Hindi ako bakla!

Sa puntong ito, tatanggalin ko muna ang pagiging discreet ko at magiging open sa aking sarili.

You can be called a lesbian if you’re emotionally and sexually attracted to females or same sex. Same as to gay men. Eh ano ang itatawag natin sa tomboy na mas lalaki pa sa tatay nya at biglang magkakakrassss sa les din?

Ang tae talaga. Wala naman sigurong masama dun. Homosexual nga eh. I’m interested in butch-to-femme* relationship, but I’m open to the idea that i might fell in love with a butch din. super soft butch lang naman ako. Dahil hindi naman ako homophobic At babae pa rin. Marupok.

At kung bakit ko ito nsabi, well, isang tigasing butch lang nman ang napagpantasyahan ko. Pero bago yun, sasabihan ko muna yung mas nauna kong pagpantasyahan.

Itago na lang natin sya sa pangalang Kylie (sige, itago mo pa.). Nung una ko syang makita, kala ko talaga, lalaki yun. Tinawag ko pang kuya. LOL. Gwapings na gwapings ako dito. (gwapings kasi ang kadalasang word na gamit ng isang astig upang tukuyin ang gwapo, para nga naman hindi baklang-bakla pakinggan). Idol kumbaga. Nakadagdag pa sa kapogian (pogi, mejo pambakla na) ang maputi nya complexion at malinis na gupit ng buhok, yung tipong always humahalimuyak (konyo?) kahit wet na wet na sa pawis. Out pa sya sa kanyang pamilya, kaya ang gwapo (gwapo: nababakla na) lalo. Nakakatuwa pang isipin na kadalasan, chicks pa ang gumagawa ng move. Very sweet pa. At ang wafu (wafu: MALANDING BAKLA!) n’ya na nun!

At dahil dito, naging open na ako sa posibilidad na ang pagnanasa ko’y hindi nagtatapos sa mga babae lang, pati rin pala sa mga tomboy.

Pero, may mas hihigit pa pala sa kanya. Panoorin nyo to.

O siguro, matagal nyo na itong napanood. Sikat na kasi.

NGAYON malamang sa alamang, alam nyo na ang dahilan kung bakit ko ito nai-post. At kung sino ang mas nakahigit sa kinababaklaan kong si Kylie (yung nasa taas. ayoko ng banggitin ang pangalan nya’t baka hindi ako makalabas ng buhay sa campus).

Hindi ko alam kung insecurities lang ba itong nararamdaman ko, dahil di ako out, isang simpleng mammal na hindi man biniyayaan ng kagwapingan eh, pinagpala naman sa kabaitan. Patas talaga ang Diyos. Pangarap ko rin kasi ang kumanta on stage, pakiligin ang nanlalamig na buto ng masa, at umuwi sila sa bahay na yakap ang kanilang mga asawa. Boses-lalaki kasi ako, at nahihiya ako dahil dun. Hindi ko naman sinabing magaling akong kumanta, ang akin lang, ay mamaximize ko yung kahit kapiranggot na latak ng kagandahan (kung meron man) na kayang ilabas ng aking boses.

Unang kita ko pa lang sa kanya, naamoy ko na na iisa ang daluyan ng aming mga dugo. Nagulat na lang ako nang marinig ang boses nyang dinaig pa ang karamihan ng lalaking singer. Habang kumakanta sya, tinangay nya ang kaluluwa ko, nag flag ceremony ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Sa chorus ko nga lang napansing Wonderful Tonight pala ang kinakanta nya, dahil natulala ako.

Dahil sa kanya, nahilig ako sa acoustic band. Iniwan ko na ang maingay na musika ng metal na galing pang underground. Kinalimutan ko na ang drums at electric guitar. Because of her, I want to play a guitar, and learn how to play keyboards. Gusto kong magsulat ng kanta hanggang sa maubos na ang tinta ng bolpen ko.

Nung mga panahong una kong nakilala ang band nila, ay ang mga panahong kailan ko ng kakapitan, nauubos na ang tawa at kumukupas na ang ngiti. Yung kanta nila ang nagbigay ng pag-asa.

Isang saludo nga pala sa piyanista nila. Dahil sa kanya, nalaman kong blessed ako. At wala talagang imposible pag naniwala ka.

Inlove? Hindi. KRAS LANG

Teka, bago ko malimutan, tignan nyo to.

Ang wafu, di ba? LOL! 😀

*butch- tomboy damit lalaki, kilos-lalaki, lahat lalaki, pwera ang sex organs     . femme- tomboy na mapagpanggap. babaeng-babae pero babae din ang gusto.

Ang Bagong Blog

Matagal-tagal din ata akong hindi nakapag-blog. It’s been a year. Kinalimutan ko na yung blog ko last time. About college life. Wala na akong ikwekwentong kagaguhan sa inyo, mga tao. Kaya para sa mga sumusubay ng blog ko kung paano mag-drop ng subject, o magcut ng klase, mameke ng pirma o gumawa ng project 1 oras bago ang pasahan, sorry to say,pero nag-aaral na ako ng mabuti. For a change.

Pero hindi ibig sabihin nun ay wala nang natirang latak ng pagiging BI ko. Mabait lang ako sa mga mata ng professors, pero sa mata ng sambayanang Pilipino, walang nagbago sa katingerang una ninyong nakilala.

May isang bagay lang na nawawala sa blog ko nung una. Isang bagay na malaking isyu sa akin na hindi ko nasabi noon pa. na dapat ay sinabi ko sa blogssss ko. Bagay na hindi ko nasabi dahil nakasunod ang mga kalasmeyt ko.

I am Lesbian. Period.

Sorry naman, dun sa mga taong umasang akala nila, sadyang pinanganak lang akong pinitik-pitik ang hita ko kaya bukaka ako maglakad, o kinalabit ang vocal chords kaya lumuwag at naging boses lalaki. Sorry. Matagal ko na itong dapat sinabi. Pero natatakot akong masira ang pangalan ng aming angkan sa kanilang lunggaan, ma-showbiz at gisahin ni Boy Abunda.

Sa katukayo ko, sana straight ka. H’wag mo nang dagdagan ang mga jombolits na kapangalan natin ha?

Kung naitatanong nyo kung ba’t bigla akong nag-blog, simple lang: may isang babaing makulit na namimilit sa aking magblog. Pabulong-bulong animo’y konsensya ko, (kaya nga BI. LOL) Magblog ka na… Magblog ka na… (repeat 10 times) dahil gusto nyang me makakasama sa wordpress. haha. Itatago na lang natin sya sa pangalang nyang Juliet. lol. Juliet, if you’re reading this, you won against my brain. (mga kapatid, taga-ibang lupalop sya, at hindi sya  nakakaintindi ng lengguwahe ng mga mortal. lol)

Isang pag-amin, na dito nyo lang narinig. Kay Katingera, mula sa bundok ng Tralala.