kasi ang pwesto ng posporo sa kusina.

Pinaka-unang halik ko talaga sa yosi eh, high school. Marlboro lights sa singit-singit ng eskinita sa eskwelahan namin. Kasi ‘yun yung yosi ng isa kong kaibigan. Bukod doon, sinunukan din naman ang DJ Mix, na doble ang presyo ng karaniwang Marlboro Lights kasi flavored. Nahuli pa nga ang isa kong kasama ng isang teacher habang humihithit. Wala pa halos sa kalahati, tinapos niya lang sa sahig. At dahil ang yosi ang parang gintong kwintas at ngipin na galing ng Saudi, dinampot niya ulit iyon at hinithit. Buti na lang noon, hindi pa ako bumibili.

Nung hindi ko na naging kaklase ‘yung dalawang barkada ko sa itaas, hindi na ako nanigarilyo. Hindi ko gusto ang amoy at hindi na rin naman ako naglalaway.

Hanggang sa magkolehiyo ako, kinain ko rin ang sinabi ko.

Natuto ako manigarilyo simula nang nagkakaroon na ako ng sariling mundo. May mga kaibigan naman ako pero hindi ko sila masyadong nakakasama, mapa-blockmate man o tropa ko lang kung saan. Bumugso rin ang samu’t saring problema. At dahil mas mahal ang bote ng alak, walang kainuman at bidyoke, doon na lang ako sa yosi na madaling mabili sa bangketa.

Pero anong nagpa-trigger sa akin? ‘Yung madamdaming pagyoyosi ko sa Cubaom isang gabi. Galing ako noon sa isang slumber party ng pep squad noong college, na hindi naman talaga slumber party for me dahil nagpunta lang ako doon para kumain ng Adobo with rice. Halos hindi ako nagsasalita noon kahit maingay sila, at may curfew pa. Doon ko naramdaman ‘yung pagiging indibidwal, ‘yung pag-iisa, ‘yung mahigpit na kapit sa aking leeg, at expectations ng mga tao na isa akong malinis na tupa. Masama ang loob ko sa mundo na hindi ko alam kung sino ang sasapakin ko.

So gumawa ako ng bagay na ayaw na ayaw makita nang lahat: nagyosi ako noon.

Pero again, bakit minulat tayo na taboo ang paninigarilyo?

At umani ito ng kritisismo. http://www.smokersnews.net/anne-curtis-nora-aunor-magazine-cover-photo/

No, don’tell me na masama sa kalusugan mo at ng mga lalanghap. Lahat na ata ng pagkaing Pinoy, pwera atsara, makolesterol. Masiba tayo sa kanin na dagdag-carbs at maaaring magdulot ng diabetes. Wala nga tayong kapaki-paki kahit mabulunan na. No, don’t tell me dahil marumi sa bibig. Hell, wala tayong tinitirang parte ng manok na hindi pwedeng kainin, ultimo kuko ng manok; kahit saang sulok pa ng kalsada pa ‘yan niluto. No, don’t tell me na dagdag-polusyon. Masyado nang malayo. Don’t tell me na para hindi tayo mamatay nang maaga, kasi may mga namamatay sa lung cancer na never nanigarilyo. Don’t tell me na dahil mabaho, kasi mas mabaho pa mga pinaggagagawa natin sa buhay natin kaysa sa amoy ng usok ng sigarilyo.

Tipong kailangan, may lisensya ka kapag nagyosi ka na. Dapat college graduate; dapat may trabaho. Samantalang kapag gusto mong magwalwal, magpakasabog, hindi papasukin ng guwardiya sa trabaho, mag-text sa ex, magbasag ng bentilador, magswimming sa sariling suka at ihi, alak hinahanap natin. Na sabi ng magulang natin, okay lang, basta tuwing okasyon lang. Kaso inaaraw-araw natin ang okasyon.

No, don’t tell me na tino-tolerate ko ang paninigarilyo. Dahil hindi ito parang yosi na iitsa mo na lang kapag nasagad mo na ang paghithit hanggang sa filter.

