Random Shits #1

Kung ano pumasok sa utak ko, itatype ko. Game.

Naalala ko si Junko Furuta, ang babaing highschool student from Japan na nakatikim ng karimarimarim na torture noong 1989-1990 sa loob ng 44 days. Ipinatikim ito ng 4 na tarantadong lalaki din na kasing edad din n’ya. Please kindly search it if you’re interested. Muntik na n’ya akong di patulugin nung gabing iyon. Lesson? Appreciate life.

*******

‘Yung propesor ko sa Broadcast  Journalism ay binigyan ako ng grade na “Dropped” sa di malamang dahilan. Ngayong gabi ko lang nalaman. Weird lang kasi Una: Kumpleto ako ng requirements sa kanya, minus the last part nung finals kasi absent ako. Pero naremedyuhan ‘yun. Nagpabili s’ya ng VCD at may mga ka-grupo ako. So I was wondering kung bakit. Nakakapasok ako sa klase n’ya. Masakit lang para sa’kin kasi nabababoy ‘yung gradesheet ko. Lagi na lang akong napagkakamalang “below-average kid” o “dead kid” pagdating sa studies. Nakakahiya sa girl na gusto ko sanang pormahan. Matalino pa naman s’ya.  EKIS. I’m doing this for myself.

*******

Binilang ko ‘yung asterisks na nilalagay ko kada iba-iba ‘yung rants ko. Lucky number ko ba ang seven?

*******

Kasalukuyan kong pinapakinggan si Bugoy Drilon. Gusto ko talaga ang boses n’ya. Dahil Tanging Ikaw ‘yung song by Jaya. Napaisip ako kung byakow (bakla,bi) s’ya. Well, whatever. I still love his voice. :))

*******

‘Yung isa ko pang propesor na pinasakit ang ulo namin. Spell demanding, ‘yun s’ya. Probably kilala mo s’ya, kilala siyang reporter sa isa sa mga inaabangang newscast tuwing gabi. Siya lang ang nagpa-productions sa’min. Hindi naman umaattend ng klase. At hindi ko rin makakalimutan nang bigyan n’ya ako ng 70% na mark sa second draft ng aking investigative report. First draft ko- 75. walang laman, walang kwenta, walang story. Kung kailang napunan ko na ‘yung mga ‘yun nung 2nd draft, tsaka ako nakareceive ng mababang grade. Babef? Simple: ang topic ko ay about illegitimate student organizations at natira ko ang pinakamamahal na org ng kanyang bespren.

*******

Move on, dude.

*******

Gusto kong kumanta. Gusto ko s’yang ligawan. Gusto kong kumanta habang nililigawan s’ya. Pero, kaibigan ko. Nahihirapan ako.

*******

Iniisip ko kung shits ba talaga ang mga sinabi ‘ko sa itaas. May sense naman. di’ba?

*******

Hindi  para sa tamad ang pagsusulat. Para ito sa mga taong nais kumita gamit ang salita. Mga nababato sa bahay nila. Mga taong gustong lumaya. Mga walang magawa. Ayaw pa matulog. Mga ayaw makinig sa klase habag nagtuturo ang professor/teacher, na bigla, bigla-biglang makakabuo ng nobela sa isang upuan, magiging nobelista ‘paglaki n’ya, pero nabulyawan ng professor/teacher kasi di nakikinig.

Nalala ko ‘yung kaklase/friend ko nung first year highschool. Na nagsusulat ng pocketbook stories ‘pag ayaw makinig sa klase. Isina-submit n’ya ‘yun sa isang publishing house, pera-pera eh. Sabi k sa sarili ko: magiging writer s’ya.

Ang kaso, may anak na s’ya. Susmaryosep.

*******

Magkakaroon ako ng portion dito sa blog ko: BAKLA KA NG TAON!

