Gay, gayer, gayest

I am gay. Gayer than what you think.

Maangas ako minsan kumilos. Pati magsalita. Pati manamit. Lahat na. Pero katulad ng isang regalong nakabalot sa pink na wrapper na hindi pa nabubuksan, marami akong surpresa. Pwedeng buksan, pwedeng hindi. Pwedeng husgahan agad, pwedeng silipin muna.

Nung una ko naramdaman na hindi ako normal na babae, parang, gusto ko talagang maging guy. As in, may *insert picture of male sex organ here*, may katabing babae, ayun. I was color navy blue that time. Matigas, matikas. Lalaki. Pero, once na makilala mo pala ang sarili mo, mamahalin mo ‘yun. Kahit gaano ka pa kabakla. Bigla, isang araw, gusto kong maging babae talaga. Hindi yung kadalasang iniisip ng mga straight na sa lalaki na magkakagusto ah. EKIS tayo dun, mga kapatid. I mean, yung presence ng isang diyosa sa katawang lupa mo, ayun. Natumbok mo. Purplish pink na ang kulay ng lola mo. *imaginin mo ngayon kung anong itsura ng purplish pink :P*

Femme ba? Wit. Hindi ko kaya. Mahal ko pa rin ang mga panlalaking damit. Ang angas sa isip, salita at sa gawa. Pero, isang shade na naman ng kulay ang sumapi sa’kin. Hindi ko alam, rainbow na ata. Matapos akong bagyuhin ng napakaraming identity crisis, isa na akong BUTCHING (Butch+bading). Paano ko ba ito nadiskubre?

Ganito. Nabubuhay ako ngayon sa isang kulay-rosas na daigdig ng mga bakla, biacow, botomesa, top, drag queen, at samu’t saring kabadingan. Bakit? Maraming talaga sa mass communication courses, kahit saang unibersidad ka pa. Siguro dahil karamihan sa kanila ay maboka at magaling mag-English. *habang tinatayp ko ‘ito, nakikinig ako ng Run the World ni Beyonce. Ganda!* At isang araw, pumipilanik na ang mga daliri ko. Ang sumpa! Nag-ge-gay lingo na akesh! Itas ang syompa! Ang kilos ko! O may gawhd!

At sumali ako ng Pep squad, dahil gusto ko talaga since high school. Natakot lang ako sa palda. Wala naman talaga akong edge sa pagsali sa pep squad kundi kapal ng mukha na ilang taon ko ding inipon. Na-thrill din kasi ako sa palda at sa aking flesh *landi*. Aaminin ko na ‘yung isa pa: papansin kasi ako. Alam ko kasing talk-of-the-town ang pagsali ko dito. Hindi naman ako nabigo. Gusto ko lang patunayan na sa mundo ng mga bading na kumekembot pa, may isang shibuli na malakas ang loob na nakisali at nakipaghamunansa kanila. Babae. Ako iyon.

Pero, alam ko sa sarili ko, na hindi pa rin magbabago preference ko. Though nagkakacrush ako sa mga bakla din, hanggang dun na lang iyon.

At dahil nga doon, nasasabihan akong bakla. Okay lang. Ganun naman talaga. Hindi ako nagpapakulong sa kahon. Sa kahon na hindi naman sa akin kundi sa kanila.

And excuse me. BUTCHING PO.

Ano nga ba ang anatomy ng butching? Saan ito nagsimula?

Pinangalan ko talaga ito sa kaibigan kong itatago natin sa pangalang Bal. Inaamin niyang bakla siya. Feeling n’ya, bakla talaga siya.  Pero, sorry, tomboy siya :). Siya na ang umangkin ng pangalang iyon. Siya na.

Anatomy ng Butching

Sa ngayon, dalawa pa lang ang nakikita kong butching: Si Bal at ako. Kaya dalawang uri lang din ang mailalahad ko.

1. Diyosa- Eto nga si Bal. Drag queen. Babaeng-babae. Pero bakla kung kumilos at magsalita. Kadalasan, sinasabi nilang bakla sila, o butch na nagtatago sa feminine side nila.

2. Twinkle- Ako. Lalaki itsura, pati kilos minsan. Pero mas madalas pang mag-gay linggo kesa mag-po at opo. Pakiramdam nila, bakla sila. Nahihilig din sa girly stuffs pero lalaki pa din itsura. Hindi gustong magkaroon ng  *insert picture of male sex organ here*.

Gets n’yo ba? Haha. Then, what do these two have in common na wala sa tunay na tomboy at bakla? Well, bukod sa feeling nila ay bakla talaga sila *minus the dick, syempre* sila yung mga taong KUNG bibigyan nga chance na maging lalaki, kahit isang araw lang, imbis na mambuntis o mag-deposit ng sperm sa sperm bank para maisalba ang lahi, sila yung pipiliin na manlalake. In short, mapa-babae o lalaki sila biologically, homosexual talaga sila.

Magulo. Pero makulay.

I am gay. Gayer. Gayest among the colors of the rainbow.