Oh, may National Smoking Ban na ah.

Advertisements

The Olfactory Nerve

Ito ‘yung responsable sa pang-amoy natin. Ano nga bang mensahe ng bawat amoy? Bukod sa amoy ng tsismis na siguradong may mensahe, bawat amoy ay may konteksto. Na pwedeng pagsimulan ng rebolusyon?

Naalala ko nung 4th year high school, minsan naitanong ng guro namin sa Filipino ang tungkol sa ipinapasang ordinansa kaugnay sa may mga driver na may kamehamewave. Hindi ko matandaan kung ibinalita na ba talaga ‘yun, patay ang nerves ko pagdating sa current events, o nasobrahan lang sa kakasinghot ng chalk ang teacher ko. Kung ano man sa dalawa, ang mas mahalagang bagay ay may pinag-usapan kami na may katuturan.

Nagtawanan kami. Kung anu-anong klaseng mapang-alipustang nakakalokong salita ang lumabas sa bibig namin na akala mo, three times  day kami kung mag-toothbrush. Sabi nga ng isang classmate ko, habanag paisa-isang humuhugot ng tawa, stress ka na nga, ganun pa ang maaamoy mo.

Na sinegundahan naming lahat. Busy ka nga namang tao, at ayaw mo ng may tambay, sa ilong mo.

Pero may isang classmate ako, na kaibigan ko rin at isang debater, ang may ibang pananaw. Nakaka-degrade ng pagkatao ang pagpapasa ng ganoong ordinansa.

Narinig ko ‘yun, pero noong mga panahon iyon, exactly 6-7 years ago, ang tanging iniisip ko e, kapakanan ng nostrils ko.

Halos hindi yata lumilipas ang isang buwan matapos noon nang tumanda ako (hindi ko alam kung kailan), na hindi ko naiisip ang sinabi ng friend ko.

Nakaka-degrade ng pagkatao.

Doon ko nahanap ang totoong sagot. Oo nga naman.

Hindi sa gaya-gaya ako, o madaling maimpluwensyahan, o nagpapasikat para maging iba. Pero totoo nga, tama siya.

Oo, naiintindihan kong sadyang may mga makapigil-hiningang amoy tayo na ayaw nating malanghap habang nasa biyahe pauwi. Ito ‘yung mga panahong gusto mong maglabas ng pintura: either ilamas mo sa buong jeep para mahigop ang amoy ng katabi mo o sisinghutin mo. Tipong imbis na maglalabas ka ng extra rice, isusuka mo pa ‘yung kinain mo.

Ilang beses na ako nagkaroon ng mga kasabay sa jeep na may langhap-sarap na amoy. Pinipigilan kong huwag huminga from time to time. Isang malalim na hugot para maraming pumasok na oxygen + carbon dioxide + greenhouse gasses, tapos, para akong kamelyo na iipunin ko ‘yun sa baga ko. Habang ang mga katabi ko, panay ang paypay at hindi matanggal ang panyo sa ilong, ako, pakamot-kamot lang. Binubugbog man ang ilong ko, ayokong ipakitang nandidiri ako.

Bakit? Nakikita mo ba kung sinong mga tao ang may ganitong amoy? Nangangalakal, tindera, driver, street sweeper. Kaulayaw ang nature turning into nakasusulasok na urbanidad.

Isipin na lang natin: kung sa bangko ba nagtratrabaho ‘yun, na kulang na lang ay ipaghele ng aircon at swiveling chair, mangangamoy kamehamewave na pumatay kay Freeza ang mga drayber? Kung ang minamaneho nila, eroplano o barko, magiging ganun kaya sila kadungis? Kung nagtratrabaho ba siya sa restaurant, mawawalan ka ba ng gana ngumuya? Naalala ko ‘yung lakas-loob na pagpapa-feature ng isang babaeng Metro Aide sa isang programa na ang paksa eh, kamehamewave. Note: Metro Aide siya! Nasa tabi nang kalsada’t nauusukan!

