Random Shits #2

Katulad nung una, sasabihin ko kung ano ‘yung pumasok sa isip ko. Game.

Ito ang paraan ko para sa isang mabilisang pagbla-blog. Ayoko muna kasi magkwento tungkol sa mga bagay na issue para sa’kin, kasi, gusto ko, hihimayin ko ‘yun ng todo.

*******

One, two, three, four, five six, seven.

Asterisks.

Hala. Magbilang tayo.

*******

Kasalukuyan kong pinapakinggan itong I belib na kanta ni Jimmy Bondoc. Ang corny, promise. Tangina. Parang bakla ‘yung kumakanta. Napakalamabot. Masenti masyado. Kala mo naman, s’ya lang ang hopeless romantic na broken-hearted na umaasa sa mundo.

Ako rin kaya. Kaya ko nga pinapakinggan eh. Kinakantahan ‘yung puso ko.

Corny.

*******

Tinutulungan ko si Kamahalang Juliet sa Investigative Report n’ya. Sa’n ka nakakita ng kaibigang mukhang bakulaw pero saksakan pala ng bait na katulad ko? Haha. Tinutulungan ko s’ya dahil:

1. Ang ganda ng topic n’ya. Tungkol kay Health Sec. Enrique Ona tungkol sa pagkaka-appoint sa kanya ni PNoy bilang health sec. ng DOH. Pero may controversy kasi. In favor s’ya sa kidney donation and transplantation kahit buhay pa ‘yung magdodonate at hindi kamag-anak. Pangalawang topic: ‘yung gamit ng incinerators sa mga hospital.

2. Hinahasa ko ang sarili ko sa Investigative Journalism. May tinding angas ang dating sa’kin nito.Hindi man ako maging investigative journalist,o miski journalist balang araw, at least may 1% chance ako.

3. Alam ko ang hirap ng paggagawa nito. Mura ang inaalmusal ko mula sa sarili kong bibig at mga kagrupo ko nung gumagawa kami ng Ireport na filmmed. Tounge inuh lung, baka maranas ni Her Highness heels. Kawawa naman s’ya. Mahal ang tuition sa UP, at hindi n’ya pinupulot ang pinampapaaral n’ya kaya hindi n’ya deserving ang mala-taeng grade.

4. Mabait ako, may busilak na puso at malinis na kaluluwa.

*******

NP: Pagbiyang Muli by Erik Santos. Naalala ko si Maria la del Barrio.

*******

Itatype ko ba ‘tong nasa isip ko? Syet. Baka makrompal (masampal) ako.

*******

Pero ayon nga sa rule: Ang nasa isip ay isusulat. Game.

*******

Nasa internet shop ako ngayon. Hangin lang ang pagitan. Tsismoso/a ‘tong katabi ko, Binabasa ‘tong tinatayp ko. Gusto ko ipaling pakaliwa ‘yung monitor ng computer. Shet.

At bakit ba ako apektado? Kilala ko kasi. Miyembr—-

*******

Meron na lang akong 7 minutes left at sakto na sa 1 at kalahating oras na nagkakahalaga ng kinse pesos. Astig no? Magjajabar nga lang kilikili mo kasi hindi de-aircon. Pero ayos lang ‘yan. Kaya ko magtiis para sa kaunting barya. Ang importante, makapag-blog at fb. Hahamakin ko ang lahat.

******

——o ng PEP.

*******

O. kelangan ko na umalis. Nakahalata na ata na siya ‘yung tinutukoy ko. May meeting pa ako sa campus publication namin. Magandang Hapon!

*******

Last na: Miss ko na si Ipis. ‘Yung dating pagkaipis namin. Lahat. ;_;

Advertisements

Ang Bagong Blog

Matagal-tagal din ata akong hindi nakapag-blog. It’s been a year. Kinalimutan ko na yung blog ko last time. About college life. Wala na akong ikwekwentong kagaguhan sa inyo, mga tao. Kaya para sa mga sumusubay ng blog ko kung paano mag-drop ng subject, o magcut ng klase, mameke ng pirma o gumawa ng project 1 oras bago ang pasahan, sorry to say,pero nag-aaral na ako ng mabuti. For a change.

Pero hindi ibig sabihin nun ay wala nang natirang latak ng pagiging BI ko. Mabait lang ako sa mga mata ng professors, pero sa mata ng sambayanang Pilipino, walang nagbago sa katingerang una ninyong nakilala.

May isang bagay lang na nawawala sa blog ko nung una. Isang bagay na malaking isyu sa akin na hindi ko nasabi noon pa. na dapat ay sinabi ko sa blogssss ko. Bagay na hindi ko nasabi dahil nakasunod ang mga kalasmeyt ko.

I am Lesbian. Period.

Sorry naman, dun sa mga taong umasang akala nila, sadyang pinanganak lang akong pinitik-pitik ang hita ko kaya bukaka ako maglakad, o kinalabit ang vocal chords kaya lumuwag at naging boses lalaki. Sorry. Matagal ko na itong dapat sinabi. Pero natatakot akong masira ang pangalan ng aming angkan sa kanilang lunggaan, ma-showbiz at gisahin ni Boy Abunda.

Sa katukayo ko, sana straight ka. H’wag mo nang dagdagan ang mga jombolits na kapangalan natin ha?

Kung naitatanong nyo kung ba’t bigla akong nag-blog, simple lang: may isang babaing makulit na namimilit sa aking magblog. Pabulong-bulong animo’y konsensya ko, (kaya nga BI. LOL) Magblog ka na… Magblog ka na… (repeat 10 times) dahil gusto nyang me makakasama sa wordpress. haha. Itatago na lang natin sya sa pangalang nyang Juliet. lol. Juliet, if you’re reading this, you won against my brain. (mga kapatid, taga-ibang lupalop sya, at hindi sya¬† nakakaintindi ng lengguwahe ng mga mortal. lol)

Isang pag-amin, na dito nyo lang narinig. Kay Katingera, mula sa bundok ng Tralala.