<singit: Ang sabi ko, matutulog na ako pagkatapos k matype ‘yung pinakamadrama kong rant sa itaas nito, kaso may naalala ako. Ito na nga s’ya> 

Dito sa blog ko, may kokoronahan/aawardan tayong katangi-tangi, namumukod-tangi, at hindi-maitatangging tunay na dakila saan mang larangan! NAKS! NOBEL PRIZE ba itaz? NO-ho.

Mapa-babae, pati na rin lalaki, bakla, tomboy, confused, naghahanap pa, walang kasarian at non-existent ang sex organs, basta may ginawa kayong kapita-pitagan sa ating bansa, o kahit sa akin lang, na sa tingin ko’y dapat tularan, GO! IKAW ANG BAKLA NG TAON!

Not literally isang taon. Huwag ambisyodsang palaka. Siguro, more or less one month. Paalala ko po: ‘yung mga pics, biography na konti lang, at miski names na ipopost ko dito, ipagpapaalam ko po, lalo pag pribado at hindi naman sikat ‘yung tao. Pwera na lang kung:

1. Imposibleng makausap ex. Hello Kitty 

2. Sobrang sikat at kilala naman talaga ex. Hello Kitty 

3. Medyo kilala na sa lugar nila, kunyare, nanalo ng Binibining Champlukang (chaka to the nth level) Bayan sa lugar nila sa Pampanga. Hindi man s’ya nakilala sa buong Region 4, basta may exposure na sa general public, keme na! (general public, as in audience) ex. Hello Kitty 

4. ‘Pag nahihiya akong magpaalam dahil for sure, aalamin nila blog ko ex. Hello Kitty 

Pero huwag mataranta! Pwedeng gumamit ng aliases!

At kung pabibo ka, ABA! Isubmit mo ‘yang sarili mo sa’kin! Pwede asyumera!

So, who’ll be the next BAKLA NG TAON awardee? 🙂

Note: Ang award-awardan na ito ay nagsimula sa squad. Mga pabibong squad!

*******

Goodnight!

Advertisements

“Activists Journ students should be kicked out”- Bb. Chairperson

Damang dama ko naman ang tumatalsik nilang laway, ang nanlalagkit nilang balat, at ang umaapoy na prinsipyong hindi dapat kinukulong ang kaalaman sa apat na sulok ng silid-aralan. Pag nakiupo ako sa kanila, pakiramdam ko, ayoko ng tumayo. Para akong sponge: andami kong naaabsorb sa kanila.

Pag sumigaw sila, magigising ang mga tutuli mo, parang naka-mute yung professor mo habang nagsasalita siya sa harap. Sinisigaw nila yung kadalasang ayaw nating marinig. Lalo na ng admin

                                                         *****

Babaeng bakla. iyan ang tawag sa kanya. Nakikiuso kasi sa lengguwahe ng kabataang moderno ngayon. Nanay ng mga anak ng pluma (kung pluma sya, isa syang pentel pen). Maingay. Gusto nya ng maingay pero may sense ‘daw. ‘ Sometimes, it seems like her mouth is talking faster than her brain (she’s defying science, then). Cool, ang hilig magmura. Sarcastic magsalita pero prangka.

                                                        *****

Paano kaya kung magsabay sa pag-iingay tong dalawang to? magugunaw ata ang 2nd lobby ng COC. matutuliro lahat ng journ students.

Malaki lang bunganga ng Chairperson namin. at dadaanin ka sa mura. Pero hindi natin pwedeng sabihin na ang mga aktibista ay walang laman ang utak.

at ang mainit na isyu na sumindak sa akin? ikikick out daw LAHAT ng aktibistang Journ students.

Ang PUP na siguro ang may pinakamababang tuition na State University ngayon. Para ka lang bumili ng Piattos sa tindahnan, dadayain ka pa ng tindera kaya mas mahal pa ng piso ang kinakain mo sa tuition ko. Pero paano kung ikikick out nga niya ang mga estudyanteng tulad ko na dito lang umaasa? sa eskwelahang ‘fount of knowledge’ ika nga ng aming Presidente? karapatan ng mga estudyante ang mag-aral. at ang edukasyon ay hindi dapat kinakalakal na kung saan ang ay kaya lang bumili ang makakakuha.

at isa pa: hindi naman maituturing na peste ang mga aktibistang ito. mas maituturing na peste ang mga estudyanteng pumapasok para lang sa baon, pumapasok dahil walang magawa sa bahay, o pumapasok habang kung saan-saan lang pumupunta.