Malamang ay iniisip mo ngayon na pwede namang mag-deodorant, maligo araw-araw. Pero nasa lifestyle ng tao. Ang oras niya sa pagligo ay ipamamasada na lang niya. O ibibili niya ng deodorant eh, ipangmimeryenda na lang o pandagdag sa pambili ng tocino ng Bunso niya sa kanyang titser. Hindi sa lahat ng pagkakataon, maggagawa mong pigilan ang paggalaw ng peristalsis mo sa pwet sa pampublikong lugar.

Kung napatupad kaya iyon, paano ba? Katulad din ba ito ng paghuli sa mga nagyoyosi sa Farmers at harap ng Robinson Ortigas?

Malamang MMDA officer na ipinaglihi kay Ilong Ranger, o sa K9. Magsisimula sila sa trabaho ng alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Siguro sa mga checkpoint o paradahan, sakayan/babaan ng jeep sila magsisitambay para mahanap ang “The One”. Kung walang ilong ang magsasakripisyo sa ganitong uri ng trabaho, malamang may mga device sila na panukat ng amoy, na mukhang thermometer na isasalaksak sa mga pawisang kilikili. O kaya ‘yung papel sa Rexona para malaman kung gaano ka ka-pawisin. Kung papalarin ka, kukunin ang pangalan mo, address at iche-check ang lisensya. Ipahuhubad sa’yo ang t-shirt o kukumpiskahin ang towel mo upang maging ebidensya. Nakahanda ang kanilang resealable pack na animo’y gumawa ka ng krimen.

Magbabayad ka ba ng limandaan o aattend ka ng community service at magseseminar? Aba, isang araw gugugulin ‘yun. Maglilinis ka ng kalsada at mag-i-spray ng deodorizer sa mga public dugyot-pink cubicles ng MMDA na ‘pag pumasok ka, kakapit sa t-shirt mo ‘yung amoy-ihi ng mga lasing at lalaking salawahan sa pag-ibig. Isang araw. Isang araw na kita rin ang mawawala sa’yo. Pero may pakunswelo de bobo naman kahit papaano. Sa seminar, bukod sa ituturo sa’yo kung paano ang tamang paghilod at kung gaano karaming beses ka dapat magpabula ng sabon sa singit mo, present d’yan ang mga magpapa-give away ng mga produktong “for men” na mga burgis na lalaki lang ang makaka-afford. Oo, bibilhin na pati ng multi-nasyonal companies ang kagaguhan ng pag-iisip ng mga nakatataas pagdating sa pagpapatupad ng ganitong mga batas. Isang araw na kita ang mawawala. Kaya magbabayad ka na lang ng 500 pesos dahil lamang sa hindi mo pagiging aktibo sa banyo.

At dahil nga d’yan, maraming aangal– mga grupong nangangalaga sa mga driver, misis ng driver, titser ni Bunso at kabit ni driver. Nakakatawang isipin na hindi na pagtaas ng pamasahe ang ipaglalaban nila, kundi karapatan nilang maitaas ang kili-kili ng matiwasay. Syempre, sasabihin ng mga nakaupo, “hindi kami nagkulang ng paalala”. Siya nga naman, malinaw namang nakasulat: bawal magka-putok, may namatay na.

Let’s face it: parte ito ng araw-araw nating buhay-kalsada. Tandaan natin na hindi natin ito pag-aari. Kaya nga ang tawag sa kanya eh, PUBLIC Utility Vehicle. Hindi ko sinasabing kapag masa ka, dapat madumi ka; kapag blue-collar job ka, kasama na run ang katotohanang mabaho ka. Pero ang mga noun na nabanggit ko ay mga natural na taong nasa natural na paligid at natural na nangyayari sa kanila ‘yun. Masyado nang mainstream ang pagsigaw ng “ang baho!” sa walang-malay na tae.

Nakakahiya, na ngayon ko lang siya naisip. After ng ilang taong nakalipas.

Pero kung ayaw mo talaga ng mabahong amoy, magtaxi ka araw-araw! O kaya, isa lang ang ibig sabihin niyan: kailangan mo nang mag-invest nang sarili mong kotse!

Gusto mo ba magkaroon ng kotse na hindi ka nagpapakahirap, nagpapakaalila sa trabaho? Na makukuha mo sa loob ng isang taon kahit nakaupo ka lang, tapos kumikita ka pa? Mahigit 100,000 pesos sa isang buwan? Madali lang ‘yan!

Kita tayo sa Starbucks.

Blogger’s Block

Malamang ay iniisip mo kung ano’ng klaseng pautot ko na naman na ito.

Photo Credit: Blogging from A to Z Challenge

Minabuti ko nang gawing ‘blogger’ dahil ayokong angkinin ang ‘writer’ na hindi ko alam kung nakarating na ba talaga ako sa ganoong lebel; kung nasunod ko ba ang standards ng isang writer ayon sa pananaw mo. You know, ayoko putukin ang iyong bula *see translation*.

Eto ‘yung mga panahon na dapat, nagsusulat ka. Isusulat mo ‘yung kung anong bumagabag sa’yo kanina habang nasa trabaho ka, pinapagalitan ng boss, nakikipagsiksikan sa MRT, o kumakain ng lunch. Hindi mo nga lang naisulat agad dahil wala ang iyong handy dandy notebook, o wala kang oras, o kaya ay hindi mo alam kung paano ito isusulat.

Taeng-tae ka na eh. Kaso, may tao pa sa banyo.

Pero ang masama nito, ‘pag nasa harap ka na ng laptop mo, hawak mo na ang lahat ng oras mo, biglang blangko ka. Nakikipagkindatan ka na lang sa monitor. Bigla mong malilimutan lahat ng nasa isip mo. Nawala sa isang iglap. Dahil maaaring:

1. Pagod o antok ka na.

2. Nalibang ka na naman sa Facebook at Twitter.

3. Gutom ka.

4. Marami kang problemang dinidibdib kahit niloloko mo lang ang sarili mo dahil wala ka namang dibdib.

Umatras bigla ‘yung tae mo kasi masakit pala ang ulo mo.

O KAYA NAMAN, eto ‘yung mga panahon na dapat, nagsusulat ka, dahil gusto mo lang. Magbigay ng opinyon, magpahayag ng damdamin, ilarawan ang mangilan-ngilan mong pantasya sa buhay. Ang problema– wala kang maisulat. Walang malinaw na ideya, matinong usapin o konkretong paninindigan. O kaya, umay ka na sa lahat ng nangyayari sa paligid mo. Magiging isa ka na lang sa mga kauumayan ng netizens ‘pag nagsumiksik ka pa sa blogosphere.

Kaya minsan, sa umaga, panay himas mo sa baba mo. Andun daw ang point (o kung ano man ang tawag doon na related sa accupuncture) para makatae ka. Dahil maganda talaga tumae sa umaga. Kaso, wala pang lumalabas eh.

Kaya ang resulta, gumagawa ka na lang ng mga walang kwentang mga post. Isang coloring book na kinulayan mo na lang ng kung anong bagay na madadampot mo malapit sa’yo dahil wala kang krayola. Pwedeng ketchup, damo, uling o dugo.

Basta, makaraos lang.

O kaya naman, dahil wala ka nang ideya kung paano mo s’ya isusulat, pagkakasyahin mo na lang sa tuldok. Twitter o Facebook- microblogging sites.

Kahit utot lang lumabas.

Malalaman mo rin kung gaano na katindi ang blogger’s block mo base sa dami ng nasa draft section mo. Kung makailang-ulit ka nang kumandong sa inidoro n’yo, to the point na nagselos na ‘yung paborito mong upuan.