Sa kabilang banda, hindi dapat kagatin ang kamay na nagpapakain sa iyo. Relax lang tayo dapat. Dapat igalang natin ang ating ina na syang gumagabay sa atin, ke baklang babae o butanding pa iyan. Kung tutuusin, maganda ang plano ng NANAY namin sa aming department. Journ students will shine. motto ata nya. Ayaw nya kasi ng kemeng mga estudyante, yung tipong titiklop na lang sa isang tabi dahil binilin ng Dean na dapat Journ students are supposed to read and write! Not to make noise! (nyemas, yung mga tinuturing nya din na anak na broadcasting students,  mas maingay pa sa pwet ng manok na di matae).

Kung papipiliin ako kung sino dapat manaig? WALA.

Respetuhan lang. Limitasyon sa karapatang tinatamasa. Wala namang bastusan ng kanya-kanyang prinsipyo sa buhay.

Update: alam ko, walang sense ang sinasabi ko. nawindang kasi ako sa balitang drop na ako sa Introduction to Communication Research na hawak ng aming Chairperson (parang kakabanggit ko lang) . Blangko ako ngayon. Sensya. Itry ko na lang ngumiti. 🙂

Ang Bagong Blog

Matagal-tagal din ata akong hindi nakapag-blog. It’s been a year. Kinalimutan ko na yung blog ko last time. About college life. Wala na akong ikwekwentong kagaguhan sa inyo, mga tao. Kaya para sa mga sumusubay ng blog ko kung paano mag-drop ng subject, o magcut ng klase, mameke ng pirma o gumawa ng project 1 oras bago ang pasahan, sorry to say,pero nag-aaral na ako ng mabuti. For a change.

Pero hindi ibig sabihin nun ay wala nang natirang latak ng pagiging BI ko. Mabait lang ako sa mga mata ng professors, pero sa mata ng sambayanang Pilipino, walang nagbago sa katingerang una ninyong nakilala.

May isang bagay lang na nawawala sa blog ko nung una. Isang bagay na malaking isyu sa akin na hindi ko nasabi noon pa. na dapat ay sinabi ko sa blogssss ko. Bagay na hindi ko nasabi dahil nakasunod ang mga kalasmeyt ko.

I am Lesbian. Period.

Sorry naman, dun sa mga taong umasang akala nila, sadyang pinanganak lang akong pinitik-pitik ang hita ko kaya bukaka ako maglakad, o kinalabit ang vocal chords kaya lumuwag at naging boses lalaki. Sorry. Matagal ko na itong dapat sinabi. Pero natatakot akong masira ang pangalan ng aming angkan sa kanilang lunggaan, ma-showbiz at gisahin ni Boy Abunda.

Sa katukayo ko, sana straight ka. H’wag mo nang dagdagan ang mga jombolits na kapangalan natin ha?

Kung naitatanong nyo kung ba’t bigla akong nag-blog, simple lang: may isang babaing makulit na namimilit sa aking magblog. Pabulong-bulong animo’y konsensya ko, (kaya nga BI. LOL) Magblog ka na… Magblog ka na… (repeat 10 times) dahil gusto nyang me makakasama sa wordpress. haha. Itatago na lang natin sya sa pangalang nyang Juliet. lol. Juliet, if you’re reading this, you won against my brain. (mga kapatid, taga-ibang lupalop sya, at hindi sya  nakakaintindi ng lengguwahe ng mga mortal. lol)

Isang pag-amin, na dito nyo lang narinig. Kay Katingera, mula sa bundok ng Tralala.