O sige, bilang binuksan ko na rin lang ang topic na ito, bigyan kita ng kaunting payo kung paano ito lalabanan:

1. Magsulat agad kapag posible. Parang ano lang ‘yan eh: Masakit sa pantog ‘pag di nalabas.

2. E kung di mailabas, humanap ng paraan! Manood ng porn   inspirational movies, ng books. Maging observant.

Ay tae, usapang tae pala tayo. ULIT!

1. Magsulat agad kapag posible.  Masakit sa pwet ‘yan ‘pag di nalabas.

2. E kung di mailabas, humanap ng paraan! Hilutin ang kukote hanggang maramdaman ng peristalsis.

3. Maging observant sa paligid. Ang bawat kumpas at galaw ay may kwento. Gamitin ang five senses. Di lang si Spiderman ang pwedeng gumamit nun. Isipin mo kung saan ka nagpunta, ano ang kinain mo o kung chineck mo ba ang expiration date in the first place.

4. Isulat mo lang ng isulat hanggang may oras. ‘Wag mo munang isipin kung anong style ang gagamitin mo, anong mga salita ang dapat, o kung may skeleton na dapat sundin. Dahil kapag ipopost mo na ‘yan, tuluy-tuloy na ang pagtatayp mo, di masasayang kuryente.

5. ‘Wag kang magsusulat para ma-impress lang ang readers. Mahirap ‘yan. Walang taeng mabango kaya kung may kasunod na magbabanyo, hayaan  mo nang malanghap niya ‘yun.

6. Maghanap ng quotes. “I wish that being famous helped prevent me from being constipated.”
Marvin Gaye

7. Pwede ring sundin ang mga orasyon mo bago tumae. Halimbawa, kumakain ng swelas ng sapatos, o tuwing alas-tres ka lang ng umaga ginaganahan magsulat, maghintay ka. Kumbaga, may momentum– ikokondisyon mo muna ‘yung katawan mo bago kang jumebs. Magugulat ka na lang na magbabara ang inidoro n’yo ng dahil sa’yo.

8. Comfort food. Pwedeng uminom ng Yakult.

9. Humanap ng pinakumportableng lugar o posisyon. Either nakaupo ka sa inidoro o naka-squat. Kung saan ka masaya. Pero maganda kung walang mangdi-distract sa’yo. Kaya ‘wag kalimutang i-lock ang pinto.

10. Sa pagahahapit lumalabas ang creative juice. Alam kong madyo mahirap ito dahil wala namang sinusunod na deadline ang blogger, maliban na lamang kung trabaho niya iyon, may paghahandugan o may sinasalihang contest. Makabubuti sigurong lahat ng skills mo sa panloloko ay gamitin sa iyong sarili: bigyan ang sarili ng deadline. Uupo ka lang sa inidoro ‘pag alam mong lalabas na talaga.

11. Disiplina lang. Kung alam mo namang natatae ka na talaga, ‘wag ka nang huminto sa tapat ng TV dahil Maria Mercedes na at kailangan mong ipagsigawan ang bawat eksena na parang sa bundok nakatira ang friends/followers mo.

12. Syempre, ‘wag mo namang ipahalata sa mga mambabasa na kung anong klaseng pagpaparaos sa pagsusulat. Maglinis ka ng mabuti, ang inidoro, kamay, tabo o balde, o ‘wag mo nang pansinin ‘yung dalawang huling gamit kung sosyal ang bahay niyo at de-flush ang inidoro n’yo. HIndi ko sinabing ipagmalaki mong tumae ka, ang akin lang naman, ‘wag mong ipangalandakan. Kaunting hygiene naman d’yan.

13. O pwedeng tinatamad ka lang pala. Walang gamot d’yan.

Sabi nga ng kabanal-banalang si Bob Ong, “Hindi para sa tamad ang pagsusulat.” Kaya siguro

Random Shits #2

Katulad nung una, sasabihin ko kung ano ‘yung pumasok sa isip ko. Game.

Ito ang paraan ko para sa isang mabilisang pagbla-blog. Ayoko muna kasi magkwento tungkol sa mga bagay na issue para sa’kin, kasi, gusto ko, hihimayin ko ‘yun ng todo.

*******

One, two, three, four, five six, seven.

Asterisks.

Hala. Magbilang tayo.

*******

Kasalukuyan kong pinapakinggan itong I belib na kanta ni Jimmy Bondoc. Ang corny, promise. Tangina. Parang bakla ‘yung kumakanta. Napakalamabot. Masenti masyado. Kala mo naman, s’ya lang ang hopeless romantic na broken-hearted na umaasa sa mundo.

Ako rin kaya. Kaya ko nga pinapakinggan eh. Kinakantahan ‘yung puso ko.

Corny.

*******

Tinutulungan ko si Kamahalang Juliet sa Investigative Report n’ya. Sa’n ka nakakita ng kaibigang mukhang bakulaw pero saksakan pala ng bait na katulad ko? Haha. Tinutulungan ko s’ya dahil:

1. Ang ganda ng topic n’ya. Tungkol kay Health Sec. Enrique Ona tungkol sa pagkaka-appoint sa kanya ni PNoy bilang health sec. ng DOH. Pero may controversy kasi. In favor s’ya sa kidney donation and transplantation kahit buhay pa ‘yung magdodonate at hindi kamag-anak. Pangalawang topic: ‘yung gamit ng incinerators sa mga hospital.

2. Hinahasa ko ang sarili ko sa Investigative Journalism. May tinding angas ang dating sa’kin nito.Hindi man ako maging investigative journalist,o miski journalist balang araw, at least may 1% chance ako.

3. Alam ko ang hirap ng paggagawa nito. Mura ang inaalmusal ko mula sa sarili kong bibig at mga kagrupo ko nung gumagawa kami ng Ireport na filmmed. Tounge inuh lung, baka maranas ni Her Highness heels. Kawawa naman s’ya. Mahal ang tuition sa UP, at hindi n’ya pinupulot ang pinampapaaral n’ya kaya hindi n’ya deserving ang mala-taeng grade.

4. Mabait ako, may busilak na puso at malinis na kaluluwa.

*******

NP: Pagbiyang Muli by Erik Santos. Naalala ko si Maria la del Barrio.

*******

Itatype ko ba ‘tong nasa isip ko? Syet. Baka makrompal (masampal) ako.

*******

Pero ayon nga sa rule: Ang nasa isip ay isusulat. Game.

*******

Nasa internet shop ako ngayon. Hangin lang ang pagitan. Tsismoso/a ‘tong katabi ko, Binabasa ‘tong tinatayp ko. Gusto ko ipaling pakaliwa ‘yung monitor ng computer. Shet.

At bakit ba ako apektado? Kilala ko kasi. Miyembr—-

*******

Meron na lang akong 7 minutes left at sakto na sa 1 at kalahating oras na nagkakahalaga ng kinse pesos. Astig no? Magjajabar nga lang kilikili mo kasi hindi de-aircon. Pero ayos lang ‘yan. Kaya ko magtiis para sa kaunting barya. Ang importante, makapag-blog at fb. Hahamakin ko ang lahat.

******

——o ng PEP.

*******

O. kelangan ko na umalis. Nakahalata na ata na siya ‘yung tinutukoy ko. May meeting pa ako sa campus publication namin. Magandang Hapon!

*******

Last na: Miss ko na si Ipis. ‘Yung dating pagkaipis namin. Lahat. ;_;

“2011 in review”- WOW.

Pag kamulat ko ng mata, eto agad ‘yung sumambulat sa e-mail ko. Isang magandang pambungad sa taong 2012. Isang maandang panimula pa minimithi kong katahimikan sa buong taon.

Katahimikan, oo.

——————–

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2011 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

A San Francisco cable car holds 60 people. This blog was viewed about 2,700 times in 2011. If it were a cable car, it would take about 45 trips to carry that many people.

Click here to see the complete report.